(Rein's P.O.V)"Rein matagal ka pa ba!" Sigaw niya sa akin
"Teka naman, tsaka bakit ka ba nag mamadali? Hindi na nga ako nakatulog nang maaga tapos ngayon naninigaw ka diyan!" Sigaw ko pa balik sa kanya
"Hehehe, sowry naman kase. Tsaka kung hindi ba ako sisigaw bakit maririnig mo ba ako?!"
"Aba malay ko ba!"
"Eh sinasara mo yung pintuan e!"
"paano daw kung mamboboso ka sa'kin? Aba malaking responsibilidad ang makukuha mo sa tatay ko ha" sabi ko sa kanya habang pumupulbos nang konte sa mukha ko
"Shunga! Pareho tayong babae tsaka anong mamboboso? I'm not into you EXCUSE MEEE!"
Nang sigurado na ako sa susuotin kong damit tsaka ako lumabas nang kwarto ko at nakita si nada na nakatayo at nakangisi
"Oh ano na naman ang iniisip mo diyan?" Tanong ko para kasi siyang demonyitang natatawang mag-isa
Bakit ba naman ako magugulat pa, yan ang nakasanayan niya eh diyan siya lumake
"Ikaw ang hinihintay ko kanina pa, tsaka yan ba ang dadamitin mo?" Tanong niya sa akin kaya naman tinignan ko yung suot ko
"Ayos lang naman ha" sabi ko sa kanya
"No. no. no. hindi yan ang susuotin mo" sabi niya tsaka niya ako nilapitan at pinapasok ulit sa kwarto ko
"Mag pili kapa diyan nang mga damit mo yung maganda. Yung magandang maganda. Para kang manang sa damit mong yan tapos sasabihin mo ayos lang?" Sabi niya sa akin mula sa labas
"Bakit ba kailangan pang mag paganda?" Tanong ko sa sarili ko tsaka ako nag pili pa nang mga damit ko
Sa tagal kong pag hanap nang susuotin ko may nahanap na rin ako sa wakas pero di ko alam kung magiging kumportable ba ako dito
Nakita ko yung damit na binili ko, matagal ko nang binili yun pero wala lang talaga akong pag-asa para suotin yun
Nang matapos ko nang isuot pumunta ako sa salamin tsaka ako nag picture doon bago ako lumabas nang kwarto
"Okay na?" Walang ganang sabi ko sa kanya
"Mas perfect! Ok na yan" sabi niya sa akin
Naka jumper lang naman kase ako na kulay maroon tsaka may la sling bag, sling bag pa akong nalalaman para naman may better tignan
Mag lalakad na sana ako nang bigla niya akong pinatigil
"Bakit ba?" Naiirita ko nang sabi
"Wag mong sabihin aalis ka sa bahay nang dala dala ang cookies nayan?" Tanong niya sa akin
Napatingin naman ako sa dinadala ko bago ko maalala na kanina ko pa pala ito dala. Buti nalang at nakita ni Nada at baka mag kita kami nina hance at marga na may dala dalang pagkain
Nakakahiya kaya
At ayun na naman si madam tumawa. Oh sige tawa kalang habang masaya ang araw mo ka-karmahin karin
"Ok tapos na ako, tara na nag text narin sa akin si marga na nandoon na daw sila"
"Kung maka salita ka naman akala mo kung sinong may alam kung nasaan sila ngayon"
"Shunga, alam ko kung saan sila naghihintay sa atin, no. Nag te-text nga kami diba? Gamitin mo rin kase ang utak bhe"
Pinabayaan ko nalang siya at umalis na nga sa bahay. Pero sinigurado ko munang naka lock yun, para safe baka pag balik ko wala na yung mga litrato ko
![](https://img.wattpad.com/cover/281667824-288-k252125.jpg)
YOU ARE READING
Her Secret (FALL SERIES # 1)
RomanceFall Series #1. Bridgette Rein Fernandez and Hance Vincent james aguincilo Hindi ba sapat para sabihin na kaya mo na? Hindi ba sapat para ramdamin na hindi mo kailangan nang kasama? Anong gagawin mo kung iiwan ka nang mahal mo sa buhay? Mas gusto m...