CHAPTER 16

484K 21.3K 20.8K
                                    

"SALUSTIANA."

Bigla akong natauhan nang tawagin ng propesor ang apelyido ko. "Y-Yes, professor?"

"Bakit sa'kin ka nakatitig habang nagluluto ka?" nakangiting sabi nito sabay angat ng kilay. "Ako ba ang ipansasahog mo?"

Puwede naman.

Hindi ko namalayang napatagal na pala ang pagmasid ko sa kaniya habang nagbabasa si XV ng diyaryo at humihigop ng kape.

Pagtingin ko sa'king niluluto, halos nasunog na pala ang isda. Lumapit si Xildius upang sumilip kaya agad kong binaliktad ito para hindi niya mapansin ang sunog.

"Hmm..." He placed his hand on his chin and pursed his lips. "Do you expect me to eat that?"

"He-he, kaunting sunog lang naman!" aking palusot. "Professor, totoo bang nakaka-cancer ang pagkain ng sunog?"

"Ano ako, Google?"

"Sungit mo naman! Curious lang ako," nakangusong pagpilit ko.

"People are paying me to speak my mind, Salustiana." He leaned forward and tapped my nose with his forefinger. "If you want me to give answers, you should start paying me."

"Ako 'yong empleyado, tapos babayaran ko ang boss ko?" I scoffed. "Hindi ba baliktad?"

Lumapad ang ngiti ni Xildius at naningkit ang mga mata niya. "Wala naman akong sinabing pera ang ipambabayad mo, eh."

Napakagat-labi ako sa sinabi niya. This fucking professor knows just the right words to rev up my heart. Para akong Rubik's cube na alam niya na ang sagot, pero pinapaikot-ikot niya lang dahil natutuwa siya.

Nagkaroon na ako ng heart-to-heart talk sa sarili ko kagabi. Sinulat ko sa papel ang iba't ibang mga posibleng dahilan kung bakit ko nararamdaman itong mga nagwawalang paruparo tuwing nariyan ang propesor, at lahat ng iyon ay nauuwi lamang sa iisang konklusyon—tuluyan na nga akong nahulog kay Professor XV.

Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para labanan at itago ang nararamdaman ko. Mahirap na, napakagaling pa naman makapansin ng propesor.

Ngunit hindi pa rin ako magpapatalo kahit na para akong baguhang sundalo na sumabak sa gera na pellet gun lamang ang dala. At ang aking kalaban? Isang buong batalyon na nagngangalang Professor Xildius Vouganville. Good luck na lang sa'kin.

***

SIMULA no'ng nalaman kong maraming nagkalat na kahon sa Villa Vouganville, nagpasya akong mag-ayos ng mga gamit sa mansyon. Baka ang ilan sa mga ito ay magamit namin sa paglutas ng mga kaso.

Pinapagpag ko ang mga alikabok nang mapansing may isang kahon na nakatagong maigi sa isang sulok. Dinalaw ako ng aking kuryosidad at tiningnan kung ano ang nilalaman nito.

Puro folders at iba't ibang mga papel ang naroon sa loob. Ibabalik ko na sana ang kahon sa pinagkuhanan ko nito nang bigla kong nabasa ang nakasulat sa isang folder: Resumés of Previous Assistants under XV.

Biglang nakaramdam ng kirot ang puso ko. Naalala kong nabanggit ng isa sa mga kliyente namin na may dating assistant ang propesor. Napalunok tuloy ako nang 'di oras.

Sisilipin ko ba? Paano kung hindi ko magustuhan ang makita ko? Paano kung puro pala sila mga graduate sa Harvard? Or worse—paano kung kasingganda sila ni Liza Soberano?

Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Kakayanin ko bang malaman ang tungkol sa mga nakaraang assistant ni XV?

Umiling ako at ibinalik na lamang ang kahon sa sulok. Actually, mas lalo ko pa itong tinago at pinatungan ng marami pang mga kahon para hindi na ako matukso.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon