Chapter Five

43 16 10
                                    


(Rein's P.O.V)

"Anak pupunta na si mama sa trabaho ha, mag pakabait ka kay tita nada mo ok" sabi ko sa kanya

Nandito na kasi kami sa bahay ni Nada, eto namang babaeng ito tamad gumising tinalo niya pa yung anak ko

"Kung hindi payan gigising tawagin mo ako ha" sabi ko

"Mama" sabi niya agad sa akin at hinawakan ang dulo nang damit ko

"Bakit?"

"Late na" sabi niya dahilan kaya ako natawa nang konte, buti pa ang bata alam kung anong oras ako ma la-late

"Oh sige na, goodbye kiss na" sabay halik ko sa kanyang pisngi at ganun din ang ginawa niya sa akin ang cute niya lang talaga kase

...

Nang makapasok na ako sa trabaho namin bigla nalang ako binigyanan nang signal ni tessa pero di ko yun naintindihan kaya lumapit na ako sa kanya

"Ano ba? Kanina mo pa ginagawa yan may nangyari ba sayo?"

"Ako wala pero ikaw meron... Naaaalala mo pa ba–"

"Nakikipag MMK kanarin ha"

"Patapusin mo muna ako walanghiya ka" sabi niya sabay tawa nang konte yung totoo ano ba talaga ang nangyayari sa babaeng ito

"Hindi na diyan ang table mo, diba sekretarya kana ni boss? Amnesia yan?"

Ay Oo nga hala nakalimutan ko naman

"Sige na pumasok kana tsaka goodluck narin sa mga ipapagawa sa iyo ha" huli niyang sabi bago siya bumalik sa kina-uupuan niya

Rein eto na dumating na ang hinihiling mo na kung makikita mo na siya ulit sasabihin mo yung katotohanan

Madami pa akong inisip bago ko binuksan ang pintuan pero nasa harapan ko na pala siya

"You're here" he said with his husky voice.

"Pa-pasensiya na ho–"

"No, I don't want you to apologize, all I want is for you to be here" sabi niya pa sa akin habang hindi niya inaalis ang mga tingin niya sa mga mata ko

Ano to? Bakit parang si hance noon ang nakikita ko ngayon?

( Flashback )

"Nada! Bilisan mo nang kumain diyan kung ayaw mong iwan kita mag isa mo" sabi ko sa babaeng kumakain ngayon

"Bakit mo kasi ako hindi ginising?" Maiiyak na niyang sabi sa akin

Kasalanan ko ba na late din akong nagising?

"Yan kase sino ba kasi ang nag sabi na pwede kang matulog nang hindi mo inaayos ang alarm clock mo? Ayan tuloy ma la-late na tayo" Sermon ko sa kanya habang inaayos ang mga notebook sa bag ko

"Tapos na ako ok. tapos na ako kaya wag kanang mag alala."

Hindi naman sa late na talaga kami pero alam na alam ko na kung sa ganitong oras bihira ka nang makapag hanap nang sasakyan dito.

"Halikana na" tanging sabi niya sabay lagay nang bag niya sa likod

Ang ingay talaga netong babeng to.

"Teka lang uminahon ka muna daw, wag kang lalakad na parang daig pa sa kabayo." Nakakatakot lang naman kase na kaka labas lang niya pero nandoon na agad siya malapit sa tindahan ni manang alba, malayo layo na kasi dito sa bahay.

"Alam ba nina tita belen tsaka tito Danzar na dito ka na naman matutulog? Baka hindi ka nag paalam sa kanila at mag-alala yu–"

"Ano ka ba. syempre naman nakalimutan ko." Patay kang bata ka

Her Secret (FALL SERIES # 1)Where stories live. Discover now