CHAPTER 2

584K 22.3K 18.2K
                                    


NAGISING ako kinabuksan sa tunog ng grandfather's clock sa loob ng aking kuwarto. Ito ang naghuhudyat sa'kin na alas-siyete na ng umaga. Kailangan kong masanay na wala nga pala akong cellphone.

Bumangon na ako at dumiretso sa kusina. Nakita kong may mga gulay at ilang isda sa refrigerator na puwede kong mailuto. Magkahalong pagkamangha at pagngiti ang aking naging reaksyon nang mapansing patay rin ang ilaw sa ref. I guess he really hates the light.

Hmm, kumain na kaya si propesor?

Pagsarado ko ng pintuan ng ref, doon ko lang napansin na may note pala roon. 'Oo. Kumain na ako' ang nakasulat. Naningkit ang aking mata at sinipat ko ang paligid. Wala namang tao.

Mukhang hindi nga nagbibiro ang librong nabasa ko. Magaling nga siguro ang propesor na iyon dahil nababasa niya na agad ang iisipin ko.

Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kung saan ko nakita ang libro kahapon. Gusto ko kasing magbasa at kilalaning mabuti ang aking amo. Nalaman kong isa rin pala siyang doktor, at nakapagtapos siya ng iba't ibang degree sa iba't ibang larangan. Eh 'di ikaw na.

Sumandal ako sa sofa habang binabasa ang librong iyon. Ang sabi niya sa'kin ay kakatok daw siya sa pintuan kapag kailangan niya ako, ngunit inabot na ng tanghali at hindi pa rin niya ako tinatawag.

Alas-tres na ng hapon nang makarinig ako ng pagkatok. May malaking ngiti na gumuhit sa'king mga labi at dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan kung saan ito nanggagaling. Tatandaan ko na kung saan ang kuwarto niya simula ngayon.

"Knock, knock, professor!" magiliw kong sigaw habang kumakatok sa kaniyang pintuan.

Nagulat ako nang biglang may papel na lumabas mula sa paanan ng pinto. Kinuha ko ito at binasa.

Don't say 'knock, knock' and knock the door at the same time. It's fucking redundant and irritating.

Naglaho ang malaking ngiti sa'king mukha at napalitan iyon ng pagnguso. Napaka-killjoy naman ng propesor na ito. May lumabas ulit na sulat at binasa ko naman ito.

Do you know how to write properly?

Nagtaka ako kung bakit niya ito tinatanong. Binaliktad ko ang papel at naghanap ng ballpen. Sinulat ko ang salitang 'properly' sa likuran ng papel at sinilid ito sa ilalim ng pintuan.

"Tsk!"

Narinig ko ang kaniyang inis na reaksyon. May lumabas ulit na papel at binasa ko ito.

Your handwriting is terrible. Ano ka, grade one?

Tumikhim ako at kumatok sa pintuan. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili't nagsimula na akong magsalita. "Sir, bakit po tayo nagpapasahan ng liham sa ilalim ng pintuan? Ano tayo, grade one?"

Hindi ako sigurado, pero parang nakarinig ako ng pagtawa mula sa loob ng kaniyang kuwarto. May lumabas ulit na papel sa ilalim ng pintuan. Pinulot ko ito at binasa.

Grade one students don't kiss each other.

Napakagat-labi ako nang mabasa iyon. Sinundan ulit ito ng isa pang sulat na aking binasa.

O, huwag ka masiyadong kiligin.

"S-Sir! Hindi ako kinikilig! Huwag po kayong assuming!" sigaw ko kasabay ng padabog na pagkatok sa kaniyang pintuan.

"Heightened voice and struggled breathing, accompanied by defensive aggression," he commented from the other side of the door. "Iyon ang obvious signs ng isang babaeng kinikilig. You can't fool me, Fift. I'm a psychology professor."

Naningkit ang aking mga mata at ngumuso ang bibig ko. Aba, puwede naman pala siyang magsalita.

"I don't want to talk too much because I'm concentrating on my work. Anyway, you need to practice on your handwriting because you'll be writing a lot as my assistant," paliwanag niya.

"W-Wala po bang typewriter dito?" tanong ko. Napakalaki ng mansyong ito kaya sigurado akong meron kahit isa nito.

"Wala. I hate typewriters because they're too fucking loud. We only do handwritten letters here," sagot ng kaniyang mababang boses.

"Fift, you better get ready in a few minutes. Our first client is arriving in an hour."

Nanlaki ang aking mga mata. Totoo ngang ngayon na magsisimula ang aking opisyal na trabaho bilang assistant. "Noted, sir. What do I need to do?"

"Meet the client at the rightmost door in the first floor. Makinig ka sa sasabihin nila at iulat mo sa'kin ang lahat ng mga nalaman mo. Write down everything on a piece of paper. After that, come back and report to me."

Tumango ako—mannerism ko na yata iyon kahit alam kong hindi niya naman nakikita.

Alas-tres y medya na at nakaupo na ako roon sa kuwarto kung saan ko kikitain ang aming unang kliyente. Doon ko lamang napagtanto na wala akong kaalam-alam kung ano ba ang mga dapat kong alamin sa kliyente at kung anong klaseng trabaho ba ang ginagawa namin.

Tumayo muna ako at nagpasyang bumalik sa kuwarto ng propesor upang magtanong. Nagulat ako dahil nakauwang ang kaniyang pintuan. "Professor?" pagtawag ko.

Sinilip ko ang kuwarto at napansin kong wala siya roon. Saan kaya siya nagpunta? Pumasok ako sa silid dahil baka nasa loob lang pala siya at hindi ko lamang nakita agad.

"Professor Xildius?"

Maraming mga nakasabit na larawan sa buong kuwarto. Pulang-pula ang mga litrato kaya lumapit ako para maaninag sila nang mas mabuti. Namutla ang mukha ko at kinilabutan ako sa'king nakita.

Photos of dismembered human bodies—disfigured beyond comprehension. Just looking at them made me feel sick and nauseous.

"Fift? What are you doing here?!" Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nang marinig ang malalim na boses ng propesor sa'king likuran.

Nanginig ang tuhod ko at nagsimulang maipon ang aking mga luha dahil sa matinding takot sa maaari niyang gawin sa'kin pagkatapos makita ang mga iyon.

"I said, why the fuck are you in my room?"



***************************
DO NOT REPRODUCE THIS STORY.
Please report to @windiespatrol any illegal uploads, distributions, selling, and posting of this story. Do not support piracy.

This story should only be available on irshwndy's wattpad account and books published by PSICOM.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon