Lascivious Casanova 72

Start from the beginning
                                    

"Iyon po, Sir! Nandito!"

Naguguluhan ako pero pinilit kong hanapin ang mga yapak na papalapit. Ilang puno ang layo ay naroon ang mga magulang ni Maya, tumatakbo kasama ang ilang mga tauhan nila. Tumayo ako at lumayo ng ilang hakbang sa puno. Pagkalapit nila kay Maya, lumuhod ang mga magulang niya sa harapan niya. Hindi alam ng mga ito kung paano siya hahawakan. Kalunos lunos ang sinapit niya na maging ako nahihirapan siyang tingnan. Her father checked her pulse. Pagkaraan ay umiling ito na naging dahilan ng pagwawala at pag-iyak ng mama ni Maya.

"Ang anak ko! Ang apo ko! Maya!" Niyakap nito ang kanyang anak. Pilit na ginigising at niyuyugyog kahit wala nang buhay.

Malinaw ko silang nakikita ngunit malabo ang nagaganap sa akin. Paanong narito si Maya? Paanong wala na siyang buhay? Sino ang gumawa? Sino ang pumatay sa kanya? Alam ko na hindi ako pero bakit puno ako ng dugo sa aking buong katawan?

I glanced at my dress again. It has Maya's blood. Natakot ako nang may mapagtanto. Natakot ako na ako ang sisihin dahil ako ang narito. Hindi kami kailanman naging maayos ni Maya at maraming nakakita na nasaktan ko siya. Nasampal ko siya pero kahit isang beses hindi pumasok sa akin na gusto ko siyang patayin! Subalit sinong maniniwala na hindi ako ang gumawa nito pagkatapos niyang isigaw noon na gusto ko silang patayin ng anak niya?

"She's dead, Mara. Our daughter and granddaughter are dead..."

Napaupo ang ama ni Maya at mangiyak ngiyak na pinagmasdan ang anak. I'm unable to react as I watched them. Her mother is crying. I just simply stood there and stares at her screaming. Kahit sinabi ng asawa nito na patay na ang anak nila'y pilit pa rin nito yung ginigising.

"Ang anak natin, Armando! Sino ang gumawa sa kanila nito!" She cried.

I know she's dead but still, I froze. I'm still shock. I'm speechless. Umatras ako. Gumawa ng ingay ang naapakan ko na tuyong dahon. Ang namumula't luhaan na mata ng Mama ni Maya ay unti unting napunta sa akin. Dahan dahan, binitiwan niya ang wala nang buhay niyang anak. Naging sunod sunod ang atras ko nang tumayo siya. Lumapit siya sa akin na nanlilisik ang mga mata at puno ng paninisi. Umiling ako ng sunod sunod ngunit bago pa ako magbitiw ng salita'y nahablot na niya ako at umiiyak na hinihila ang aking buhok. Umiiyak ako at hindi ininda kahit nang pagsabayin niya ang pagsampal, paghampas, at pagsabunot sa akin.

"Ano ang ginawa mo sa anak ko! Nakiusap ako sa inyo! Maayos ko kayong kinausap! Ibinigay namin ang paternity test na gusto ninyo! Bakit pati ang buhay ng apo at anak ko kinuha niyo!"

Sabay kaming umiiyak. Tahimik ako habang sinasaktan niya ako. Malakas ang mga una niyang hampas pero habang nagsasalita'y unti unting nanghihina ang kanyang kamay. Hindi ko siya inawat. Hindi ako gumanti. Hinayaan ko na mabawasan sa ganitong paraan ang pagdadalamhati niya bilang inang namatayan ng anak. I understand her pain. I understand her anger. I understand that she want to hurt and kill their child's murderer.

Habang buhay nila itong dadalhin. Habang buhay nila itong pagsisisihan. Na kahit hindi nila kasalanan habang buhay nilang sisisihin ang sarili nila dahil wala silang nagawa habang pinapatay ang anak nila. Na habang umaandar ang taon maiisip nila na kung buhay ang apo at anak nila'y ano na kaya ang ginagawa ng mga ito. Na marami pa sanang nakaabang sa kinabukasan nila na hindi na nadugtungan.

"Ibalik mo ang buhay ng anak ko! Ibalik mo ang buhay ng apo ko! Kailangan ko sila! Wala kang awa! Paano mo ito nagawa!"

Yakap ko ang aking tiyan ngunit hindi ako gumanti. Tinanggap ko lahat ng hampas, sampal, at hila sa aking buhok. Kasi baka nga ako ang may kasalanan. Katulad ng pagkamatay ni Jace. Maaaring hindi ako ang pumatay pero isa ako sa may kasalanan. Kung hindi ako nagustuhan ni Jace, buhay pa siya. Iba ang pumatay kay Jace pero isa ang sarili ko sa sinisisi ko. Hindi ko alam kung ano pero siguro may ginawa ako. Siguro nga may nagawa ako kaya ito nangyari kay Maya. Siguro nga isa ako sa dahilan ng pagkamatay niya.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now