CHAPTER 31

456K 19.9K 38.1K
                                    


"W-WHAT did you say?" nanunuyot ang lalamunan kong tanong. Nangangatog sa lamig ang mga kamay ko. "Pa'no mo n-nalaman?"

Sinandal niya ang likuran ng kaniyang ulo sa pader at nagpamulsa. He forced a painful smile between his lips. "Of course, I notice every little thing about my cute assistant," he silently whispered in a throaty voice.

Ikiniling ko ang aking ulo kasabay ng pagkunot ng noo sa sobrang pagtataka.

"You were having frequent headaches recently. Napapadalas ang pag-ihi mo. Mabilis kang mapagod pagkatapos ng mga kaso natin. Kapag nahahawakan ko ang tiyan mo tuwing natutulog ka ay medyo mainit ito. Didn't you also notice that you were having stomach cramps lately?"

Tila ako binuhusan ng malamig na tubig. Sa sobrang pag-aalala sa Morning Reaper ay hindi ko napansin ang mga senyales. Akala ko ay dahil lamang sa stress ang mga pagsusuka ko.

"I-Ibang klase ka talaga, professor. Mas nadaig mo pa ang may dala ng bata..." Pinunasan ko ang mga luha ko habang mapait na nakangiti.

Lumapit siya sa'kin para tulungang pahiran ang aking mga luha. "Because my eyes always find themselves looking at you," aniya sabay angat ng aking mukha. "Looking at this pretty face."

Kumapit ako nang mahigpit sa gilid ng kaniyang damit. "XV, I-I'll stay with you. Let me stay here with you, please. Huwag mo namang pagkaitan ang sarili mong sumaya, o?"

I sniffed and sobbed as my voice cracked. "You've been living in darkness your whole life. You deserve to be ha—"

"No, I don't deserve to be happy," he grimaced with a hurt expression. "I deserve to be punished for my sins, Salustiana. The justice system can't imprison me, but I can still imprison myself away from society... for everyone's safety."

"Eh 'di ikulong mo 'ko kasama mo! Mas pipiliin kong makasama ka kaysa maging malaya!" Sa tindi ng emosyon ay nagusot ko ang kaniyang damit dahil sa higpit ng aking pagkapit.

"We can't be selfish, Fift. Hindi na tayo nagdedesisyon para lang sa sarili natin. Living with me won't be good for you and our baby." His voice was as firm as his gaze. "We can't stay under one roof anymore."

Humihikbing kinagat ko ang aking labi sa galit. "Gusto mo bang sumaya, XV? Hindi ba't panahon na para maging masaya ka kasama ng iyong bubuohing pamilya?"

"Salus—"

"Sagutin mo 'ko, XV! Ayaw mo bang sumaya? Sabihin mo sa'kin ang totoo. Tell me what it is that you really want!" I pointed at his chest and furiously tapped the tip of my finger. "Gusto kong malaman ang totoong nararamdaman mo!"

"Oo! Gusto kong sumaya! Gusto kong makitang lumaki ang anak natin! Pero putangina kung kaligtasan niyo ang kapalit, mas pipiliin ko na ang magdusang mag-isa kaysa maging masaya!"

His shaky voice thundered across the halls of Villa Vouganville.

"Nag-uumpisa pa lang tayo, eh..." nakayuko kong bulong sa pagitan ng paghikbi. "Nag-uumpisa pa lang tayo, pero tinatapos mo na..."

"Fuck, Salustiana! Fuck! I fucking love you to death and I fucking want to meet my baby, our baby. Pero putangina alam mo kung ano 'yong sobrang sakit? Gusto ko siyang hawakan—pero natatakot akong mahawakan siya! Ayokong mahawakan siya ng mga makasalanan kong kamay!"

My lips won't stop trembling no matter how much I bite them. My tears won't stop falling no matter how much I shut my eyes tight. Dinig ng bawat sulok ng mansyon ang aming hagulgol at hinagpis.

Nilapat ng propesor ang kaniyang noo sa'king noo. Pagpikit niya ay tumulo ang kaniyang luha na pumatak sa'king pisngi.

"I love you, Salustiana..."

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon