Chapter Ten

41 15 0
                                    


(Rein's P.O.V)

"Kanino to?" Tanong ko kay nada kasi aalis na pala siya sa bahay namin.. bumalik na kasi yung nanay at tatay niya galing sa abroad

"Sa'kin yan, ilagay mo nalang sa loob ng mga maleta ko." Sabi niya sa akin habang may inaasikaso din siya, na ibang bagay.

"Alam mo mami-miss kita" sabi ko dahilan kaya napa tingin naman siya agad sa akin at nag ginaya yung parang kilig na mukha, "totoo yun, yung parang wala kanang kakampi.. I mean ang tagal mo kaya dito tapos aalis ka na pala ngayon"

"Shunga, mag kikita pa naman tayo bukas, hindi ako mamamatay okay. Tsaka may klase rin naman tayo ha, doon na tayo mag date." Sabi niya

"Bilisan mo na nalang daw at umalis sa harapan ko" sabi ko naman

"Oh siya, tapos na ba ang lahat? Aalis na ako"

"Mag-ingat ka palagi" nag aalalang tono ko.

Tumango lang siya para sagutin yun tsaka humarap kina mama at papa para mama-alam na

Pero kahit na nag paalam na siya, sinamahan parin namin siya hanggang sa makakuha na siya ng motor para maka punta sa bahay nila.

Hindi rin nag tagal at nakakuha narin siya, ilang sandali lang ay umalis na nga ang motor na sinasakyanan niya, tsaka kami pumasok sa loob ng bahay.

Ewan ko na lang kung ano ang sasabihin niya sa kanyang mga magulang, si nada yun e, hindi yun tatahimik hangga't hindi niya malalaman kung bakit siya iniwan.

"Anak, ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo ha" sabi sa akin ni mama

Naka upo lang kaming ttalo sa sofa habang yung dalawa naman ay na nonood ng television,
Pero sa sinabi ni mama napatingin naman ako sa direksyon nilang dalawa, kanina pa pala silang nakatingin sa'kin.

"Ayos lang naman ako ma, wag na kayong mag alala, tsaka muntikan ko nang makalimutang sabihin sa inyo na mag bonding pala na magaganap pag ka tapos naming mag graduate" sabi ko sa kanila

"Ganun ba? Oh ano naman ang kakailanganin mo para sa bonding na yan?" Sagot naman ni papa sa akin

"Matagal pa naman ho pa, makakapag isip isip pa naman ako, ipag pahinga ko nalang po ito sa loob ng kwarto." Sabi ko tsaka ko sila tinalikuran.

"Oh sige nak, pahinga ka na at maaga ka pa naman bukas" pahabol na sabi ni mama sa akin bago ako maka pasok sa loob ng aking kwarto.

Padabog kong ibinagsak ang katawan ko sa kama tsaka ako humiga

Wala ng maingay dito, minsan ko lang kasi maramdaman ang walang ingay ng dahil sa bunganga ni nada

Wala naman akong gagawin bukas hindi ba? Except sa mga ipapagawa sa amin ng mga prof namin.

Matutulog muna ako tsaka na ako gigising pag gabi na o kaya't pag gigisingin ako para kumain, wala akong magagawa ngayon kaya kailangan ko munang humiga, kahit sandali lang

Isasara ko na sana ang dalawa kong mga mata ng biglang may narinig akong katok sa pintuan ko kaya umupo ako at umalis sa kama bago ko buksan ang pintuan, bumungad naman sa akin si mama

"Nak, aalis muna kami ng papa mo, mamaya pa kami babalik, paki bantayan nalang nak ng bahay" paliwanag niya sa akin

"Ayos lang naman po ma, sige na pag date na kayo ni papa" pag tutukso ko sa kanila

"Ikaw naman to, hindi kami mag d-date, may bibisitahin lang" sabi pa nito

"Awws, ganun ba? Sige lang, Go ahead" sabi ko ulit tsaka ngumiti ng patago pero kita niya rin naman

Her Secret (FALL SERIES # 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя