07

106 79 6
                                    

KABANATA 07
ʰᵘʳᵗ

Isang buwan na ang nakalipas at hindi ko parin maiwasang masaktan, katulad ngayon. Kada may kaibigan, o di kaya ibang taong bibisita kay Abo ay panay ang tago ko. Kahit wala siyang sinabing magtago ako.

Hindi ko alam kong bakit. Maraming tanong ang bumagabag sa isipan ko.

Ang grupo lang naman ni abo ang may alam na personal maid niya ako, at yun ang miracle5.

Mapait akong napangiti habang sinisilip sila dito sa kusina. Ang saya saya niya habang kakwentuhan si Sabrina.

Yung saya na gusto kong makita.

Yung mga tawa niya habang may sinasabi si Sabrina, pangarap ko iyon.

Pangarap ko iyon na sana, sana balang araw ay mapasaya ko siya. Na mapatawa ko siya kahit sandali lang. Gusto ko ako ang dahilan ng saya at tawa na iyon, pero mukang hindi matutupad.

"Anong sinisilip mo diyan?" napatawa ako sa tanong na iyon, syempre hindi ba obvious kong ano o kong sino ang sinisilip ko?

"Hayy nakong bata ka, bakit hindi ka nalang magpakita sa kanila. Panay kasi ang tago mo" hindi ko nalang siya sinagot at nagsalin nalang ang tubig.

Nandito si Manang kada lunes hanggang biyernes, sabado lang at linggo wala siya kasi day off niya iyon kasama narin ang mga kasambahay dun sa mansion nila tita Ashey.

"Kong magpapakita ba ako manang hindi ba nila ako guguluhin, papaulanan ng maraming tanong?"

"Ija hindi naman talaga matin yan maiiwasan. Pero kong ayaw mo talaga, hindi naman kita mapipilit" aniya sabay lagay ng palaman sa apat na sandwich bread.

"Sabihin mo nga saakin...... May gusto ka ba kay sir Ashton?" Oo

"Syempre w-wala. Bakit naman ako magkakagusto kay abo kong kaibigan lang ang turing niya saakin diba?"

"Yun! Hindi mo ako maluluko ija, kitang kita ko sa mga mata mo na gusto mo siya. Baka nga mahal mo na eh"

"Manang talaga"

Pinanuod ko siyang nilagay sa dalawang maliit na pinggan ang tigdalawang sandwich bread at isang basong orange juice tsaka isang basong kape. Sa isang buwan na pagsisilbi ko bilang personal maid kay abo dun ko rin nalaman na mahilig pala siyang magkape. Kahit magkaibigan kami, hindi kami yung tipong umiinom ng kong ano ano pag mag kwekwentuhan kasi kadalasang kwenekwento namin ay tungkol sa pag-aaral. Kaya wala kaming oras para ibahagi sa isat-isa ang mga paborito at gusto namin.

" Oh ito, ikaw ang magbigay niyan sa kanila" agad lumaki ang mana ko at napa atras

"Ayaw ko po manang. P-pwede namang ikaw diba?"

"Diba ayaw mong magpakita edi ito na ang oras para magpakita ka sa kanya. Babae lang siya ija, kagaya natin. Kaya wala kang dapat ikatakot, nandito lang ako." napangiti at kinakabagan ako sa sinabi ni manang Neda.

"Ehh manang k-kasi naiihi na ako eh" palusot ko.

Sana maniwala siya.

"Hindi mo ako madadaan sa ihi ihi mo, ibigay mo na ito sa kanila. Siguradong nagugutom yun sila kakakwento." napabuntong hininga nalang ako tsaka dahan dahang kinuha ang tray na may lamang miryenda nila.

Nagsimula akong maglakad papunta sa kanila pero parang nanghina ako. Gusto kong umiyak, sumigaw, at magalit.

Bakit?!

Sabihin nga nila saakin, magkaibigan lang rin ba sila? O nagmamahalan na pero hindi ko lang talaga napansin?

Parang gumuho ang mundo ko ng makita ko kong paano siya tumugon sa halik ni Sabrina.

Kong hindi ko lang narinig ang sigaw ni Manang ay hindi ko mamamalayang nahulog ko na pala ang hinahawakan at dinadala ko.

"Jusko, Samantha!" sigaw ni manang na pumutol sa kanilang halikan.

Habang abala si manang Neda sa pagtingin sa kamay at braso ko ay nasa kay abo parin ang tingin ko na ngayon ay nakakunot ang noo.

Yun lang? Wala siyang gagawin? Hindi man lang niya ako tutulungan o di kaya mag-alala?

Para saan pa ba Samantha?

Kitang kita mo simula una na kaibigan lang ang turing sayo ng tao pero heto ka parin pinipilit na sinisiksik ang sarili sa taong hindi ka naman talaga mahal.

Ngumiti ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi ko.

Agad akong umatras kay manang at patakbong pumunta sa kwarto ko sabay lock nun.

Napaupo ako at napasandal sa pinto habang walang tigil sa pagtulo ng luha ko kasabay ng mahina pero napakasakit na iyak ko. Sinadya ba nila iyon dahil nandun ako o totoo talagang naghahalikan sila?

Edi napa swerte ni Sabrina kong ganon!

Alam kong madami ng kahalikan si abo noon. Pero noon pa iyon, noong hindi ko pa siya gaanong kakilala, noong hindi pa ako nagkakagusto sa kanya.

Pero iba ngayon eh, siguro nga mahal na mahal ko na siya.

Napatingin ako sa higaan ko kong saan dun kanina pa nag riring ang cellphone ko. Kaya nanghihina akong tumayo sabay kuha ko sa cellphone at sinagot iyon habang nagpapahid ng luha na kahit anong pahid ko ay hindi parin tumitigil.

"Ija, goodafternoon. Kumusta na ang anak ko ija? Nasaan siya ngayon? Kasama ka ba niya?" pinigilan ko na wag umiyak pero traydor ang sarili ko at napahagulgol ako ng iyak.

"What happen? A-anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak ija? Sinaktan kaba ng anak ko diyan?"

Gusto kong sagutin siya pero kalaunan ay pinatay ko ang tawag. Sa tuno ng boses niya, sa mga tanong niya para bang gusto ko nalang magsumbong.

Pero napaka desperada ko naman kong ganon. Sasabihin ko na may kahalikang babae ang anak niya? Na nasasaktan ako dahil dun?

Ang layo ng istado ng buhay namin. Mahirap lang ako pero may gana pa talagang magkagusto sa isang mayamang lalake? Bilyonaryo sila pero kahit nga isang daang libo ay nahihirapan kaming maabot bilyon pa kaya.

Ang gulo!

Napakawalang hiya kong babae naman para iyakan ang isang taong may kahalikang babae. Pero mahal ko siya eh, mahal na mahal ko siya.

That's why im hurt!


Friendship FallenWhere stories live. Discover now