Chapter 26: R's Message

ابدأ من البداية
                                    

"Pagsabihan mo yung kasamahan mong itlog ah, di ako natutuwa sakanila. Dapat tinutulungan nila ako dun sa isip batang transferee eh, pero ano? Nawawala sila bigla sa paningin ko bwesit." Pagrarant ko.

"Baka naman may ginagawa lang na importante."

"Edi sana sinabihan nila ako diba? Mahirap ba yun?"

"Baka natatakot sayo?"

"Hindi ako nangangagat."

"Baka naman- gagawin kitang baka tamo." Pagputol ko sa kakabaka nya.

"Pumasok ka na nga lang dun Kuya baka sayo ko pa ilabas lahat ng galit ko."

Dali dali naman syang tumakbo palayo tss.

Kanino ba kasi galing yung message na yun nakakaintriga tuloy.



Uwian na at wala ang mga itlog tss ano bang aasahan ko sa mga yun wala diba?

Papunta ako ng parking lot iilan nalang din ang mga students sa campus dahil mag aalasais na.

Nang makarating sa tapat ng sasakyan may sobreng nakaipit sa wipers ko, parang alam ko na to.

Kinuha at binuksan ko ako sobreng iyon....

Be careful, they kill.

R

I can kill too.

"Kung sino ka mang hayop ka na nagbibigay sakin nito pakyu sagad." Pagsigaw ko.

Alam kong wala na ang nagbigay non pero wala pang aksaya lang ng laway.

Pero sino kaya ang tinutukoy ni R? Baka r moments to ah charr.

Kineep ko ang letter, iipunin ko to para sa future. Mahuli ko lang kung sino ang nagbibigay sakin nito itotorture ko talaga malala.

Traffic pauwi dahil may banggaan daw, yan mga tanga sa daan.

Bago makapasok sa village pinahinto ako ng guard, ano nanaman to.

"Good evening Ma'am Jadde, may nagpapa-abot po nito. Hindi ho nagpakilala yung nagbigay basta umalis nalang ho." Pagkasabi nya non ay may inabot syang sobre.

Tangina?

"Ito lang po ba yung binigay?"

"Opo."

"Babae o Lalaki?"

"Hindi ko ho matukoy ma'am, balot na balot ho."

"Ahh, sige po salamat."

Nagdrive ako pauwi sa bahay. Yung R nanaman ba.

Pagkarating sa bahay wala akong pinansin dumiretso sa kwarto. Binuksan ko ang sobre at tama ako yung R nanaman.

They are close to you, be careful.

R

Sino? Binabaliw ako ng hinayupak to ah.

Ibig sabihin malalapit sakin ang mga taong tinutukoy nya? Sino? Sino sila?

Heart Less (Under Editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن