"I'm sorry misis. Sa pisikal, wala. But when we checked his internals, we found out that his brain was damaged. His locomotion might be affected."

Nanlaki ang aking mata. "What does that mean?"

"Baka hindi na siya makalakad. But, we are hoping for the best. He's still in a coma, but is responding to our tests. Malapit na siyang magising."

"Palagi na lang malapit! Magdadalawang buwan na!"

"Roshan...calm down." pigil ni Kelly.

"How can I calm down? Kai's still in that state? And I'm fucking dying because of nervousness."

She hugged me. "Rest ka muna, please? Halika nagdala ako ng pagkain."

"Ayoko kumain." tanggi ko at binaling ang atensyon kay Kai. Pinunasan ko ang kanyang mukha.

"Give yourself some time to rest please..."

"Tangina naman? Paano? Kelly, ni wala akong oras para pagnilayan ang pagkawala ng anak ko. I didn't even have a chance to mourn for her dahil inaasikaso ko pa si Kai. Dahil kailangan ako ni Kai." sigaw ko at inihilamos ang kamay sa mukha.

Yumuko siya. "Sorry for bursting out. Thank you for the meal pero busog pa ako." sagot ko.

"If Kai's conscious and if Neytiri's here, they want you, for sure, to take care of yourself. Tingnan mo Roshan, ang payat mo na."

Ilang beses na nila sinabi sa akin yan.

Sige, kung maiibalik niyo sila dito, kung mabubuhay niyo ang anak ko. Kahit gaano karami, kakainin ko.

Pero wala eh, kahit kumain ako, kahit anong gawin ko, hindi na babalik si Neytiri. Hindi na babalik ang anak ko.

"Can you leave please? I wanted some time with Kai."

"Roshan..."

"Please Kelly?" tumango siya at nagtungo sa pintuan.

"Roshan, please take good care of yourself." aniya at tuluyan ng umalis.

"Kai, gising ka na please? Subuan mo ako, hindi ako makakain eh." my tears fell. "Sige na oh."

Ilang araw na ang lumipas pero wala pa rin, hindi pa rin niya ako pinapakinggan.

"We're planning to transfer Zaccarius into the States, there is better hospital care there." napatingin naman ako kay Mrs. Cueves.

"Kung ano pong mas makakabuti sa kanya."

"We'll inform the hospital. Thank you so much dear for taking care of him." she hugged me.

"Walang anuman po." I cried and hugged her back. A mother's love.

"You're so strong. And after what happened....I'm sorry."

Pait akong ngumiti.

Alam ko kung gaano siya nag aalala kay Kai, ramdam ko. Naranasan ko ang sakit na mawalan ng anak. It's torture.

"Maiwan ko muna kayo ni Sebastian dito ha? Aasikasuhin ko ang mga papeles."

Umupo ako sa tabi ni Sebastian. He looks worried at his brother.

"Ate, kelan siya magigising?" tumulo ang luha ko ng marinig ang tanong niya, kasi kahit ako, hindi ko alam. "Magigising ba siya?" dagdag niya at humagulgol.

Pinunasan ko ang aking luha at bumaling sa kanya. "Oo naman, syempre magiging okay ang Kuya mo. Ewan ko ba diyan, pag hindi pa yan gumising maghahanap na lang ako ng ibang boyfriend." iyak ko.

"Oh? Tama ate. Bahala ka kuya, pag di ka pa gumising...."

"You're bullying the patient? Bad behavior Sebastian."

Parang nagpanting ang tenga ko ng marinig ko siyang magsalita. Dali dali akong pumunta kay Kai.

"Sebastian, paki kurot nga ako. Baka nananaginip lang ako."

Sinampal muna ni Sebastian ang kanyang pisngi bago ako kinurot.

"Aray ate, totoo nga...Kuya!" aniya at tumalon sa kapatid.

"Ouch, Fuck!" daing ni Kai.

Agad kong hinila si Sebastian palayo kay Kai. "Ako naman."

Mahigpit kong niyakap siyang niyakap. Fuck! After almost two months, he's awake!

"Kai!" sigaw ko at humagulgol. "Miss na miss na kita. Ang tagal...ang tagal kitang hinintay."

"Sorry if I took so long." he held me and smiled. "I felt like having a long deep sleep." nagtigil siya at nanlaki ang mata.

"Fuck, where's Neytiri?" luminga siya sa paligid. "The....the accident? Where's our daughter Roshan?" akma siyang tumayo. "What? Why can't I move my legs?" hinawakan niya ito.

"Kai..."

"Roshan, what happened?"

"Higa ka muna." tinulungan ko siya para maayos ang kanyang tayo.

Umiling siya. "What the hell happened after the accident?"

Huminga ako ng malalim. Guess it's the most hurtful part, hindi ko alam kung paano sasabihin na wala na si Neytiri...wala na ang anak namin. 

Natumba si Kai sa kanyang wheelchair. "Mahal naman..." iyak ko.

Lumapit siya sa akin at lumuhod. Niyakap niya ang aking bewang. "Roshan, sorry."

Umiling ako. "Aksidente yun Kai, wala kang-"

"Saktan mo ako oh, sampalin mo ako. Kahit ano, magalit ka. Kasi alam kong-"

Bumaba ako sa lebel niya. Hinawakan ko ang kanyang mukha, pinunasan ko ang kanyang luha.

"Kai...wag na. Wala naman tayong magagawa eh." saad ko sa paos na boses. "Kung magalit ako, kung sisihin kita...maibabalik ba nun yung anak natin? Hindi naman diba?"

"If I-"

"Aksidente yun Kai, iniwasan mo yung bata....pero kapalit nun yung.....anak natin." iling ko. "Pero wala tayong magagawa eh."

Iniwasan niya ang grupo ng mga batang tumakbo sa kalsada kahit naka green light, dahil doon ay sumalpok siya sa isang truck na paparating. At napuruhan si Neytiri...dead on arrival.

Kasi pano ba naman? Ang liit liit pa niya, ang bata bata pa.

He lost his child while trying to save others.

"At first....I blame you. Kasi yung mga bata, nailigtas mo, pero yung sarili mong anak yung namatay. Tangaina, tatlong taon pa lang siya. Ni hindi man lang siya namulat sa mundong 'to, ni hindi pa niya nararanasang mabuhay talaga, ang bata bata pa niya tapos...."

"Yung mga pangarap ko sa kanya....nawala na lang ng parang bula." 

He held me tight, he wept soundly. "It's my fault. Sorry, mahal ko."

"Sinisi kita, I wanted to. Kasi wala akong mapagbuntunan ng galit, ng hinanakit. Pero tuwing tinititigan kitang walang malay, I realized....it's not your fault. Wala kang kaalam alam na pag gising mo, wala na yung anak mo. And I don't wanna lose you too, hindi ko kakayanin."

"It hurts, Roshan. I could've done something to save her....I could've saved her." tumulo ang kanyang luha. "I didn't even see her at her last moments, I didn't even have a chance to say goodbye."

"Fuck! I am such a worthless father, and now? I'm disabled. Roshan....hindi ko na rin alam." his voice broke. 

The man that I love is losing his fight. Para akong sinaksak ng paulit ulit. Hindi na ba ito matatapos? Palagi na lang ba kailangang masaktan kami?

I hugged him tight.

We both lost half of us, half of our souls.

Para rin kaming namatay. Neytiri carried us along her grave, at hindi ko alam kung gaano kami katagal bago makabangon.

But I know, with Kai beside me, I can conquer everything. 

Ang isa't isa na lang ang meron kami. We are each other's strength, we complete each others heart. 

We set the fire in our souls so we can continue living despite the pain of our past. 

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Where stories live. Discover now