20

62 41 5
                                    

KABANATA 20
ᵗᵉˡˡ ᵗʰᵉ ᵗʳᵘᵗʰ


"Hindi naman po kailangan iyun. " i said.

"No no, you must be there ija." i only smiled and excused myself.

Dumiritso ako sa harden at umupo sa isang upuan. Dahil sa malalim na iniisip ay hindi ko napansin ang taong tumabi saakin.

"Where did you go?"

"Sa amin lang, nagpapahinga." sagot ko naman.

"Are you tired?"

"Hindi na ngayon." tumango siya.

Ng may pumasok na katanungan sa aking isipan ay hinarap ko siya.

"Kailan pala gaganapin ang kasal niyo?" mahina siyang tumawa.

"Were not engage yet. But before our graduation happen, the engagement party will---"

"Rian."

Sabay kaming napalingon sa pumutol ng kaniyang sinabi. Agaran siyang tumayo at niyakap si Ashton, agad akong nag-iwas ng tingin.

Tumayo ako at lalagpasan sana sila ng magsalita siya.

"I will talk to Azriella for a while Rian. Hintayin mo nalang ako duon sa luob."

"Alright."

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

Marahan niyang hinawakan ang aking pulso at mas pinaharap sa kaniya.

"Y-yung asawa mo, b-baka---"

"El."

"Ano? Tintanong kita tapos ang isasagot mo, el? Anong meron sa salitang el? May kahulugan ba iyun para sayo?"

"What do you mean?"

Imbis na sagutin siya ay nabato ako sa aking kinatatayuan ng may nakalimutan. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya at tumakbo papunta sa aking kwarto. Nagmamadali kung kinuha sa ilalim ng higaan ang gamot ko dahil nagsisimulang kumirot ang aking dibdib malapit sa puso. Ininom ko ito kasabay ang tubig na nasa isang tumbler. Bumukas ang pinto, pero nagulat ako ng mabitawan ang lalagyan ng aking mga gamot. At ang masaklap ay nagkahiwalay at natapon lahat ng mga gamot ko. Napapikit ako.

Dali dali ko iyung kinuha pero huli na ang lahat.

"What is this!? Ano to Azriella? Gamot para sa puso?"

"A-ah b-binili ko iyan may nagpapabili, n-nakalimutan kung maibigay sa kaniya kaya baka bukas--"

"May nagpapabili pero nasa lalagyan ng gamot mo? May tinatago ka ba Azriella?"

Kinakabahan akomg tumayo habang siya ay sinusuri ang napulot na gamot.

"Sagot."

"W-wala nga, may nagpapabili lang eh."

Lumapit siya sa akin at mariin akong tiningnan.

Friendship FallenWhere stories live. Discover now