"Wala siya doon, Terrence. Walang Ayiesha na nakita ang mga tauhan ko!" Nanatili itong nakasigaw sa kabilang linya.

"Impossible iyon. Baka natraffic lang,"

"Paano matra-traffic iyon, malapit lang ang helipad ng helicopter ko."

"Hahanapin ko siya. Ibabalik ko ang kapatid mo," sabi ko kay Liam.

"Gawin mo, Terrence. Wag kang mangako."

Kanina pa walang Liam sa kabilang linya. Agad kong tinawagan ang isang tauhan ko na magaling mag-track. Pinatrack ko si Ayiesha sa kanya.

"Nasa isang Isla si Ma'am Ayiesha, Sir," sabi nito.

"Pwede mo bang matrack kung saan iyan?" tanong ko.

"Pag-aari ni Mr D, ang Isla na iyon, Sir."

Naikuyom ko na lang ang aking kamao. Siya na naman ang kumuha kay Ayiesha. Akala ko ba patay na ang gagong iyon.

Agad kong tinawagan ang mga tauhan ko na maghanda, dahil lulusob kami sa isang Isla. I know that Island. Katabi iyon ng resthouse ni Liam.

Tinawagan mo din si Liam at sumangayon ito sa plano ko. Di kami pwedeng dumaan sa dagat, dahil baka mahalata nila kami. Kaya sa kagubatan kami dumaan.





Ayiesha POV

PILIT kong tinatanggal ang kadenang nakagapos sa aking kamay. Pero sadyang madiin ang pagkakatali nila.

Nasa harapan ko naman ang lalaking kinasusuklaman ko. Hindi mawala-wala ang ngisi sa labi nito.

"Akin ka ng muli, Ayiesha!" tumatawa nitong sabi sa akin.

Tinignan ko siya ng masama. "Sa tagal na panahon na nakikipagtaguan ka sa akin. Sa akin din pala ang bagsak mo."

"Nakakaawa ka!" sigaw ko. "Alam mo ba iyon," nanguuyam kong utas dito. "Dahil, kahit ni isa ay walang nagmamahal sa iyo. Kahit na isa ay walang may gusto sa iyo. Ay oo nga pala meron, ang marter na si Leigh, my so-called bestfriend."

Nanlilisik ang mga mata nitong tinignan ako. Alam kong di niya akong kayang saktan. Dahil kailangan pa niya ako.

"Hindi ko pa nakakalimutan, Ayiesha na pinatay mo ang anak ko!" madiin, ngunit mapanganib na sabi nito sa akin.

"Ikaw ang pumatay sa anak ko. Wala kang kasing sama."

Tumayo ito at lumapit sa akin. Inilapit nito ang mukha sa aking leeg at nangingilabot ako. Kilabot ang nararamdaman ko.

"Akin ka lang Ayiesha. Kung kailangan na buntisin kita ulit, gagawin ko," bulong nitong sabi.

"Sa tingin mo, hahayaan kita?" taas-kilay kong sambit dito.

Lumayo ito sa akin. "Your weak Ayiesha. Wala kang laban sa akin," taas noo nitong sabi sa akin.

"'Yon ang buong akala mo."

Nagulantang kami dahil sa malakas na pagsabog. Lumamlam ang aking mga mata.

'Nandito na sila.' Di ko mapigilan ang lumuha. Dahil this time ay di nila ako pinabayaan.

Terrence POV

"MAGSI-KALAT, kayo!" sigaw ni Liam. "Pasukin n'yo ang lahat ng kwarto ng bahay na iyan!" sigaw muli ni Liam sa mga tauhan namin.

Matagumpay ang naging paglusob namin sa kuta ng mga kalaban para kunin ni Ayiesha. Akala ko ay matatagalan pa kami gaya nang dati, hindi pala.

Lumabas ang isang taong di ko inaasahan. Dala-dala nito ang babaeng mahal ko. Akala ko di lalabas sa lungga nito ang gago.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now