Grasping Irritation

74 7 0
                                    

Caprice Terra

"We'll be back before you know it." Bilin ni Aria kay mommy nang nasa harap na kami ng apat na portals na ginawa niya.

It's still five in the morning, and they know how much I hate mornings but they still wanted it to be early anyway. So no one has the right to blame me for being a stubborn mule because I woke up on the wrong side of the bed today.

"I know you're in good hands." Ngumiti siya at nang bumaling sakin ay bigla siyang kumindat. Dahil mukhang naintindihan ko ipinapahiwatig niya ay hindi ako nagdalawang isip na ipakita ang disgusto sa mukha ko.

Really, mom?

Ininguso ko si ate Raine na ngayo'y mahinang kinakausap si Vale, "Sila 'yung dapat mong suportahan." Tumatapang na si utol, ah! 'Di na nahihiyang kausapin ang kapatid namin sa harap ni mommy.

Mahina lang siyang napatawa at umiling bago bumaling kay Aithne.

"Suporta 'yung mama mo sa'tin." Tukso nitong bakulaw na katabi ko.

"Manahimik ka kung ayaw mong lumipad ngayon." Pinakita ko sa kaniya ang kamao ko na siyang nakatanggap lamang ng isang ngisi mula sa kaniya.

"Lumipad sa kasiyahan dulot ng iyong pagmamahal." Tangina! Paano ba mapapatahimik ang gagong 'to?

"She's only gonna loathe you more if you keep teasing her like that." Thank you! Finally may nakapansin rin na naiinis na ako dito! 

Magpapasalamat na sana ako, ngunit nang nakita ko ang ngisi sa mukha ni kuya Kaeden ay hiniling ko na sana ay nanahimik nalang siya.

Nang marining niya na nakabalik kami kahapon ay nagtampo siya dahil hindi daw namin siya sinabihan, pero ipinaliwanag naman ni Aithne ang lahat, at dahil nga si Aithne 'yun ay wala siyang nagawa kundi tanggapin ang dahilan.

Dahil daw hindi niya kami nasalubong kahapon, siniguro niyang ligtas kaming maka-alis ngayon. Sasama nga sana siya eh, kung hindi lang sinabi ni mommy na laban namin 'to at kami lang ang makakagawa nito.

Tumango naman si ate Raine sa tabi nang marinig ang kumento ni kuya Kaeden, "Magagalit 'yan dahil ayaw niyang nahahalata ang nararamdaman niya." Tawa nito.

Sabi ko na nga bang may karugtong pa eh!

"Bakit ba ako na naman ang nakikita niyo ngayon?" Naiinis akong bumaling sa kanilang lahat. Masama na nga ang gising ko tas dadagdagan pa nila ang pagkasira ng araw ko.

"You've been frowning since this morning." Kumento ni Aria. Aba nakikisali na rin siya, ah?

"You'll get wrinkles and get older if you keep that going." Dugong nito.

"Sa ganda kong 'to?" Turo ko sa sarili ko, "As if maging problema ko ang wrinkles."

"Sa mga mata ko maganda ka pa rin kahit matanda ka na, strong girl." Kindat niya pa.

"Pwede ba?"

"Mo akong ligawan?" Lumapad ang ngisi niya, "Pwede naman. Sasagutin naman kita agad."

Ang kapal ng mukha! As if naman papatulan ko siya!

Oo, nagpapasalamat ako na tinulungan nila kaming talunin si Kairus noon at pati na rin sa pagtulong nila samin ngayon, pero hindi ibig sabihin nun ay nawala na ang inis ko sa kanila!

They branded us as traitors! To our very own realm! Ni hindi pa nga nila kami kilala, grabe na ang panghuhusga nila samin na parang mga salot lang kami dito.

They may be trying their best to make it up to us now by trying to help us in any way they can, but I will never forget how low they thought of us when they didn't know who we were.

Mystic Academy: The Prophecy of the Bond (TBU 'til further notice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon