Scene 8- Anee and the Boys!

Start from the beginning
                                    

"Hahahaha! Anee, nakita mo ba yun? Hahaha! Ngayon ko lang yun nakita na ganun ka galit. Pulang pula ang mukha at ang lumaki ang butas ng ilong. Hahaha."

"Pero sir Kiev, dili ka ha ko (hindi kaya ako) patalsikin ni sir dito? Ay wori bery mats man sir oi."

"Don't worry. Hind ka nun mapapatalsik. Andito kami ni ms Lucy na back up mo kaya rest assured. Mabuti pa, halika na sa kusina at ng matulungan na kitang ayusin yung pinamili niyo."

Tapos tumayo na si Kiev at inilahad ang kamay sa nakasalampak parin sa sahig na si Anee. Makikita talaga sa mukha nito ang pag-aalala.

Pagdating nila sa kusina, kahit ayaw ni Anee, tinulungan parin talaga siya ni Kiev na ayusin yung pinamili nila. Pagkatapos nilang mag ayos, biglang nakaramdam ng gutom si Kiev.

"Anee, im hungry. Ano ba magandang kainin ngayon?"

"Ikaw sir, ano man gusto nimo kaonon. Lulutuin ko para sa imoha."

"Nah, I don't want you to cook for me. Hindi naman ako nagpapasahod sayo."

"Biskan (kahit) pa sir. Prend ka ni sir Storm, mao boss parin taka."

"Basta, hindi mo ako boss. Teka, ganito nalang..marunong ka ba lumangoy?"

"O sir. Marunong kaayo, ngano man sir?" naguguluhang tanong niya kay Kiev.

Kasi, kakasabi lang nito na gutom tapos biglang nagtanong kung marunong ba siyang lumangoy.

"Ganito na lang gawin natin. Mag swimming nalang tayo, tapos mag barbecue tayo. Diba mas masaya yun, kesa sa uupo lang tayo dito sa kusina at kakain."

Sa isip isip ni Anee, maganda nga yon kaso papayag ba naman si sir Storm niya na gamitin nila ang pool? Eh nung nahulog nga siya ng hindi sinsadya, muntik na siyang mapatalsik ng wala sa oras eh. Ngayon pa kaya at kasama pa niya si Kiev.

"Ah sir Kiev. Ayaw nalang ana sir, baka man gud masuko (magalit) si sir Storm.."

"It's ok. Don't worry, ako bahala sayo. Kaya ano? Ok na?" paninigurado nito sa kanya.

"Dili sir. No ok sir. Sorry kaayo sir. Pero, baka kasi ma git angri si sir Storm. Ikaw nalang sir maligo. Ipagluluto nalang taka."

Pag-ayaw parin niya talaga sa suhestyon ni Kiev. Ayaw narin kasi niyang dagdagan ang kasalan niya kanina. Natakot din talaga siya kanina nung sigawan siya ni Storm.

"Tssk. Hmmm. Sige na nga lang, wag ka nang sumabay sakin maligo. Pero tulungan mo akong mag bbq..ok ba yun? Para naman may kasama ako dun sa may pool."

"Ok po sir sige. Ako nalang magsugba sa imong kainon"

"Mag..sook...ba? Ano yun"

Tanong ni Kiev kay Anee na naguguluhan. Kasi kahit sanay na siya sa "alien" nitong pananalita, ayun kay Storm. Minsan talaga, naguguluhan parin siya pag medyo malalim narin yung gingamit ni Anee. Tulad nalang nitong..su-suk ba?"

"Ahh..sugba sir. Mag barbikyu ba. Hehehe. Sori sir, nakalimot ko. Hehehe"

"Oh ok. Sige sige."

Tapos ayun nga kumuha na sila ng kanilang iihawin at dinala na lahat sa ma swimming pool. Andun na rin yun ihawan, at hindi na kailangan ni Anee na gumawa pa ng apoy dahil gas na ang gamit nito.

Pagkatapos nilang maayos yung mga iihawin, nagpaalam muna si Kiev na magbibihis at tatawagin narin daw niya si Storm. Baka daw kasi magaling na yung million dollar niyang paa at makasali na sa kanila.

Naiwan naman si Anee na binabantayan yung inihaw. Kaso parang hindi siya kuntento sa lakas ng apoy, para kasing hindi naluluto yung manok. Sinisilip niya yung ilalim ng manok ng biglang lumabas sa bahay si Kiev at naka Hawaiian shorts lang.

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now