CHAPTER TWENTY-FIVE

Start from the beginning
                                    

Pagdating namin sa bahay sa Parañaque, nauna pa si Ate na magbalita no'n kina Mom and Dad.

"Congratulate your bunso. She is going to be O&T Advertising Company's Account Executive soon!"

"Hoy! Ano ba! Naakainis ito!"

Namilog ang mga mata ni Mommy. Para sigurong nakakita ng cash register sa mukha ko. Niyakap agad ako at maluha-luha akong binati. Sinaway silang lahat ni Dad dahil baka raw mausog ang swerte. Iyon nga rin ang naisip ko.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

"She applied for a job at your company?" paniniguro ko kay Olezka.

"Hindi ba iyon nga ang sinabi namin?" sagot ni Toby at kunwari'y itinirik ang mga mata.

"Hire her," sabi ko agad. Nakangiti.

"Ba't naman namin gagawin iyon? Unang-una, she's a fresh graduate. Oo may relevant internship experience siya sa karibal naming ad agency, pero wala siyang work experience. Iba naman kasi ang internship sa tunay na work experience," ani Olezka.

"Saka mukhang pushover ang babaeng iyon, eh. Baka mapaglaruan lang ng mga sira-ulong kliyente. We want somebody assertive," sabat naman ni Toby.

"C'mon. Favor n'yo na rin sa akin ito."

They glared at me before leaving me at our breakfast table. Nasa bahay kami ni Lolo nang araw na iyon. Kada Sabado at Linggo, as much as possible, ay binibisita namin ang matanda. Bagama't nagka-stroke ito ng mga magdaang taon, he didn't look frail. Katunayan, ibang-iba siya ngayon kaysa sa pinakita niyang kalagayan ng kanyang kalusugan four years ago. Tama nga ang mommy. Drama lang ni Lolo ang lahat para mapilitan akong mag-asawa. Nang makitang hindi naman umobra pati na ang pagrereto sa akin kay Janice, natigil din. Kaso nga lang palagi akong sina-silent treatment. Bukod pa iyan sa pagbawi niya sa kalahati na pinamana sa akin.

Speaking of mana, simula nang hatiin nang patas ang mga mana sa aming tatlong magpipinsan, nawala na rin ang death threats na halos ay araw-araw kong natatanggap. Bukod doon, wala na ring nagpapadala ng kung anu-anong morbid packages sa bachelor's pad ko. Ang suspicion ni Mommy na may gawa no'n ay ang mga pinsan ko o di kaya ang aking mga tetyas. It's not important to me now. Ang importante wala na akong inaalala. Ang kaso lang, Mom hated it. I mean ang paghahati ng mana in three equal parts. Para sa kanya unfair iyon dahil para raw sa akin dapat ang two-thirds ng property at cash deposits ni Lolo sa bangko.

Nakaalis akong Batangas na hindi kinikibo ng aking abuelo. Wala ring linaw sa usapan namin ng mga pinsan ko kung bibigyan nila ng special treatment si Shane. I was hoping they would. Confident kasi akong magagampanan naman niya iyon nang maayos. Sa loob ng kung ilang taon kong pag-o-obserba sa kanyang progress sa school, I have come to realize na hindi siya brat at may disiplina sa sarili. Higit sa lahat, she has a lot of potential in advertising. Katunayan, idea niya ang naging ad campaign para sa isang kilalang real estate company. Ang dinig ko sa mga staff namin, that ad campaign raised the sales of that company by more than fifty percent. Medyo naapektuhan ang aming kompanya. Mayroon din kasi kaming negosyo sa real estate. Ito ay mina-manage naman ng pinsan kong si Tobias. Sa akin napunta ang banks, hotels, at high end coffee shops ng pamilya samantalang sa pangangalaga ni Olezka ang advertising company at farm sa Batangas.

"I do not like you being so close with your cousins. You saw what they did to you," salubong agad sa akin ni Mom pagkababa ko sa sasakyan ni Olezka. Nag-hitch na lang ako sa kanila dahil tinamad akong magdala ng kotse pauwi ng Batangas.

I kissed Mom's cheeks and pretended I didn't hear her. Tuluy-tuloy ako papasok sa mansion na iniwan sa amin ni Dad. Balak kong doon muna mag-stay dahil I promised to have dinner with her before I go back to my bachelor's pad.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now