CHAPTER TWENTY-EIGHT

Start from the beginning
                                    

No'n ko lang na-realize na matagal na nga palang hindi niya nababanggit sa akin ang poging life coach na iyon. Shit! I should have been perceptive and sensitive! Baka ayaw niyang pag-usapan namin. Baka sinaktan siya nang todo ng lalaking iyon. Balita ko'y kung kani-kanino iyon nali-link lately. For all I know, baka may katotohanan ang binabalita tungkol sa lalaking iyon.

"You don't need to answer, Taba," nakangiti kong sabi at inakbayan ko siya. Binaba ko sa mesa ang nangangalahating baso ng piña colada at nagbihis na rin ng pampaligo. Sabi namin kanina nang paalis ng Maynila, magsu-swimming kami agad habang maaga pa dahil mamayang hapon ay balak naming mag-island hopping. Gusto naming masilayan ang naggagandang bahay ng mga celebrities at politicians sa pinakatagong isla ng Batangas. Mararating lang daw iyon ng helicopter at yate pero matatanaw mula sa dagat.

Nagkaroon ng nakakailang na katahimikan sa pagitan naming magkaibigan. Nakapagpalit kami into a swim wear nang wala kaming kibuan. All white siya, at all blue naman ako. Tapos, nang papunta na kami sa tabing-dagat, ay bigla na lang humarap sa akin si Taba saka nagsabi ng, "May nangyari na sa amin ni Jokim."

Bigla akong natigil sa paghakbang. "Huwattt?!" I was shocked.

Ngumiti siya nang mapakla. "It was unexpected. Pero---hindi ko pinagsisihan."

Napanganga ako sa kanya. Hindi ko sukat-akalain na ang kaibigan kong mukhang walang libido sa katawan ay naunahan pa akong ma-divirginize. I was speechless.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Sabi ni Olezka, I should give her a cold treatment. Iparamdam ko raw sa kanya ang absence ko. Though I did not believe him at first, I ended up doing what he advised me to do. Ang sabi niya sa akin, maghintay lang daw ako ng ilang oras, o baka minuto pa at tiyak daw na si Shane na mismo ang lalapit sa akin at tatanungin ako kung bakit I want to make her feel special pero bigla naman akong dumistansya. Kaso lang, mukhang maghihintay ako sa wala.

Palihim ko siyang pinagmasdan habang nagtatampisaw sila ng kaibigan niya sa mababaw na bahagi ng dagat. She has developed into a very sexy woman. Noong una ko siyang nakilala sa store ko, siguro that was more than three years ago, medyo patpatin pa siya no'n. Maganda na siya noon pa, pero mas lalong gumanda ngayon. She has curves in all the right places now. Naging mas maumbok na ngayon ang kanyang dibdib at gumanda pa lalo ang hubog ng pang-upo.

Napangiti ako nang maisip iyon. Maumbok. Pang-upo. Pinilig-pilig ko ang ulo at pinigilan ang sariling mag-isip pa ng kung anu-ano dahil nararamdaman ko nang sumisikip ang aking pantalon. I felt so bad. And guilty. Pakiramdam ko'y isang manyak na stalker.

Mabilis akong lumayo sa dagat at dali-daling nagtungo sa private room ko na nasa ikalimang palapag ng hotel ng resort. Pero bago ko marating ang sariling silid, nagkagulatan kami ni Janice sa hallway. Hindi ko inasahang makikita siya roon, of all people.

"Micah!"

"Janice?! What are you doing here?"

She smiled sweetly at me. "Am I not welcome here? Ang cold naman ng salubong mo sa akin? Para namang wala tayong pinagsamahan niyan."

May galit na umusbong sa puso ko nang maalala ko ang ginawa niya sa mga sulat ni Shane noon. I felt like confronting here right there and then. Nagpigil lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap kaninuman sa kondisyon ng katawan ko nang mga oras na iyon. Nais ko lamang marating ang banyo ko nang makapag-cold shower.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "You're looking a lot hotter these day, darling," at dinilaan niya ang kanyang lower lip. Tumingin pa siya sa ibaba. At lalong lumawak ang kanyang ngiti. She became even naughtier. Dinikit niya ang lowewr part ng katawan sa harapan ko. Napaigtad ako. Imbes na mapukaw ang pagnanasa ko, lalo pa akong nainis sa kanya. But then, I still gently grabbed her hands and put them to her sides before stepping away from her. Balak kong h'wag na siyang kausapin pa dahil baka hindi ako makapagpigil at kung ano ang masasabi ko. Siya ang dahilan kung bakit nainis at dumistansya sa akin si Shane.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now