"Thank you so much for this, Tris."

"Ano ka ba, wala lang yun. Oh, basta, enjoy kayo ha? Kelan mo pala ihahatid dito ang inaanak ko?" excited niyang sigaw.

"The day before. Next week na."

"Okay. Will wait for her. I'm super excited to bond with her! Elios will help me naman."

"Hmm. Mag babahaybahayan lang ata kayong dalawa at idadamay niyo ang anak ko." I teased. "Gawa na lang kayo ng inyo."

"Hoy! Hindi naman kami 'no." umirap siya. "He'll just help me, cause afterall aanak ng bestfriend niya iyon."

"Okay, sabi mo eh."

Dahil malapit na ako umalis ay talagang sinulit ko ang mga natitirang araw para makabonding ang anak. Comfortable naman siya kay Tris kaya't hindi ako nag aalala na iiyak ito sa kanya. Gaya nga ng palaging sinasabi ni Tris, siya ang favorite ninang.

Naghanda na ako ng mga gagamitin ko. Marami akong dalang bag dahil nandoon ang aking mga painting tools. Naka book na rin si Tris ang tutuluyan ko roon. Sabi niya ay malapit lang daw kina Kelly.

Sabi pa nga niya ay doon na lang ako kay Kelly, kaya lang nakakahiya naman. Hindi pa naman kami ganon ka ayos kaya mas mabuting sa ibang lugar ako.

I've already contacted Kelly too, napag usapan na namin ang date and time. I am really hoping we can bond this time.

"Alagaan mo ang anak ko ng mabuti ah. Palagi naman ako tatawag para mangamusta." ani ko kay Tris.

"Oo naman. Ako ang bahala sa kanya." hagikhik niya.

"Aalis muna si mommy ah, mag tatrabaho muna ako. Dito ka muna kay Ninang Tris. I'll buy you tons of pasalubong pag uwi. I love you so much." saad ko habang hinahalikan ang anak. Pinahid ko na rin ang luhang tumulo sa pisngi ko.

So this is what Kai felt.

"Tatawag din sayo si Kai para mangamusta."

"Parents' duties. Don't worry Roshan. I'll take good care of her. Focus ka lang sa work mo and sa inyo ni Kelly."

"Thank you so much for this Tris. Bukas ay magkikita na kami."

"Goodluck and ingat kayo!"

"Sa sunod, kasama ka na ah."

"Oo naman." ngiti niya.

Umuwi na ako sa bahay at naghnada. Bukas at tutulak na kami ni Kelly sa Bicol. It will be a long ride and I'm hoping that we can catch up.

Maaga akong nagising para maligo. 6 am kami tutungo ni Kelly sa bus station. Mamayang alas cinco ay nandito na siya.

I double check all my things, especially my tools and canvasses. Great! Everything is prepared.

Nakarinig ako ng katok sa labas. Agad ko itong binuksan at nakita si Kelly.

"Hi babes! Pasok ka." ani ko.

"Good morning Roshan."

I smiled at her. Tinulungan niya rin ako sa pagdadala ng mga gamit ko sa bus station. "Thank you pala sa pagbubuhat."

"You're welcome." maikli niyang sagot habang may kung anong kinakalkal sa bag.

Nandito na kami si estasyon, naghihintay na lamang ng bus.

"Shoot! I forgot my charger." aniya at napasapo sa ulo.

"Hala, uhm..meron naman ako, saan mo ba gagamitin?"

"For my laptop. I need that for work. Fuck!" problemado niyang saad.

"Babalik ka ba sa inyo? Okay lang naman, samahan kita."

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Where stories live. Discover now