04

136 93 23
                                    

KABANATA 04
ᵇᵉᵍⁱⁿⁿⁱⁿᵍ


"Ano yung narinig ko sainyo ni Luigi?"

Nakauwi na ako galing sa mansiyon nila Abo. Kaya nandito ako ngayon sa hospital nakaupo habang nakayuko at nakikinig kay mama.

"Ano Azriella Samantha Corazon wala kang masabi? Ilang ulit ko nang sinabi saiyo na wag na wag pumasok ng kahit ano mang trabaho. Maliit man ang kita o malaki, basta wag. Naalala mo iyon?" tumango ako

"Opo mama" mahina kong sagot sa kaniya

"Sinuway mo ako Azriella, sinuway mo ang iyong ina." aniya

"M-ma p-pasinsiya napo." utal na sabi at pagpipigil ko ng iyak.

Hindi ako sanay na pagtaasan ng boses ni mama dahil palagi lang mahinahon ang kanyang boses pero pag hindi ko siya sinusuway.

Napabuntong hiningi si mama bago ulit magsalita. "Anong magagawa ko wala na. Haaishh sge sge, wag kalimutan pasalamatan ang panginoon basta tatandaan mo ang sasabihin ko. Pag sinaktan ka ng amo mo doon, lumayas ka! Umalis ka doon, mag resign ka. Dahil pag hindi mo sinunod ang payo ko, i handa mo yang sarili mo dahil hindi lang sirmon ang maabotan mo."

Hindi ko mapigilang ngumiti kay mama na kinakunot ng noo niya. Tsaka ako tumayo at niyakap siya.

"Opo mama tatandaan ko po ang payo mo. Hehe naiiyak po ako."

"Wag kang mag hehe hehe diyan" tango ako ng tango tsaka tumikhim.

"Ehem! Ma, b-bukas napo pala ako magsisimula doon. Kada sabado at linggo lang ako makakuwi."

"Yan talaga ang sinasabi ko. Paano na ang
pag-aaral mo? Wag mong subukang umabsent o huminto sa pag-aaaral dahil malalagot ka saakin." si mama talaga.

Hindi niya alam na tatlong linggo na akong hindi pumasok sa unibersidad at tatlong linggo narin akong walang kumonikasyon sa mga kaklase ko, lalong-lalo na kay Abo. Nag iba ako ng sim dahil ayaw ko ng distorbo habang inaalagaan at iniisikaso ko si mama. Na mimiss ko na sila, lalong lalo na ang pangungulit nila Jaehyun saakin.

"Bakla!" Taena

"Kong makasigaw ka Luigi... Pwe wag nanga. Ano bang ginagawa mo dito?"taas kilay kong tanong sakanya.

"Malamang bibisitahin si tita. Malamang rin naman kong ikaw, ay oo nga pala tita kumain kapo ng madami. Dinalhan kita ng pagkain para pag......." hindi ko na alam ang dugtong ng sinabi ni Luigi dahil binulong niya ito kay mama.

"Oo naman, salamat dito Luigi."

"Walang anuman po tita."

Agad kaming napatingin sa labas ng pinto ng may kumatok.

"Can i come in?"

"Ahh opo! Pasok po pasok"aniya ni bakla habang ako ay nagtataka parin.

Kada gabi lang naman dinadalaw ng nurse si mama ah, pero bakit hapon palang doctor ang pumasok?

May hindi ba sila sinasabi sa akin?

——

Padabog akong umupo sa upuan at sinamaan sila ng tingin.

"Ma naman! P-paano pag hindi ka pa talaga magaling? Private hospital po iyon, alam kong hindi sila basta bastang magsasabi na makakalabas kana sa bwesit na hospital na iyon pag hindi kapa magaling!"

"Anak magaling na ako."

"Eh kong ganon bakit hindi mo sinabi?"nagtatampo at taas kilay kong tanong

Friendship FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon