PROLOGUE

13 4 0
                                    

Caoimie's POV

Nasa may bukid ako ngayon, panahon na kasi para mag-ani na kami nila Lola. Kailangan namin itong gawin kung hindi wala kaming pang-gastos sa pang araw-araw.

Nagtataka ba kayo kung bakit si Lola ang kasama ko? Well, si Lola kasi kahit matanda na ayaw niya ng walang nagagawa. In short, ayaw niya ng wala siyang naitutulong. Si Lola lang kasi yung bukod tanging nakakasama ko palagi.

Si Mama nasa bayan, siya ang nagbebenta ng mga inaani namin ni Lola. Si Papa? Ayun puro bisyo inatupag, hayst, hindi naman siya pinagsasabihan ni Mama. Hindi ko alam kung bakit tumatahimik si Mama kay Papa.

Wala naman akong magagawa dahil kapag umuuwi si Papa lagi na lang siyang lasing, anong oras na din siyang umuuwi. Kapag umuuwi naman siya, nagagalit siya kapag kulang ang pagkain para sa kaniya, kapag inuutusan niya din si Mama nagagalit siya.

Pakiramdam ko parang hindi ako anak ni Papa. Pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilya niya. Iniisip ko na anong problema sa akin?

"Cao, ija! Halika rito at tulungan mo ako magbuhat nito." Agad akong lumapit kay Lola dahil nakita ko siyang buhat-buhat yung basket na puno ng gulay.

"Lola dapat ako na po ang nagbuhat nito, ang bigat po nito para buhatin niyo." Pagsesermon ko rito.

"Cao ija, huwag mo na akong sermonan diyan at kailangan pa nating tapusin itong lahat. O sya, ipasok mo na yan sa loob." Parang wala lang kay Lola yung sinabi ko, haynako.

Agad naman akong pumasok ng bahay at inilagay ko doon sa mga lalagyanan ang mga gulay at prutas na na-ani namin ni Lola atsaka naman ako bumalik ulit para tignan si Lola.

Teka, hindi ko siya makita kahit saan dito sa bukid. Baka pumasok siya sa bahay? Kaso kakalabas ko lang ng bahay kanina.

Ah siguro sa ibang lugar naman si Lola pumunta, si Lola talaga hindi ako iniintay.

Dahil sa hindi ko makita si Lola ay pumunta ako sa ibang lugar na alam kong pupuntahan niya. Malawak kasi ang bukid namin dito. Malaki ang sakop ng pamilya ni Mama.

Hindi ko parin makita si Lola, pumunta ako sa likod ng bahay namin ng makita ko si Lola na nakahiga sa sahig at walang malay.

"Lola!" Sigaw ko dito sabay yugyog sa katawan nito.

Kailangan kong humingi ng tulong!

Agad akong lunabas para humingi ng tulong at agad ko namang nakita si Mama na paderetyo dito sa bahay kaya agad ko siyang tinawag.

"Mama, si-si Lola nahimatay! Mama, si Lola!" Hagulgol ko ng makarating si Mama.

"Ano?!" Gulat na tanong ni Mama kaya naman dumeretyo kami sa likod bahay at agad kaming pumunta ng hospital.

Ilang minuto ay nakarating kami ng hospital at salamat sa tumulong sa amin na traysikel driver dahil agad kaming pinapunta dito ng walang pagdadalawang isip.

Iniintay na lamang namin yung doctor kung kumusta si Lola sa loob. Hindi ako mapakali dahil kay Lola pero kinausap ako ni Mama.

"Anak, ikaw na muna magtinda doon sa bayan. Ako na'ng bahala kay Lola. Sige na at walang bantay doon ngayon." Utos ni Mama sa akin.

Wala naman akong magagawa kundi sumunod kay Mama. Kahit na gusto kong maiwan sa loob ay hindi ako papayagan ni Mama kaya bumalik ako sa bayan at pinagpatuloy ang pagbebenta ni Mama.

Hindi ko parin makalimutan kung kumusta na si Lola ngayon sa hospital.

"Cao?"

Hindi ko pinansin kung sino yung tumawag sa akin basta ako nag-aalala ako kay Lola.

"Istatwa ba itong nakikita ko? Ang ganda kasi, parang totoo." Pagkarinig kong iyon ay tinignan ko kung sino ang kumakausap sa akin.

"Sorin?!" Nagulat ako ng makita ko si Sorin, childhood boybestfriend ko yan at may crush siya sakin.

Opss teka! Pinapangunahan ko na kayo, hindi ako ilusyonada o umaasa na gusto niya ako dahil in the first place naman umamin siya sa akin out of nowhere!

"Wala ka sa tamang pag-iisip mo ngayon..." Panimula nito. "Anong problema?" Dugtong pa nito.

"Si Lola kasi..." Hindi ko na natapos sasabihin ko ng makita ko si Papa na nasa likod ni Sorin. "Papa?!" Dahil sa gulat ko ay napasigaw ako dito sa palengke.

"Babaan mo yan boses mo. May sasabihin ako sayo. Na saan ang Mama mo?!" Galit na tono ang napapansin ko kay Papa ngayon.

"Wa-wala po siya dito, sabi ko nga, si Lola po kasi nahimatay. Hindi ko alam kung bakit kaya worried po ako ngayon." Sagot.

"Very good." What?! Anong sabi ni Papa?! "Saktong-sakto si Sorin ngayon para sa pamilya natin."

Anong pinagsasasabi ni Papa?

"Papa, anong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko kay Papa.

"Nag-usap na kami ng pamilya King, kailangan na ni Sorin makahanap ng mapapangasawa at ikaw ang gusto niya." Doon palang ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko lalo na kung anong dapat kong maramdaman.

"Papa, nagbibiro po ba kayo?"

"Huwag mong sabihing maarte ka pa?"

"Papa, hi-hindi ko naman po gusto si Sorin. Kaibigan ko lang po siya, yun lang po at nag-usap na po kami ni Sorin tungkol doon."

Lumapit si Papa sa akin at bumulong.

"Isipin mo na lang ang Lola mo. Paano ang mga gastusin niya sa hospital. Malaking tulong na ito para sa atin Caoimie! Grasya na ang lumalapit sayo!"

Si Lola?

"Hindi na natin kailangang magpakahirap pa para lang magkaroon ng pera! Isipin mo naman yon Caoimie, hindi ang sarili mo!"

Nagsitinginan naman ang lahat ng mga tao dito sa amin dahil sa pagsigaw ni Papa.

"Papa, huwag na lang po tayo dito mag-usap. Sa bahay na lang po yan." Mahinahong wika ko at nagulat ako kung anong sinabi ni Papa.

"Doon tayo sa bahay mag-usap ngayon! Bilisan mo diyan, uuwi na tayo!"

Iiwan namin itong paninda? Matapos nang ginawa namin ni Lola?!

Wala akong nagawa ng bigla akong hilahin ni Papa palabas ng tindahan. Kahit na pigilan kami ni Sorin ay wala itong nagawa kay Papa.

El Belamour Series #12: Crown of LoveWhere stories live. Discover now