Visit

125 8 1
                                    

Raine Aqualine

"Hindi raw makakasabay si Aithne mag lunch kasi may make up class daw siya sa isa niyang major." Pambungad sakin ni Caprice pagkarating niya dito sa pizza place na malapit lang sa school.

"Ganun ba? May sasabihin sana ako eh." Sigurado pa naman akong matutuwa siya sa sasabihin ko.

"Ano?" Tanong nito pagka-upo niya.

"Bibisita si Jace bukas, nakalimutan kong sabihin kagabi." Masayo kasi kaming nadala sa topic ni Aria tungkol kay Maxine kaya nawala sa isip ko, "Tumawag kasi si kuya Kaeden nung nagluluto ako, eh puro kayo nasa kwarto niyo kaya ako nalang kinausap."

"Ayos! Nami-miss ko na 'yung batang 'yun." Siyempre halos isang taon rin namin siyang hindi nakita. Kakahanap lang namin sa kaniya tapos nailayo na naman siya sa'min.

Binabalitaan pa rin naman kami nina kuya kung ano ang nangyayari kay Jace doon sa academy kaya hindi kami masyadong nag-aalala.

Nung kakabalik pa lang namin dito sa mortal realms tumawag kaagad si Jace, umiiyak dahil gusto niya raw sumama sa amin, eh hindi naman pwede kasi kailangan niyang manatili sa academy para ihasa ang kaniyang kapangyarihan.

Naintidihan ko naman kung bakit kami pinabalik ni mom dito sa mortal realms, at sa totoo lang masaya ako na naisip ni mom na bumalik kami dito. Kapag nanatili kami dun sa mystic realm ay hindi magkapagpahinga si Aithne, and knowing Aria paniguradong tutulong rin 'yun kay Aithne.

Sa lahat ng pinagdaanan namin, alam kong kailangan namin ng pahinga. Kailangan muna naming kalimutan ang bigat na nakapatong sa mga balikat namin.

Hindi rin naman kasi alam ni Aithne ang salitang pahinga, kaya minsan kailangan pa siyang pilitin o di kaya idaan sa dahas upang makapagpahinga siya.

I know it's been hard, especially after Dad. Masakit man isipin, Pero mas mahihirapan lang kami kung patuloy naming ilibot ang mundo namin sa pagkawala niya. Knowing our father, he wouldn't want that.

I cannot always be with them and all I wish for is their safety.

He said that, when we told the faculty about who we were. Hindi ko 'yun binigyang pansin nung una kasi normal lang kay Dad na magpakita ng affection through words... but who would've thought that the deeper meaning behind those words came true with no warning.

"Ipagluto natin si Jace ng paborito niya!" Mungkahi ni Caprice.

"Natin?" Tinaasan siyang kilay ni Aria, "I think you just meant ate Aithne and ate Raine."

"Siyempre tutulong rin tayo no!" Deklara niya.

Umiling lang si Aria, "They won't get things done if you try to help."

"Wow! Grabe siya, marunong naman ak—"

"Say that again when you learn to not burn the kitchen when you step foot in it." Putol ng bunso namin sa kaniya, "And here I thought ate Aithne was the one with the fire element."

Mahina naman akong napatawa sa kanilang dalawa. Marunong naman magluto si Caprice, pero nakadepende 'yun sa mood niya. Minsan kasi nawawalan siya ng pasensya kaya nagiging disaster ang kusina.

Nakakagaan sa loob panoorin ang mga kapatid kong namomroblema sa ganitong mga simpleng bagay lang at hindi 'yung iniisip nila ang digmaan. Masaya ako dahil hindi na namin kailangan pang bitbitin ang pasan na dala ng pagiging apat na tagapangalaga ng mga elemento.

We don't resent being born this way, minsan, nahihirapan lang din talaga kami. May buhay rin naman kasi kami bukod sa pagiging elementalists at hindi sa lahat ng panahon ay kaya naming gawin ang lahat. Kaya nang ibinigay sa amin ni mom ang pahinga na ito, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin 'to dahil para rin naman ito sa aming magkakapatid.

Mystic Academy: The Prophecy of the Bond (TBU 'til further notice)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora