CHAPTER 11

498K 19.5K 21.6K
                                    


MADALING ARAW nang bigla kaming nakakuha ng tawag. Isang importanteng kliyente raw ang darating para magpatulong sa propesor. Hindi sinabi sa'min kung sino ito, basta ang nabanggit lang ay magbabayad daw ng malaking halaga.

Alas sais y medya ng umaga raw bibisita ang kliyente. Nakakapagtaka, sino kaya ito at bakit ganitong oras siya dadalaw? Night shift siguro 'to.

"Professor, sasama ka ba para kausapin ang client natin ngayon?" tanong ko mula sa labas ng kaniyang pintuan.

Dinikit ko ang tainga ko sa pinto dahil walang sumagot. I closed my eyes and listened intently. I can hear his calm and steady breathing from the other side. I can't tell if the professor is sleeping, or if he's thinking deeply.

Hindi ko alam kung ano ba ang nakain ko, dahil simpleng marinig lamang ang kaniyang paghinga sa kabilang pintuan ay sapat na para magliparan ang mga paruparo sa tiyan ko.

As usual, nakakulong na naman sa kuwarto si XV. Lagi akong napapaisip kung ano kaya ang pinagkakaabalahan ng propesor tuwing nakakandado ang pintuan niya. Naalala ko tuloy ang mga katakot-takot na larawan ng mga kinatay na katawan na natagpuan ko roon.

Is he solving something else, a special case, on his own?

Natigil ang pagninilay-nilay ko nang biglang may narinig akong mga sasakyan. Pagsilip ko sa bintana, tatlong sunod-sunod na mararangyang mga kotse ang pumarada sa tapat ng Villa Vouganville. Bugatti, Aston Martin, at Rolls-Royce.

Mga guwardiya ang lumabas mula sa dalawang kotse, at pumila sila sa tapat ng pintuan ng Bugatti para alalayan ang papalabas na pasahero. Isang babaeng nakasuot ng shades at mamahaling pananamit ang lumabas mula rito. Sinundan siya ng isang lalaking mukhang personal na guwardiya nito.

Nagmadali akong pumunta sa silid-tanggapan ng mga kliyente. Tila ako na-starstruck nang makita ang babaeng pumasok sa silid. Maganda ang kurba ng kaniyang katawan, at napakaliit ng mukha niya na parang manika. Pagtanggal niya ng shades ay saka ko lang siya namukhaan.

"M-Miss Valmolise!" nangangatog na bigkas ko habang yumuyuko.

Siya ay isang kilalang royal celebrity, hindi lang sa Pinas kung 'di sa buong mundo. Nag-iisang anak ng may-ari ng Sterling Brewery, isang malaking empire na nagdi-distribute ng iba't ibang mga mamahaling alak sa Asya. Sa sobrang yaman at impluwensyal ay nakakasama niyang mag-lunch ang mga prinsesa sa Europa.

"Where's the professor that everyone's talking about?" bungad niya pagkaupo sa tapat ko. Ibinigay niya ang bag niyang Hermes sa lalaking kasama nito.

"Ay, ako lang po talaga ang kumakausap sa mga kliyente," paliwanag ko. "Ibinabahagi ko na lamang sa propesor ang mga detalye. Pero 'wag po kayong mag-alala. Kahit nasa loob lang siya ng kuwarto ay nakakalutas siya ng mga kaso!"

Napakagat-labi ako pagkasabi no'n. Oh my god, I sounded like a fangirl just now.

"The heiress of the Sterling empire is here right now, and you're telling me that he won't even come to see me?" inis na sabi ni Valmolise. "Hindi niyo ba alam kung ilang mga press at media ang nagkakandarapa para lamang makita ako?"

"Miss Valmolise, may dahilan kaya maraming lumalapit sa propesor," saad ng lalaking kasama niya. "Hindi maikakaila ang galing niya, kaya magtiwala tayo sa proseso nila."

Suminghal ang babae na kasabay ng mabilis na pag-irap, ngunit napasunod ito ng kaniyang lalaking kasama.

"Alright. Miss secretary or whoever you are, I want the professor to solve something very important to me," taas-kilay na usal ni Valmolise. "I want him to find out... why my fiancé broke up with me."

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon