Chapter 17: History

51 2 0
                                    

Ninety-four, ninety-five, ninety-six, ninny-seven, ninety-eight, ninety-nine, and, one-hundred!

After doing a hundred push ups, tumayo ako at hinabol ang hininga ko. We've been hiding in here for five days now at kailangan ko nang magpalakas ng katawan. Kailangan kong mabalik ang dati kong lakas. I need all the strength I can gain in order to escape.

Once I had stable heartbeats, uminom na ako ng tubig at nakitang nag-uusap si Manang Flo at si Kendra. I smiled at the sight and continued to wipe my sweat. Tinignan ko sarili ko sa salamin at napangiti ako. Pagaling na yung sugat ko sa ulo ko. I can't wait to get out of here and help Manang Flo have a peaceful life after years of torture.

Bumalik ako sa sala kung saan ako nagwowork out at naglift ng makeshift dumbbells ko. Pagkatapos ay nagpahinga muna ako. In two days, aalis na kami. In two days, magiging malaya na ulit kami. Magkakaroon na kami ng kapayapaan.

Nang makapagpahinga na ako ng kalahating oras ay nagshower ako tapos pumunta ulit sa sala. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas singko na. Ang bilis naman ng oras. Pumunta ako sa kusina para tumulong sa pagluluto pero nakita kong tapos na sa pagluluto sina Kendra at Manang Flo.

"Kain na tayo, babe." Aya sakin ni Kei.

Ngumiti ako sabay tango. "Tara. Tara na rin po manang Flo."

Ngumiti rin ito at sinenyasan na umupo na kami.

Nagsimula na kaming kumain at napangiti ako sa sarap. "Ang sarap naman nito." Sambit ko habang mabilis na sinusubo ang kanin kong may ulam. Grabe ang sarap.

"S'yempre, luto namin 'yan ni manang, ehh." She says cockily.

Tumawa kami at nagpatuloy sa pagkain. Mayamaya ay nagsalita si Manang Flo. "Naaalala ko ang mga luto ni Jericho. Napakasarap din magluto ng anak kong 'yon. Nagmana siya sa akin sa talent nya sa pagluluto. Iyong tatay niya kasi sa pagda-drawing magaling." Tawa nito.

I silently nodded my head tapos tumingin ako kay Kendra. Nginitian ko siya at nginitian niya rin ako. Ibinaling ko pabalik ang atensyon ko kay Manang Flo tapos nilunok yung kinakain ko. "Manag Flo, kung okay lang po sa inyo, pwede bang magkwento po kayo tungkol sainyo? Tungkol sa mga anak ninyo, ganon po. Marami na po kayong alam tungkool sa'min. Gusto po namin malaman ang mga tungkol sa'yo. Okay lang po ba?"

Ngumiti ito at tumango. "S'yempre naman." Sabi ni Manang sabay ayos sa upo niya. "Ang totoong pangalan ko ay Maria Flora Tolentino. Ipinanganak ako sa Maynila pero sa Batangas ako lumaki at nagkaroon ng muang sa mundo. Ako ang nag-iisang anak ng mga magulang ko. Dapat may kapatid pa ako kaso nalaglag siya sa sinapupunan palang ng ng nanay ko. Sobrang yaman ng mga magulang ko. Marami silang lupa sa Batangas, Cavite, Pasay, at Quezon. Naipamana nila sa akin 'yong mga lupang iyon kaya ibinenta ko ang iba at nagpatayo ng negosyo na syang naipasa ko kay Jericho. Ang kaso, simula nang lumayas yung bunso kong anak na si Julianna, nagrebelde siya."

I nodded slowly analyzing the information I heard. I feel like this information may help us if we ever encounter Amara again. It's better to know some than nothing.

"Isinugal ni Jericho lahat ng pera niya para magsimula ng isang lihim na business para sa kasamaan. Pasensya kung hindi ko binabanggit kung ano talaga ang trabaho niya. Nasasaktan lang ako kapag naaalala ko si Jericho."

Hinawakan ni Kei ang kamay ni manang Flo at hinimas ito. "Okay lang po yun manang. Naiintindihan ka po namin. Kaya kung hindi na po kayo komportable ehh pwedeng 'wag nyo nalang pong ikwento."

Ngumiti si Manang at nagpatuloy sa pagkekwento. "Ayos lang, hija. Pero doon na nga nagsimula ang lahat ng gulo ng ito. Bulag ako sa pera noon at nakita kong malaki ang nagiging kita ni Jericho kaya wala akong ginawa. Dumating sa punto na nagka-asawa't nagkaanak na si Jericho at doon palang ako namulat na kailangan kong patigilin ang mga kalokohan ni Jericho. Ngunit huli na ang lahat. Nalaman ko na 'yong nanay ni Amara, prinsesa din ng dilim. Napakataas ng posisyon niya at nang magkaanak sila, wala nang makakapigil sa kanila. Hanggang sa lumaki na nga si Amara at nagkapatayan ang pamilya nila."

Tumango lamang ako at tumayo. "Salamat Manang Flo. Sana po ay maging maayos na po ang lahat. Ipinapangako ko pong itatakas ko kayo mula dito."

Ngumiti ito at hinawakan ang balikat ko. "Salamat hijo. Pero mas mahalagang makatakas kayong dalawa. Saka ninyo nalang akong isipin." She said sadly with a forced smile.

"Una na ako."

Tumango ikami at bumalik sa taas si Manang. Hinugasan ko ang mga pinagkainan namin at pumunta sa banyo pagkatapos. Naghilamos ako ng mukha at nagtoothbrush. Nagbihis na din ako at napabuntong-hininga.

I stared at my reflection focusing on the scars on my face. I turned around to look at my wounded head. I lightly smiled as it was getting better. Everything is starting to slowly heal.

I quickly frown as I remembered Amara. Ano kaya rason kung bakit niya ginagawa 'to. Revenge ba ito sa pagkakamatay ng boyfriend niya? May mas personal pa bang rason para dito? Napakagat ako sa labi habang pinipigilan kong umiyak.

Kailangan mong magpakatatag Jace! Ginagawa mo ito para kay Kei. Para sa anak mo!

Lumabas na ako sa banyo at pumunta sa kwarto. Nandoon na si Kei kaya humiga ako sa tabi niya. "Kei. Once we get out of this, I wanna travel with you and our precious gem you're carrying. I love you so much, Kei." I then kissed her forehead and pulled her deeper into our cuddle.

"I love you more." Tugon nito. "'Di na rin ako makapaghintay na matapos ang problemang ito. I can't wait to finally spend the rest of my life with you and no more dramas."

"Me too, baby. Me too." I replied.

Mayamaya nakaramdam ako na nakatulog na si Kei. I stared at the ceiling deep in thoughts. Hindi ako makatulog sa excitement. I'm excited to get my old life back. To free Manang Flo, and to take revenge on Amara and Tanner's cruelty.

I closed my eyes and started to drift into sleep.


Unwanted Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now