"Ang tatlong students na tatawagin ko ay magsitayo at kunin na ang inyong mga gamit dahil lilipat na kayo sa Class A."

Dinaga ako ng kaba.

'OH MY GOSH! Eto na 'yun...'

"Andrie Enriquez."

Nagpalakpakan naman kaming lahat ng tawagin ni Ma'am si Andrie.

Naks! Expired—I mean inspired ang isang ito. Dati kasi ay talagang maloko at hindi pala-aral si Andrie, pero ngayon, tingnan mo nga naman. Napabilang sya sa Top 10.

"Congrats Pareng Andrie! Malaya ka na. HAHAHAHA!" pagbibiro ng isang kabarkada nito.

"Ogag! Magsipag ka kasi ng may pakinabang ka naman sa mundo," tumatawang sagot ni Andrie. Tinaasan lang sya ng middle finger ng kabarkada.

See? Mga siraulo yan dito sa klase namin. Pero mababait naman ang mga iyan.

"Next is... Camille Baretto."

Nagpalakpakan kaming lahat. Si Camille ay isa sa mga estudyante dito sa Eastwood High na tinatawag nilang nerd, geek or bookworm.

Palagi kasi itong nasa library para magbasa. Matalino din ito pero hindi ko lang talaga alam kung bakit mas pinili nyang manatili sa Class B.

"And last but not the least, Margaux Erish Santanilla."

"HOOOHOOOOOOOHHHH!"

"SANTANILLA! SANTANILLA!"

"BESPREN KO YANNNN!"

Natawa na lang ako sa kanilang reaction ng tawagin ang pangalan ko.

Kahit na iba-iba kami ng hilig at mga pag-uugali, sa mga kalokohan at mga pagsubok na dumating sa klase namin, nagkakaisa kaming lahat. Gano'n ang tunay na magkakaibigan na nabuo namin sa dalawang taong magkakasama. Para sa'kin Class B pa rin ang Dabest dahil sila, kilala ko na at subok ko na ang mga ugali.

Binigyan kami ni Mrs, Climente ng time para mag-ayos ng mga gamit na dadalhin namin.

Sabi nila mataas ang trato ng lahat pagdating sa mga estudyanteng nasa Class A. Mas maganda at kompleto lahat ng gamit na meron sila at mga kakailanganin pa.

Hindi naman ako naniniwala dahil pantay-pantay lang naman ang trato sa bawat students dito.

Siguro ay mga students lang ang nag-iisip niyon dahil nasa mataas na level ang mga ito. Pero para sa'kin, kung ano kami ay ganoon din sila.

"Sabay tayong mag lunch mamaya ah!" pahabol pa ni Ella sa akin pagkalabas namin ng room.

"Oo! Hintayin mo na lang ako sa dating pwesto."

"Orayt!!"

Nilisan naming tatlo ang Class B at saka kami nagtungo sa third floor ng building na ito dahil naroroon ang classroom ng Class A. Lahat ng Class A simula 1st year hanggang 4th year ay naroroon.

Nasa pangalawang palapag naman ang Class B at Class C sa first floor. Then ang nasa ibaba ng first floor ay ang Main Hall, na kung saan kami nag tatambay kapag walang klase. Naroroon rin ang Principal's Office, SSG Office at Teacher's Office.

Dalawang matataas na building meron ang Eastwood High. Isang malaking gym naman ang katabi ng kabilang building. Cafeteria ang naroroon sa unang palapag ng kabilang building. Sa itaas niyon ay mga rooms na pinagdaraosan ng bawat clubs, meetings at iba pa. Naroroon din ang Auditorium, Library, Laboratory at iba pang important rooms.

Agad naman naming nakita ang classroom ng 3rd Year, Class A.

Nakasarado ang pintuan pati na rin ang mga kurtina ay nakababa, na hindi naman malimit mangyari. O baka nagkataon lang talaga. Kapag kasi may klase na ay nakasarado ang mga pinto ng bawat rooms para walang istorbo.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now