Chapter Three

46 17 10
                                    


(Rein's P O.V)

"Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ka umiiyak?" Natataranta kong sabi sa kanya hindi ko na alam kung anong gagawin ko parang ako ang nasasaktan nang dahil sa ipinapakita niya ngayon sa akin

"hoy sumagot ka nga!" Naninigaw ko nang sabi sa kanya habang naka upo sa upuan namin malapit sa bintana

Pero hindi parin siya nakinig sa akin at patuloy parin na umiiyak

Sino ba kasi ang hindi matatakot kung ang isang kaibigan mo iniwan kalang nang naka ngiti tos babalik sayo nang umiiyak? Syempre masasaktan ako sa mga kinikilos niyang ito

"Si.... Si luke" tanging sabi niya dahilan kaya ako napatayo

Bakit siya bumalik? Ano na naman ba ang kailangan niya? Ano pa ba ang kailangan niya sa amin?

"A-alam kong hindi na pwede natin siya papuntahin sa buhay natin pero siya ang kusang lumapit sa akin rein" nanginginig na sabi niya sa akin

"Shh, wag kang mag alala wag kang matakot hindi ka dapat matakot hindi mo dapat katakutan ang isang demonyong katulad niya naiintindihan mo?" Sabi ko sa kanya

Gustong gusto ko talagang umiyak ngayon pero hindi dapat, anong iiyakan ko? Dahil sa lalaking iyon? Pwes hindi siya ang taong dapat na iiyakan ko dahil hindi iyon bagay sa kanya

Nang ilang minuto ang naka lipas tsaka naman siya naka hinga nang maluwag

"Ayos ka na?" Sabi ko pero tumango lang siya na silbing sagot niya sa akin

"Paano mo siya nakita? O sabihin na natin paano kayo naka pag kita?" Sabi ko sa kanya

Pag dating kasi kay luke parang yung dugo ko nabubuhay nang dahil sa kanya gusto ko sanang sampalin siya nang personalan dahil sa pang gagago niya sa amin noon

Naging kami ni luke noon pero di ko rin naman alam na jowa niya rin pala si nada ang aking kaibigan ang nag iisa kong tinuturing ate

Tsaka di rin naman alam ni nada na may jowa rin si luke nung panahon nayun dahil ang sabi raw niya ay wala siyang jowa, sana noon ipinapakilala ko dapat kay nada na si luke ang jowa ko

Pero wala na akong pake, kung sasabihin niyo sa akin kung mahal ko siya pwes alam niyo naman ang expression ko ngayon sa kanya hindi ba? Pero aaminin ko "Minahal ko siya" hindi na nga lang ngayon pero baka si nada...

Tumingin naman ako kay nada na ngayon ay umiinom na nang tubig, kung ako ang papapiliin kung pwede niya ba itong balikan para sa akin as a friend of her, malaking NO, AYAW, hindi pwede

Hindi dahil ex ko siya kundi dahil para sa ikakabuti niya, muntikan na kaya siyang gahasain nang gagong iyon mabuti nalang naka rating ang isang lalaking hindi namin naman kilala pero laking pasalamat ko sa kanya na tinulungan niya ang kaibigan ko

Wala ako doon nung nang yari ang aksidenteng iyon dahil may ginagawa akong activity sa prof ko na kailangan ko nang ipasa pero di ko naman inakala na ganun pala ang mangyayari sa kanya

Nabalitaan ko lang ito mula sa kanya kaya simula noon, hindi na namin nakita ang gagong iyon, at ngayon bigla bigla nalang siyang magpapakita? Ano to?

"Rein, wag mo nang isipin ang mga sinabi kong iyon, hindi ko naman siya pinayagan na makipag usap sa akin dahil tatak na tatak parin sa akin ang mga kaga guhang ginawa niya noon, at kung para sa kanya na nakalimutan ko na iyon nag kakamali siya" sabi niya sabay buntong hininga niya at tumayo

"Tara kain na tayo" pag yaya niya sa akin

"Pero hindi pa ako naka saing nang ulam" sabi ko naman sa kanya

Her Secret (FALL SERIES # 1)Where stories live. Discover now