Consequences

81 8 0
                                    

Raine Aqualine

Mahigit limang oras rin ang biyahe namin, kaya hindi na namin ulit ginising sina Caprice at Aria na natutulog sa likod matapos ng kanilang turn sa pagd-drive at si Aithne na uli ang nagmamaneho ngayon.

"We just entered the conveyance belt." Imporma niya kaya napatingin naman ako sa labas ng bintana ng sasakyan.

Nakabalik na kami.

The sky in the realm was bluer than back there. Trees and grasses were greener, flowers of different kinds that mortals couldn't even imagine.

May nadaanan kaming lawa kaya napangiti ako. The clear waters of rivers and ponds, you could see through them, the reflective ones of the oceans... I missed them.

"Do you want to open the windows?" Biglang tanong ni Aithne at tumango naman ako.

Binaba ko ang bintana para madama ang preskong hangin na tila hinehele ka, ngunit kumunot ang noo ko nang may naramdamang mali.

Hindi na kasing presko noon ang hangin. Napalingon ulit ako sa lawa at mas lalo lang akong nalungkot nang napansing hindi na kasing linaw ang tubig. Ang mga halaman ay tila nanghihina na rin.

Bumuntong-hininga si Aithne sa tabi ko, "So they were affected." Napansin ko rin ang paghigpit ng kapit niya sa manibela.

Napabilis ang takbo ng sasakyan at naramdaman ko ang galit ni Aithne.

Naaapektuhan ang realm sa panghihina ng mga kapangyarihan namin. Siguro dahil ang mga elemento sa mortal realms ay hindi kasing sariwa ng mga nandidito kaya hindi namin napansin, pero ngayong mismong mga mata na namin ang nakakita, napakalinaw ng matinding pagbabago nito.

Hindi pa nga kami umabot sa may gate ng palasyo, ang dami ng mga guwardya ang naka harang doon parang ine-expect na nila ang pagdating namin.

"Caprice, Aria." Mahina ko silang inalog para gumising.

"We're here?" Tanong ni Aria habang nag-iinat. Sinuklian ko naman siya ng isang tango.

"There's a too many of them." Kumento niya nang nakita ang mga nakaharang sa labas.

Kinalas ni Aithne ang seatbelt niya, "I'll take care of it." Lumabas siya ng sasakyan at hinarap ang lahat ng guwardya sa labas.

Bumalik ang tingin ko sa likod, "Si Caprice, please." Agad namang pinipilit gisisingin ni Aria si Caprice.

Napalingon ulit ako sa harap at nakitang unti-unting naglakad palayo sa gates ang mga guwardiya.

Mahina akong napailing.

Lumipat ako sa driver's seat nang nakitang pabalik na si Aithne. When she saw me, she turned to sit on the shotgun.

Hinihingal siya. Tsk.

Oo, magagamit pa rin namin ang mga abilities namin pero hindi naman ibig sabihin nun ay pwede naming abusuhin 'yun. Abilities lang 'yun, hindi ang kapangyarihan namin kaya hindi unlimited ang mga panahong magagamit namin nito.

"Don't push yourself too much, ate." Binigyan ni Aria si Aithne ng bottled water na binili namin kanina.

"Oo nga. Kaya ko namang makipagbakbakan, ah." Gising na pala si Caprice.

Uminon muna siya ng tubig bago sumagot, "There's no need to fight them. They're just following orders."

Halos sabay-sabay kaming lumabas ng sasakyan at papunta pa lang kami ay agad na naming napansin si mommy sa gitna ng inner ward.

Napakaseryoso ng mukha ni mom ngayon, kitang-kita na hindi siya masaya sa pagsuway namin. Ngunit di naman nagpatinag si Aithne at nauna pa samin upang harapin ang ina namin.

Mystic Academy: The Prophecy of the Bond (TBU 'til further notice)Where stories live. Discover now