CHAPTER 8

532K 21.8K 18.6K
                                    


"UTANG na loob, nasa panganib ang anak kong babae! Kailangan ko ang tulong niyong sagipin siya!" natatarantang bigkas ng kliyente sa harap ko.

Nabitawan ko ang hawak na lapis at agad na lumapit sa kaniya. "Sir! Nasa'n po ang anak niyo? Tara, puntahan na natin siya ngayon!"

Lumitaw ang matinding panlulumo sa mukha ng kliyente, bumagsak ang kaniyang katawan sa upuan at sinubsob niya sa mga palad ang kaniyang ulo. "H-Hindi ko maalala... Hindi ko m-maalala kung saan..."

Kinuyom niya ang kaniyang mga kamay at sinabunutan nang mariin ang kaniyang buhok. "W-Wala akong kwentang ama... Nasa p-panganib ang anak ko, pero hindi ko maalala kung s-saan ito..."

Napatakip ako ng bibig at nakaramdam ng matinding kaba para sa bata. "Huwag po kayong mag-aalala, siguradong makakaisip ang propesor ng paraan! Pupuntahan ko siya ngayon din!"

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kuwarto ng propesor. Kinakalabog ko na ang sarado niyang pintuan dahil sa sobrang pangangamba. "Professor! Professor Xildius! May emergency po tayo! May batang nasa panganib!"

Biglang bumukas ang kaniyang pintuan kaya medyo nahulog ako paharap. Nasalo niya ang aking katawan at tumama ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

Pagtingala ko ay may tumutulo nang mga luha mula sa'king mga mata. "Please, XV... We have to help the little girl," kagat-labi kong hikbi.

"Nasaan daw ang bata?" kalmadong tanong ng propesor.

"Iyon ang problema, hindi rin maalala ng kliyente..." daing ng aking namamaos na boses. "XV, baka may alam kang paraan para maagapan natin ang bata."

"Ang unang-una mong dapat gawin ay hindi mag-panic," pabuntong-hiningang usal ni Xildius. "Calm down, Fift."

"P-Paano ako hindi magpa-panic?! May batang nasa panganib!"

Hinila niya ako papasok sa kaniyang kuwarto at pinaupo sa paborito niyang sofa. Akala ko ay siya lang ang maaaring gumamit nito, kaya nagulat ako na siya mismo ang nagpaupo sa'kin.

His chair felt very comfortable and soft. I can feel its smooth velvety texture from every part. Tila ba may sariling buhay ito na bumubulong sa'kin na kumalma at magpahinga.

"Panic causes an intense spike of anxiety, triggering the mind to react irrationally," Xildius stated in his usual serious voice. "When in fact, we should remain calm so that our brain can process the situation."

"W-What do you want me to do, then? Bawat segundong lumilipas ay pagkakataon na nasasayang! Baka mapaano na ang anak ng kliyente!" singhal ko.

"Relax, Fift. Tell me what triggered the client's memory," he instructed.

"L-Larawan ng isang manika at isang apoy," ulat ko.

"Ako na muna ang bahala sa kliyente," saad ng propesor. "Pumunta ka sa mga palimbagan, collect all the newspapers that were published ten years ago."

"T-Ten years ago?" Kusang kumunot ang aking noo. "Para saan? At makakahanap pa ba ako ng mga diyaryong gano'n kaluma?"

"Yes. Publishing houses are required to keep archives of past newspapers for historical purposes," paliwanag ni Xildius. "Bilisan mo, bumalik ka agad dito kapag naipon mo na sila."

Hindi ko alam ang dahilan sa likod ng kaniyang nakakapagtakang utos, ngunit sigurado akong may naiisip na solusyon ang propesor. Nagtitiwala ako sa kaniyang kakayahan, kaya naman nagmadali akong bisitahin ang iba't ibang mga palimbagan.

***

INABOT ako ng dalawang oras bago nakabalik sa mansyon. Nakita kong pinatulog muna ng propesor ang kliyente sa isa sa mga guest rooms ng Villa Vouganville.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon