Choice

99 10 0
                                    

Caprice Terra

Pinagpawisan na ako sa pinaggagagawa ko. Nagco-concentrate naman ako, pero bakit ang hirap pa rin?

"Tangina!" Sinipa ko ang pinakamalit na bato sa gilid ko dahil sa pagkabigo.

"You can't force it." Napalingon ako sa likod at nakita si Aria na nakahilig sa pinto ng training grounds namin sa ilalim ng bahay.

"Kanina ka pa?" Tumango siya at sabay kaming napatingin sa ginawa kong maliiit na umbok sa lupa.

Parang ang bigat sa katawan ang paggamit ng kapangyarihan ko kahit na umbok lang 'yung nagawa ko. 

Bullshit! A bump was the first thing I made when I was still four years old, and I didn't even break a sweat that time! Bakit ganito ngayon? Bakit parang sobra pa sa pagsisimula sa uno ang nangyayari samin? We're worse than rookies!

Hindi ko na kayang gumawa ng burol, paano pa kaya ang pag-control sa elemento ko?

"Don't resent yourself because of it." Napatingin ako kay Aria na sinubukang paliparin ang sarili niya. Ni hindi nga siya umabot ng isang pulgada, agad din siyang bumagsak sa lupa.

"See?" Hinihingal niyang saad, "I can't make myself fly anymore." Tumawa siya ng mapait.

"Ate Raine can only make droplets and ate Aithne can't even produce fire." Lahat kami ay nahihirapang kontrolin ang mga elemento namin mula nang magising kami matapos ang digmaan.

Hindi namin alam kung bakit, pero dahil sa pagbisita nina Zion noong isang araw, baka naman sana'y masagot na ang mga katanungan namin.

We're not being overdramatic about it because it's already been a year and there's still no progress. Dapat nga sobra pa sa sapat ang isang taon upang mag-regenerate ang mga kapangyarihan namin, pero wala pa rin.

An enchanter's power is like their life force, being striped away from it makes you as good as dead.

"Alam ko namang hindi lang ako 'yung nagkakaproblema." Sinabihan na ako ni ate Raine na walang may gusto saming mangyari ito, pero hindi ko naman mapigilan ang sarili kong magalit sa sarili ko dahil masyado kong tinulak ang sarili ko. 

Masyado akong naging overconfident sa sarili ko, pinilit kong paniwalaan na makapangyarihan ako, at ito 'yung naging kinahinatnan ng pagmamayabang ko.

"It was a choice we made altogether, Caprice." 

"Hmm." Tumango lamang ako habang nakatingin sa kabuuan ng training grounds.

Ang dami pang mga bakas ng mga laban namin ang lugar dahil sa pagsasanay namin dito noon.

"Dodge it!" 

"Anong dodge it? Tangina pinapalibutan ako ng apoy!" Bumuo ako ng isang pader na gawa sa lupa upang hindi ako matamaan ng water canons ni ate Raine. Buti nalang at umabot kaya nadeflect papunta sa kabilang parte ng area ang bola.

"Be careful not to ruin the plants!" Sigaw ni aunt Minerva matapos ang pagsabog nang bumagsak ito.

"Eh kung kami ma-ruin okay lang?" Sigaw ko pabalik at mas nainis lang ako ng narinig ang tawa niya.

2 vs 2 kasi ang napili na training regimen ni mommy ngayon, at ang pairs ay ako tsaka si Aria tas si Aithne at ate Raine. Hindi naman unfair ang pairings kasi kaya naman naming gawing compatible sa isa't-isa ang mga elements namin.

Isa ito sa mga pinakaimportanteng tinuro ni mommy sa amin, dahil hindi sa lahat ng panahon magkakasama kaming apat. There would be instances na si Aria at Aithne lang ang magkakasama, kung kami ni ate Raine ang magkasama o minsan rin pwedeng nag-iisa lang kami.

Mystic Academy: The Prophecy of the Bond (TBU 'til further notice)Where stories live. Discover now