CHAPTER TWENTY-NINE

Magsimula sa umpisa
                                    

"O, ba't bumalik ka agad? Akala ko sa breakfast na lang tayo magkikita?" At tumawa ito. Pero it was an empty laugh. Napatitig ako sa kanya. I thought about what she said to me a while ago. May nangyari na sa kanila ni JT Zaldua. Si JT kaya ang kausap niya?

"Kumusta ang pag-uusap n'yo ni Micah?"

No'n ko na-realize kung bakit ako nandoon kaya imbes na sumagot ay humalungkat ako ng bag. Hinanap ko ang cell phone ko.

Tinawagan ko agad si Micah. Cannot be reached ang number niya. Nagsend ako ng texts. Sunud-sunod. Anang una: Hindi totoong may iba na. Walang sagot. I tried again: Iisa lang ang naging laman ng puso't isipan ko all these years. Wala pa ring sagot. Naiiyak na ako. Pero hindi ako sumuko. Nagpadala pa ako ng one last message: Bakit sa tingin mo naadik ako sa milktea? Nang hindi pa rin ako sinagot, hinagis ko na lang ang cell phone sa kama at binagsak ang katawan doon. Tinabihan ako ni Felina.

"Nagpakipot ka na naman ba, girl?" pabulong niyang tanong.

Tumangu-tango ako. Nakapikit pa rin. Bumungisngis siya nang mahina.

"Hay naku. Kaya walang nangyayari sa mga lovelife natin dahil saksakan tayo ng pakipot. Pareho tayong pabebe."

Hindi ako nagkomento. Totoo kasi ang sinabi niya. Naisip ko nga, kung kasing ugali ko si Yolanda, siguro'y may nangyari na sa amin ni Micah. Baka kasal na rin kami ngayon. At baka nga, buntis na ako! Haist.

"Akala ko ba sabi mo sa akin noong nakaraan, susunggaban mo na agad at one tiny bit of paramdam from him?"

"Wala, eh. Naunahan ako ng hiya. Nagpakipot pa rin."

"H'wag kang mag-alala, Shanitot. If he loves you, he'll come back. At least, alam mong mutual ang feelings n'yo sa isa't isa. So unlike me and---"

Naramdaman kong gumalaw ang kama. Binalingan ko si Taba dahil bumangon ito at dumungaw sa bintana ng cottage namin. Tila may kinausap roon. Mayamaya pa, bumalik naman agad at may kasama nang nakakagutom na roasted chicken. Kumulo ang tiyan ko. Oo nga pala. Ni hindi kami masyadong nakapag-lunch dahil inuna namin ang pagtampisaw sa dagat. Mabuti't nag-order ng makakain si Taba.

Dahan-dahan na rin akong bumangon para saluhan siya sa late lunch nang nanlaki ang mga mata ko. Hindi si Felina ang nakatayo sa bandang paanan ng kama namin kundi si Micah. He was carrying a tray of food in one hand and a single red rose on his other hand.

"Micah!"

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Nang deretsahan niyang sinabi na hindi na niya gusto iyong lalaking sinasabi niya sa sulat noon, nabatid ko nang nahuli na ang dating ko. Imbes na ipagpilitan ang sarili, I decided to accept it as a real gentleman. What else can I do?

"Rupert, ihanda mo na ang sasakyan. Babalik na tayo ng Manila."

Napa-double take sa akin ang driver ko mula sa pambobola sa isang staff ng resort. Sabi ko kasi kanina'y sa makalawa pa niya ako ihahatid sa NAIA. Dito muna ako sa hotel ng kaka-acquire lang naming resort sa Batangas titigil for a few more days until my flight to Singapore on Sunday. Kaso, heto nga at nabasted na kaya ano pa ang saysay ng paglalagi roon? It would be a waste of time.

"Sir, cell phone n'yo po. Naiwan sa conference room."

"Thanks, Doug."

Binulsa ko agad ang cell phone at pumuntang reception area. Binigay ko sa kanila ang susi ng suite ko at binigyan din ng instruction ang naka-stand by doong bell boy na kunin na ang nag-iisa kong travelling bag sa kuwarto ko.

Habang naglalakad kami ni Rupert papunta sa sasakyan, sunud-sunod na nag-vibrate ang cell phone na nasa bulsa ng shorts ko. I ignored it. Papalabas na kami ng resort nang makita ko sa rearview mirror na tumatakbo pahabol sa amin si Doug. May sinisenyas ito.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon