CHAPTER 1

12 4 0
                                    

Caoimie's POV

Nandito ako ngayon sa bahay kasama si Papa at so Sorin. Nag-uusap sila mula sa malayo. Nakaupo lang ako habang tinititigan silang dalawa.

Ano naman kayang pinag-uusapan nila Papa? Totoo ba ang sinabi ni Papa na si Sorin ang pakakasalan ko? Pero nag-usap na kami ni Sorin tungkol sa feelings niya ah? Bakit biglang ganito!

"Huwag ka ng umarte pa Caoimie, sige na Sorin at ikaw na'ng bahala kay Caoimie. Dadalhin ko na lang sa inyo mga gamit niya."

Agad namang lumapit si Sorin sa akin at hindi lang iyon inakbayan pa niya ako kaya hindi ko na kinaya at nagtanong na ako sa kaniya.

"Anong ibig sabihin nito Sorin?! Akala ko ba malinaw na sa atin ang lahat?!" Walang pagdadalawang isip na tanong ko dito.

"Tumahimik ka Caoimie! Nakakalimutan mo kung sino yang kausap mo ngayon!" Galit na sigaw ni Papa sa'kin.

Sinamaan ko ng tingin si Sorin at inalis ang kamay niya na naka akbay sa akin.

"Hindi ako sasama sayo Sorin! Hindi kita mahal at alam mo yan pero anong ginawa mo ngayon ha?!"

"Caoimie, manahimik ka na!"

"Hindi Papa, kailangan kong sabihin sa inyo 'to ngayon din! Nasa hospital si Lola ngayon habang ikaw Papa iniisip mo lang kung paano magkakaroon ng pera! Bakit?! Sobrang hirap na ba tayo at gusto mo akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman mahal?!"

Alam kong nagagalit na si Papa pero wala akong pake! Karapatan kong magsalita at this time sasabihin ko na lahat!

"At ikaw naman Sorin! Childhood best friend kita tapos ganito gagawin mo? Pumayag ka sa gusto ng Papa ko?! Para ano? Bakit hindi mo sinunod kung anong napag-usapan natin! Sorin, mahal kita pero bilang kaibigan lang 'yon!"

"Yun na nga Caoimie! Mahal kita, sobrang mahal kita pero bakit hanggang kaibigan lang?! Bakit hanggang doon lang! Ang tagal na nating magkakilala, kahit onti wala kang naramdaman para sa'kin?"

Ok, I'm done.

"The heck Sorin! Alam mo na ang sagot para sa tanong na 'yan! Ayaw mo lang maniwala sa'kin!"

"Ok, huwag ka ng magalit sa'kin, please? Pero wala na akong magagawa pa Caoimie, sila Mom and Dad na ang nagpasiya at wala na akong magagawa para do'n."

Argh! Akala ko sa mga palabas lang ito nangyayare, maging sakin din pala mangyayari 'to! Ayokong ikasal sa lalaking hindi ko mahal!

"You leave me no choice Sorin!" Dali-dali akong lumabas ng bahay matapos ang lahat ng iyon. Hahabulin pa sana ako ni Sorin pero pinigilan siya ni Papa.

"Hayaan mo na siya Sorin, babalik din naman siya."

Hindi ko akalain na ganun ang gagawin ni Papa sa'kin! Ayokong bumalik ng bahay pero paano sila Mama at Lola? Paano din ako mabubuhay kung lalayas ako?!

Una pa lang wala akong dalang pera...teka! Sa tindahan pala ni Mama. Hindi naman ako magnanakaw ng pera niya pero...wala akong ibang choice!

Ok, final decision na!

Bumalik ako sa bayan at pumunta sa lugar kung saan kaming nagtitinda at kumuha ako ng pera doon. Bago ako umalis ay kumuha ako ng papel at ballpen para sa isusulat ko.

"Pasensiya na po Mama pero kailangan ko lang pong hiramin itong pera niyo. Promise po ibabalik ko rin ito sa inyo at sa araw na 'yon sobra pa sa kinuha ko ang ibibigay ko sa inyo. Patawad po at maraming salamat."

Matapos kong isulat iyon ay ipinasok ko ito sa loob ng kaha at isinara ang tindahan. May isa pa naman silang susi para dito kaya ok lang.

Tamang tama lang ang pera na nakuha ko. Pwede akong umalis ng probinsiya at maghanap ng trabaho sa ibang lugar at kapag nakapag ipon na ako, hahanap ako ng paraan para ibalik ang pera na kinuha ko sa kanila.

El Belamour Series #12: Crown of LoveWhere stories live. Discover now