Lascivious Casanova 69

Začít od začátku
                                    

Tumigil ako at hinayaan si Irene na lumambitin sa braso ko. Nilingon ko siya. Naghihintay na lang kami ng senyas ni Harry para paakyatin kami sa bangka.

"Tatawag iyon mamaya o bibiglain na lang ako na nakauwi na. Bukas pa sigurado iyon. Ilang oras ang biyahe mula roon pauwi rito," pagpapalubag loob ko sa aking sarili.

Ang totoo, hindi ako sigurado kung uuwi siya. Pero napag-usapan na namin ito. Alam niya na maghihintay ako kaya naniniwala ako na uuwi siya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit naroon si Georgina sa kwarto niya. She didn't knock as if she was used to entering Jax's room. Hindi rin nagulat si Jax na pumasok siya na para bang normal lang iyon at walang kaso na naroon ang babae sa kwarto niya. Nagpanic lang siya dahil pumasok ito habang kausap niya ako. He hides her and he may not know that their voice and whisper will reach the laptop.

"We will fund the boat for the fishermen. Nasa kabilang isla ang mga nagbebenta ng bangka kaya roon tayo."

Nalihis ang usapan sa pag uwi ni Jax nang ipaliwanag ni Harry ang mga gagawin namin sa araw na ito. Kaya pala sinabihan niya kami na huwag mag-uniform pagpasok ngayong araw dahil may pupuntahan kami.

"Do you know how much each boat costs including the engines?" Isa sa mga kasama namin.

"I think it's around twenty five or thirty thousand?"

"Are they using fly or lambat for fishing? Pwede siguro natin samahan ng lambat o ng kahit ano na gamit nila sa paghuli ng mga seafood?" Singit ng isa pa sa kasama namin.

Kung sino ang nagsasalita naroon ang mga mata ko. Narito ako pero pakiramdam ko wala akong maisa-suggest sa kanila. Ibang iba ako ngayon kumpara noon bago ko makilala si Jax.

"Kung kaya ng funds, samahan na rin natin ng relief goods para sa lahat," si Cathy. "Mga medicines at hygiene supplies."

Nakarating kami sa kabilang isla at nakapagtanong tanong ng mga presyo ng bangka. Nagawa at napuntahan na namin ang mga kailangan pero hanggang sa makabalik sa daungan pauwi, walang tawag o mensahe na nanggaling kay Jax. Tanghali na rito. Alas singko ng madaling araw na sa kanila. Kung kagabi siya bumiyahe dapat mamayang hapon narito na siya. Pero kung ngayon pa lang siya nagbabasta pauwi, gagabihin na siya.

"Hindi ka pa natutulog?"

Nagkasabay kami ng paglabas sa pinto ni nanay. Magulo ang buhok niya at nagising lang yata para magbanyo.

"Matutulog na po, Nay, may nireview lang po ako para sa exam," sabi ko.

Nagreview nga ako pero mas maraming beses naman ang ginawa kong pagsilip sa orasan kaysa ang magbasa. Sa school pa lang pagkatapos namin bumisita sa isla, wala na akong nagawa. Next week na ang exam kaya kailangan makauwi si Jax. Hindi siya nakauwi ng hapon kaya naisip ko na maghintay na lang dahil gabi na siya makakarating. Alas dose na pero kahit isang salita sa buong araw na ito wala akong narinig mula sa kanya.

"Kainin mo ito..."

Naglapag ng tinapay si Cathy sa batong lamesa kung saan kami madalas nakapwesto. Napaangat ako ng tingin. Kasunod niya si Irene pero malayo pa ito sa amin ng kaonti. Wala akong hinaluan na grupo at kahit sila sinubukan kong iwasan. Gusto ko lang mag isa. Gusto kong magpahangin dito. Kapag marami akong iniisip ayokong maraming nakapaligid sa akin. Kung pwede lang na sa kwarto lang ako. Kung hindi naman ako lalabas, mapapansin ni nanay ang pagiging matamlay ko.

"Hindi ka namin nakita sa canteen. Nandito ka pala..." Umupo siya sa tabi ko at inusog palapit sa akin ang tinapay. "Kainin mo ito. Kabibili ko lang..."

Ngumiti ako sa kanya. Nahuhuli ko siyang madalas tumitig at palagi akong sinusuri. Kinuha ko ang tinapay upang ilipat sa kabilang gilid. Hindi ako umiyak kagabi pero sobrang puyat ako at hindi na nakatulog kahihintay kay Jax. Nangangalumata ako. Hindi ako nakakaramdam ng galit sa hindi niya pag-uwi. Sa halip ay mas lamang ang pag-aalala ko. Mayroon bang nangyari? O nagkaroon ba ng aksidente sa eroplano? May masamang nangyari ba sa kanya na wala akong kaalam alam? Ayokong isipin iyon pero hindi ko na alam ang iisipin ko.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Kde žijí příběhy. Začni objevovat