CHAPTER 23

513K 21.7K 33.7K
                                    


NAGPAALAM ako kay Professor XV na uuwi muna ako sa'min ngayong araw at magpapagabi na rito. Kailangan ko kasing dalawin ang kapatid kong may sakit.

Ang kuya ko ay nakahiga na lamang sa kama at hindi na makakatayo pa kahit kailan dahilan ng isang masaklap na disgrasya. Mga ilang buwan na rin na sa bahay lang siya namamalagi. Nasa kuwarto lamang siya at may nag-aalaga sa kaniyang nurse.

"Kuya, kumusta?" pagbati ko pagkarating sa kaniyang silid.

Pagkayakap sa kaniya ay sinuklian niya ako ng malambing na halik sa ulo. Mapapansing hindi pa rin gumagaling ang kaniyang kondisyon. Maputla ang kaniyang mukha at nanunuyot ang mga labi.

"Ito, Fift... Kinakaya naman. Lumalaban naman sa araw-araw," sagot nito kasabay ng pagngiti. "Kaso lang..."

Yumuko siya't sinulyapan ang nurse na siya namang bumati sa'kin. Alam ko na agad na ang ibig sabihin noon ay kailangan na naming magbayad para sa mga serbisyo ng private nurse.

Ngumiti ako't hinaplos ang pisngi ng aking kapatid. "Huwag kang mag-alala, kuya. Maganda ang trabaho ko ngayon at may kalakihan ang sahod. Ako na ang bahala sa mga bayarin!"

Hinawakan niya ang kamay ko at mariin itong pinisil. "Pasensya ka na, Fift, ha. Ako ang mas nakakatanda, pero... ako pa ang umaasa sa bunso."

I shook my head to reassure him that it's okay. Hindi kailangang mag-alala ng kapatid ko dahil handa akong gawin ang lahat para makatulong sa kalagayan niya. Ito ang dahilan kaya pinatulan ko ang misteryosong flyer na pinakita sa'kin ni Calfie.

"Miss Fifteen, ayos lang ba kung kausapin muna kita saglit?" magalang na pagsingit ng nurse.

Lumayo muna kami sa'king kapatid para mag-usap. Nahihiyang naglabas siya ng papel na naglalaman ng listahan ng mga kailangan naming bayaran. Hindi ko napigilang mapasinghap nang makita ang kalakihan ng presyo.

"Pasensya ka na, Miss Fifteen. Pero puwede namang mapag-usapan ang—"

"O-Okay lang! Naku, Ate Wenny. Malaki ang pasasalamat ko sa pag-aalaga niyo kay Kuya March," singit ko sa kaniyang sasabihin. "Ayos lang sa'kin na magbayad ng..."

Bumalik ang tingin ko sa presyong nakasulat doon. "F-Five hundred thousand... Teka, susuriin ko lang ulit ang listahan, hehe."

Mahal ang serbisyo ni Ate Wenny dahil maliban sa pagiging private nurse ni Kuya March, siya na rin ang nag-aasikaso sa mga pambahay na gawain tulad ng pagluluto ng pagkain, pagpapaligo, at pagpapakain sa kaniya.

"Ate Wenny, ito pong laundry fee... Puwede bang ako na lang ang maglaba ng mga damit ni kuya ngayong buwan? Para makabawas kahit papaano hehe," nahihiya kong suhestiyon.

"Oo naman, Fift! Walang kaso. Naroon sa may labahan ang marurumi niyang mga damit," sagot sa'kin ng mabait na nars.

Pinuntahan ko ang laundry area namin sa bahay at nagulat sa bumungad sa'kin na malaking bundok ng mga labahin. Napabuntong-hininga ako dahil sa dami nito.

Kaya mo 'to, Fift. You've seen worse.

***

DAHIL sa sobrang dami ng mga labahin, hindi ko napansin na lumalim na pala ang gabi. Ang pinaalam ko sa propesor ay aabutin lamang ako ng mga alas siyete. Pagtingin ko sa orasan ay halos alas diyes na pala.

Sakto ay nag-ring nang malakas ang telepono. Hindi pa 'ko tapos maglaba pero pinuntahan ko na ito para sagutin, kahit na basang-basa at may bula pa sa mga braso ko.

"Sino po sila?" aking bungad.

Halos isang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa ring nagsasalita. Ibababa ko na sana ang telepono nang biglang may boses na akong narinig.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon