Chapter 26: R's Message

Magsimula sa umpisa
                                    

Di ako makatulog. Habang padami ng padami ang mensaheng na natatanggap ko parang unti unti na akong naniniwala. Takte talaga.

Dapat muna ba akong lumayo sa mga taong nakapaligid sakin? O mas lumapit ako para makilala ko kung sino ang tinutukoy ng R na to?

"Arghhh bwesit ka R!" Sigaw dahil sa frustration, tangina kasi.



Apat na araw simula nang makatanggap ako ng mensahe galing sa kung sinong R na yan, limang araw na din akong pinipeste ng isip batang transferee.

Wala akong maayos na kain at tulog kakahanap ng bwesit na nagbibigay ng message sakin.

Sa limang araw na nagdaan di ako nakakapag focus sa pinag didiscuss sa school dahil una sa lahat kinukulit ako at pangalawa nakakatamad umintindi ng topic.

Tatlong araw na ding walang paramdam ang mga bugok na itlog na mukang nagtatago ngayon at iniiwasan ang responsibilidad nila hanep talaga.

At ito ako ngayon nag dadrive papunta sa MoreHell dahil gusto kong iclear kahit saglit ang utak ko.

Gusto ko ng alak. Kaya minadali ko ang pagdrive ko papunta sa pupuntahan.

Nang makarating nagpark agad ako at saka madaling pumasok sa loob. Di ko na kailangan ng card dahil kilala na nila ako dito.

Gaya nung nakaraan, mausok, amoy alak at iba't ibang amoy pa. May nagmemake out sa madilim na parte ng bar tss mga di mapakali malalantod.

Dumiretso ako sa bar counter at saktong pagdating ko walang ginagawa si Alexander.

"Hello handsome." Pagbati ko dito.

"Hello there beautiful. What drink?" Nuxx alam na alam.

"May The Bar ka ba jan? Bigyan moko ng isang bote. Shot shot tayo."

"Gago? Okay ka lang? Isang boteng the bar? Seryoso ka ba Miracle?" Sunod sunod na tanong nya.

"Seryoso ako Alex, kapag nalasing ako ikaw ang mag aalaga sakin kaya bilis kumuha ka na ng bote at shot glass." Mukang nag dadalawang isip pa sya pero ginawa nya din naman.

Nilapag nya sa harap ko ang isang bote at shot glass saka umalis. Minuto pa ang nakalipas nang bigla syang tumabi sakin.

"What's the problem?"

"Stress ako sa buhay ko." Sabi ko binuksan nya naman ang bote at saka naglagay sa shot glass.

Kinuha ko iyon at tinungga na parang tubig yeah.

"Why?"

"Stress ako sa tatlong bagay. Una sa isip batang transferee, pangalawa sa mga itlog at pangatlo sa nagbibigay sakin ng message."

"Transferee, itlog, message. Make it clear please." Naguguluhan nyang sabi.

"Nung lunes may dumating na transferee sa school. Pinabantayan samin dahil yun daw yung gusto ng tatay. Nung una akala ko bata kasi kailangan bantayan eh hindi naman, isip bata kamo."

"Palagi akong sinusundan kung saan saan, pinipeste ako lagi. Nagbababy talk malala, tas inutusan pa akong itour sya, tapos kung ano ano pang kagaguhan ang ginagawa magulo lang ako. Tas peste pa yung siyam."

Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon