Chapter Eight: "I Think It's Luna."

138 4 0
                                    

We were about to enter the room when a few nurses blocked our way. "Miss, bawal po munang pumasok sa ER ngayon."

"Ate, anak po ako ng naaksidente. Yung ate ko po ang natawagan nyo po kanina. Ano pong balita sa mga magulang ko?" Paiyak na tinanong ni Kendra. I can see her trying her best to keep her tears in.

"Ma'am doon po muna kayo ni sir sa waiting room. Hintayin po muna natin si Mrs. Nicholson na dumating bago mag announce si Dok."

We sat there and I looked at the time. It was almost 2 in the morning. And just a few minutes later, dumating na si Amara, si Luna at si Tanner.

Luna and Kei hugged tightly as they cried in fear for their parents' life. Kita rin ang pag-aalala ni Tanner sa kanyang mukha at pagkilos.

Dumating na si dok at pinaupo kaming lahat. "I have news for you all and I need you to calm down as much as possible."

"Ano yon dok? Anong nangyari sa mga magulang namin?" Iyak ni Luna.

"I'm sorry, we did our best but apparently when they arrived, both of their lungs were punctured by glass and a few metal pieces due to the impact."

And that was when Luna and Kendra started crying once more. They looked so fragile that I was scared to even comfort Kei because one wrong move would literally kill her inside. Baka mamaya mas lalo ko syang mapaiyak kaya hinawakan ko nalang ang mga kamay n'ya.

"But just to be sure, we already updated the police department and fire department and they are currently investigating the scene. They will give you a call and update you about their findings as soon as possible."

Tinawag kami ni Tanner ni dok sa medyo private na lugar at sinabi na kailangan munang idaan sa autopsy iyong katawan ni

I just nodded and mouthed thank you and went back to comfort Kei. I started rubbing her back and kissing her head. Tears started to form in my eyes but I held it in. I needed to be strong for Kei. Tumingala ako dahil nangangalay na ang leeg ko at nakita kong nag-cocomfort din si Tanner kay Luna habang nakatulala si Amara.

Kinuha ko ang cellphone ko at napagdesisyunang tawagan sina mama.

Thirty minutes passed by and naguusap na ang tatlo tungkol sa pagpapalibing. Di pa kayang mag-cooperate ni Kendra kaya sumandal muna siya sa akin.

My heart skipped a beat when my parents did not answer. It was already almost two am and they were probably just sleeping.

After another thirty minutes of crying, we went back home and decided that we should all stay at our place in the meantime kasi bumyahe lang sina Luna at Tanner. Tyaka mas mabuti na magkasama muna kami.

We went to the parking lot and I unlocked my car. We all went in and I drove in silence. Siguro nakatulog na yung mga babae ngunit nang malapit na kami ay nagsalita si Tanner.

"Sino kaya ang pumatay." Tanner said in a hushed tone.

"Ha? Anong pumatay?"

"It was planned. 'Wag muna natin sabihin ito kina Luna but nagtetext rin sakin yung taong nagtetext sayo."

Nanlaki ang mga mata ko ngunit nagtuloy lang ako sa pagmamaneho. Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko. Paano niya nalaman na may nagtetext din sakin? Sino kaya ang nagtetext? Sino ba ang may gustong magka-ganito kami?

Nagpark ako sa garahe namin at pinatay ang makina ng sasakyan.

"Kendra, Luna, Amara. Nandito na tayo. Una na kayo sa loob."

Tumango lang ang tatlo at saka pumasok sa bahay. Nang makita ko silang pumasok na ng bahay, tumingin ako kay Tanner. "Mamaya na natin ito pag-usapan. Idglip muna tayo."

Tumango lang ito at saka lumabas na ng kotse. I sighed and got out of the car as well.

Pumasok na kami sa bahay and nag-uusap ang tatlong babae.

"Luna, doon muna kayo ni Tanner sa second room. Tapos doon ka nalang sa guestroom Kei. Dalhan ko nalang kayo ng mga punda at mga unan. Kakapalit lang naman namin ng bed sheets."

Pumunta ako sa laundry room at saka kumuha ng mga punda at mga kumot. Dinala ko ito sa kwarto nila Luna at Tanner at saka pumunta sa kwarto ko.

As I entered, I saw Kendra on the floor crying.

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. "Tulog na muna tayo Kei. Bukas na natin pag-usapan ang mga ito. We can talk about it more properly tomorrow."

Tumango lang si Kei at tumabi na sakin sa kama.

I started caressing her hair and hummed trying to get her to sleep. After around twenty minutes later, I hear her light snores and lowly smiled to myself. Buti nalang nakatulog na si Kei.

Inayos ko ang higa ko sa kama at pumikit. I wonder what Tanner knows about the texts.

Napamura nanaman ako. Who would ever want to kill innocent people? To kill my parents-in-law.

Seconds turn to minutes and minutes turn to hours. I was brought back to reality when our alarm clocked went off. It was already 7 am.

"Babe? Did you sleep?" Kei asks sadly.

I sighed. "Nakatulog." I lied. "Nagising ako ten minutes ago. Ayaw lang kitang magising pa. Saying yung sarap ng tulog mo."

Kei smiles and kisses me but as she pulls back it quickly turned into a frown.

"I can't believe they're gone, babe. I mean, it's all so sudden."

I sighed and kissed her on the forehead. "We'll talk in the evening, okay, babe? May mag-uusap lang kami ni Tanner tungkol sa mga babayarin and other stuff. Baka mamayang patanghali na uwi namin."

Kei nodded and gave me a peck on my lips. "Ingat kayo baby. I love you."

I got out of bed and smiled at my wife. "I love you too."

Naligo na ako at nagsuot ng simpleng t-shirt at jean, lumabas ako at nakita kong nasa sala na si Tanner. Kumuha ako ng dalawang mansanas tapos inihagis sakanya ang isa at tumango.

"Tara."

Lumabas na kami and pumunta sa abandoned park around thirty minutes away. Nagpark ako sa tabi and tumingin sa paligid.

I parked at a local park and locked the doors. "Anong alam mo?"

Tumingin rin sa paligid si Tanner at nagsalita.

"I think it was planned. Everything. And I think..."

"You think what?" Tanong ko. Kinakabahan na ako pero kailangan kong malaman kung mayroon kaming suspect.

"I think it's Luna."

Unwanted Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now