"XV told me before that he has two memories of the past, and that one of them is fake..." Huminga ako nang malalim at bumuga nang marahan upang magpakalma para sa aking susunod na sasabihin.

"Xalvien... what if I tell you, that both of those memories are fake?"

Nanlaki ang mga mata ng doktor nang marinig ang aking nakakabiglang teorya. "T-That's indeed possible, Fifteen. Hindi ako makapaniwala sa sinabi mo ngunit hindi rin ito imposible. How did you arrive at that idea?"

Pinakita ko sa kaniya ang artikulong nahanap ko sa internet. Habang binabasa niya ito ay lalong lumalaki ang pagkakadilat ng kaniyang mga mata.

"Lixidus might just be the professor," I said in a nervous tone. "I'm not one hundred percent sure, but..."

"But all the details make sense," dugtong ni Xalvien. "The Suncatcher Garden is an installation made up of several mirrors that are designed to reflect the sunlight. It is similar to the Morning Reaper's method of using mirrors to bounce the light."

I was only relying on gut feel at first, but hearing Xalvien's words gave me courage and hope.

"Delusional psychosis may come from trauma. Maaaring ang matinding shock sa pagkakasaksi sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang ang naging sanhi ng pagkasira ng memorya ng propesor," saad nito. "During our psychiatric sessions, he keeps on repeating that he killed his parents. Maybe that's how he interpreted the events. In his mind, it was him who killed them because he created the Suncatcher Garden which caused their death."

Napatingin ako saglit sa'king anak na naglalaro. Ayoko sanang malaman niya ang mga ganitong kakila-kilabot na impormasyon sa murang edad, kaya naman para akong natanggalan ng tinik nang masiguradong hindi niya kami naririnig.

Nagpatuloy si Xalien sa pagsalaysay ng kaniyang iniisip. "It is possible that the professor blamed himself for his parents' death so much... to the point that he believed he actually killed them."

"The professor's parents were never killed... It was an accident," naiiyak kong konklusyon.

Kasunod nito ay ang pagkuwento ko sa kaniya na naroon ako mismo sa insidenteng iyon noong mga panahong 'yon. Kaso lamang ay hindi ko na maalala ang lahat. "Nabanggit sa'kin ng nanay ko na nagtrabaho siya sa ilalim ng pamilyang Guivellnova. At nakilala ko ang anak nilang si Lixidus."

Mula sa bag ay nilabas ko ang dalawang pirasong papel—ang luma kong drawing at ang anagram ng pangalan ni Lixidus—para ipakita kay Xalvien.

"Wow, Fift. This means that you may be the one that the professor has been looking for all along," kaniyang namamanghang reaksyon.

Nang mapansin ang aking malungkot na mukha ay napangiti siya. "Fift, don't be too hard on yourself. Normal lamang na hindi mo iyon naalala agad. It's called childhood amnesia, which refers to how most people can't remember events that happened to them when they were 7 years old and below."

"Xalvien... if we showed all these papers and facts to the professor, do you think that XV will believe us?"

Napaisip saglit ang doktor. Alam niyang hindi ito magiging ganoon kadali. Ngunit parehas kaming hindi susuko hanggang sa ang propesor na mismo ang makaalala sa mga nangyari.

"We need reinforcements," he said with a fierce, confident smile.

***

"HELLO, Ninong Xanti!"

"Uy, it's my favorite pamangkin! Kasi ikaw pa lang naman," sigaw ni Xantiel habang ginugulo ang buhok ni Vougan. "Hahaha ang cute mo! Para ka talagang pinaliit na Xildius!"

Nabitin ang pagngiti ni Xanti nang makita ang mga seryosong mukha namin ni Xalvien. Hindi na namin pinatagal at dinukot na lamang namin siya para sumama sa'min.

Apat kami ngayong nakasakay sa kotse ni kuya taxi driver. Dalawa kami ni Xantiel sa likod habang kalong-kalong ko si Vougan at nasa harapan naman si Xalvien.

"Alam mo, ma'am. Nakakaraming stops na po kayo at mahaba-haba na ang metro," sabi ng nagmamaneho.

Ang kaniyang masungit na mukha ay napalitan ng masayang ekspresyon nang sabihin niyang, "Pero dahil suki ko na kayo, balato ko na 'to! Mukhang may importanteng misyon kayo kaya libre ko na ang pamasahe!"

Lahat kami ay nagdiwang sa loob ng maliit na kotseng iyon na parang mga bata.

Habang nasa biyahe ay sinalaysay namin kay Xantiel ang aming teorya ni Xalvien. Pinagsuot ko ng earphones si Baby Vougan at pinahiram siya ng cellphone para hindi niya kami marinig.

Pagkatapos ng mga tatlumpung minuto ay nakarating na kami sa wakas sa aming huling destinasyon.

After three years, I finally found myself standing in front of the gates of Villa Vouganville once again.

The place where I first met the professor. The place where we solved different cases together. The place where we argued, laughed, cried, and slept together. The place where the man I love has lived all his life. The place which holds both his fears and his hopes.

Dahil may susi sina Xalvien, nakapasok na kami sa loob. Natagpuan kong parehong-pareho pa rin ang puwesto ng mga gamit simula noong umalis ako rito.

An overwhelming sense of familiarity and nostalgia came rushing towards my chest. My heart overflowed with an uncontrollable surge of mixed feelings.

I held my son's small hand tightly as we went to the left side of the stairs, towards the third to the last door. I raised my fist, held my breath, and uttered the words that I longed to say once again for so long.

"Knock, knock, professor."

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon