Chapter Seven

33 15 0
                                    


(Rein's P.O.V)

"Nasaan? Wala naman dito ha" panay na sabi ko kay nada

Nandito pala kami sa paaralan ni marga nandito sa harapann nang gate nila kasi sabi kasi niya bibisitahin niya daw ito pero para sa akin iba ang pakay niya gagawan na nga nang excuse halata naman na hindi si marga ang pakay niya, tsk

"Ayan na siya ayan na" excited niyang sabi sa akin kaya hinanap ko naman kung sino ang dahilan kaya siya ngiging excited

Wala naman yung lalaki ha tsaka paano ko naman yun makikilala e, hindi ko nga nakita nang maayos yung mukha

"Nandito pala kayo, bakit kayo naparito?" tanong sa amin bigla ni marga

"H-hah? Wala lang gusto sana namin kita surpresahin pero nakita mo na kami" pag dadahilan niya kay marga

"Uwian niyo na? ang aga niyo naman" sabi niya sa amin pero si nada ay panay tingin sa likod ni marga na para bang may hinahanap

"Ewan ko kasi kay nada sabi niya gusto ka raw makita kasi na mi-miss ka na raw niya pero tignan mo yung ungas, nasa iba yung tingin" sabi ko, totoo naman ha.

Nang sinabi ko yun nilingon naman ni marga si nada at tumabi sa kanya para tignan kung sino ba yung hinahanap niya

"May hinahanap ka ba? Let me guess.... Si Yukito"

yukito? Sino yun?

"Hindi ko alam-" napa tigil siya sa pag hahanap nang malaman ata niya na hindi ko iyon ka bosses kaya napalingon siya at mas nagulat nang malaman na si marga pala iyon

"H-hindi ko kilala kung sino yung sinasabi mo" sabi niya kay marga

"Anong ginagawa niyo dito?" biglang tanong nang nasa likod ko

"Kuya, nandito ka ba para sunduin ako?" tanong niya kay hance pero umiling lang ito

"hindi ikaw yung pinunta ko rito" sabi niya kay marga

Ouch naman ang sakit kaya pakinggan yun, kung ako yung sinabihan hindi na ata ako mag papakita sa kanya nang ilang taon dahil sa hiya

"che! Kung hindi ako yung pinunta mo rito edi sino? Gf mo?" malumanay niyang sabi sa kuya niya

"anong gf ka diyan" sabi niya sabay tingin niya sa akin kaya nagulat naman ako, hindi ko napansin na kanina pa pala ako naka tingin sa kanya ackk!!! Ehem para naman sabihin niya kung titingin ako sa baba ay umaasa siya na inaabangan ko yung magiging sagot niya

"wala rin naman sa akin kung may gf ka na o wala-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nag simula na siyang mag salita

"wala akong gf kaya wag kang mag ala-ala" sabi niya sa akin kaya mas napatingin pa ako nang matagal sa mga mata niya

"ehem, wag niyong kalimutan na andito pa kaming dalawa ni nada ha maawa naman kayong dalawa sa amin tsaka sino ba kasing pinunta mo rito" sabi naman ni marga sa kanya

"Si shane"

"ahh yung cold guy, muntikan ko nang makalimutan na kaibigan mo pala siya" sabi ni marga sa ere

"Hance!" sigaw nang isang lalaking nasa loob na may kasama pang tatlong lalaki so apat sila

"Oh tinatawag ka na ni yukito" sabi ni marga sa kanya

"O sige na" paalam niya kay marga tsaka niya ginulo yung buhok ko gamit ang isang kamay niya bago siya umalis at pumunta sa mga lalaking tumawag sa kanya

Pero bago pa ako makapag salita pinalo-palo na ako nina marga at nada na parang kasalanan ko pa na ako yung pinansin

Inggit?

Her Secret (FALL SERIES # 1)Where stories live. Discover now