Kakasabi lang niya na huwag akong magselos sa pusa, pero heto at nagseselos na naman ako. "Buti pa si Vivi, puwede sa mansyon!"

Narinig ko na naman ang malambing na pagtawa ni Xalvien. "Well, wala na ring nagawa ang propesor. Kinabukasan pag-alis mo ay nakarinig na lamang siya ng matinis na tinig mula sa isang silid. Tinawagan niya agad kami ni Xanti para ampunin ito, kaso ayaw sumama ng pusa. Turns out, Vivi wants to stay with the professor."

Ngumuso ako't naningkit ang aking mga mata. Sana ako na lang si Vivi.

"You should be taking care of yourself as well, Fift. Nasa second trimester ka na ng pagbubuntis," bilin ng doktor sabay labas ng kahong maliit na kaniyang inabot sa akin.

"Ha? Para saan ito?" aking paglinaw.

"See? I was right. Mukhang nakakalimutan mo na yata ang sarili mo sa kakaisip sa propesor." He adjusted his seat and rested his chin on his palm. "Today is September 30, Fift. Happy birthday."

Binuksan ko ang kahon at nakita kong may maliit na bote roon na may lamang mabangong likido. Kaarawan ko nga pala ngayon, hindi ko naalala.

"That's a special perfume that I concocted myself. It has a blend of lavender and chamomile to relieve stress." Nakangiti ang mga mata ni Xalvien habang nagpapaliwanag. "Please don't forget to take care of yourself and the baby, Fift. That's what the professor wants."

Nakayuko akong tumango kasabay ng mahigpit na pagtikom ng pabango sa'king kamay. "Salamat, Xalvien. I promise to take care of myself better."

***

PAGSAPIT ng hapon ay nagsidatingan na ang mga bisita para sa'king kaarawan. Dumalaw ang mga dati kong kaklase at mga matatalik na kaibigan. Naghanda pala sina Kuya at Ate Wenny nang hindi ko nalalaman. Gusto raw nila kasi akong sorpresahin.

"Happy birthday, Fift!" sigaw ni Twyla habang may hawak na baso ng alak sa ere. "Cheers to you and your baby!"

Everyone cheered as they raised their wine glasses. Lahat sila ay umiinom ng alak, samantalang grape juice lang ang sa akin. Isa-isa nila akong binabati at nag-iiwan din ng mga mensahe para sa'king paparating na anak.

Nagtatawanan at nagdadaldalan ang lahat. Ako naman ay tumutugon sa kanila ng matipid na pagngiti. Ang hirap pala nito... ang hirap magpanggap na masaya.

Habang ang mga bisita ay nagkakasiyahan, palihim akong tumakas pabalik sa'king kuwarto. Sinarado ko ang pintuan at nagpasyang humiga sa kama.

"Hey, baby. Do you know what mommy wishes for her birthday?" malambing kong wika habang hinihimas paikot ang aking mabilog na tiyan.

Halos tumalon ang puso ko sa pagkagulat nang makarinig ako ng kumakatok. May kaunting kirot na dumalaw sa'king dibdib. Tuwing may kumakatok kasi ay lagi kong naaalala ang propesor.

"Fift?" bigkas ng boses ng isang lalaki. "Are you there?"

"Calfie?" Nabosesan ko siya agad kaya tumayo ako para buksan ang pintuan.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto at umupo sa gilid ng kama. "Bakit nagkukulong ang birthday girl? Nasa baba ang party, ah. Bakit ka nagdidiwang nang mag-isa rito?"

Ngumiti ako't tinabihan siya sa kama. "Hindi naman ako mag-isa, eh. Kasama ko si baby," sagot ko kasabay ng paghimas sa'king tiyan.

"What they say is true..." he said as he gazed into my eyes. "Gumaganda nga ang isang babae kapag buntis."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Matagal na kaming magkaibigan ni Calfie kaya wala akong ideya kung bibigyan ko ba ng malisya ang kaniyang mga salita. Para maiwasan ang ilangan ay binago ko na lamang ang usapan.

"H-Hoy, ikaw ah. May kasalanan ka pa sa'kin," pagpapaalala ko. "Nautusan ka palang ibigay sa'kin 'yong flyer para mag-apply ako bilang assistant!"

Tumawa ang aking lalaking kaibigan. "Sorry na, Fift. Pero ginawa ko rin iyon dahil gusto kitang matulungan. Niloko ka ng ex mo kaya gusto kong mag-move on ka sa pamamagitan ng paglayo muna sa siyudad. Kaso..."

"Kaso?"

Tumingala siya sa kisame at ngumiti. "Kaso hindi ko alam na magkakagusto ka pala sa propesor. Eh 'di sana, hindi ko na lang iyon ginawa."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"I mean..." Nilingon ako ng kaniyang singkit na mga mata. "I mean I like you, Fift. I... have liked you ever since we were in high school."

Inabot niya ang kamay ko at hinaplos ang singsing na nakasuot sa daliri ko. "At kung walang balak ang propesor na dagdagan ito ng isa pang singsing. Then maybe, maybe I can."

"Calfie..." Napalunok ako dahil hindi ko inaasahan ang kaniyang pag-amin.

Tumawa siya nang mahina at nagkamot ng ulo. "Sorry, alam kong hindi ako kasingguwapo ng propesor, pero..." Ang kaniyang pagtawa ay napalitan ng seryosong boses. "But I'm here, Fift. Handa akong maging ama ng dinadala mong bata. If you'd let me, I'll make you a happy wife and give you a happy family."

Agad na kinapa ng kamay ko ang butones na kuwintas na nakatago sa'king blusa. Hinawakan ko ito nang mahigpit, na tila ba ito ang sumisimbolo sa aking nakaraan kasama ang propesor.

"I... I love someone else, Calfie," kagat-labi kong pagtanggi. "I only see you as a friend. I'm sorry."

"Hindi mo naman ako kailangang mahalin ngayon." His warm hand found my cheek and gently caressed it. With loving eyes, he rearranged his previous sentence to create a different meaning. "Ang kailangan mo ngayon ay taong magmamahal sa'yo."

Nagulat ako sa kaniyang sunod na ginawa. Hinalikan niya ako nang biglaan kaya naman natulak ko siya nang malakas palayo. "D-Don't! Don't just kiss me suddenly like that!"

He buried his red face on his palm in embarrasment. "S-Sorry, Fift. I just had... too much alcohol."

Pagkasabi no'n ay tumayo na siya at tumungo sa pintuan. "But please think about what I just said. Kung pagbibigyan mo ako, sisiguraduhin kong hindi kita iiwan. Hindi ko kayo itutulak palayo ng anak mo," makabuluhang pahabol niya bago tuluyang umalis. Tila ba pinaparinggan niya ang ginawa sa amin ng propesor.

Pagsarado ng pinto ay hindi ko na napigilan ang tuluyang pag-iyak. I clenched the button under my shirt as I cried my eyes out.

It's my fucking birthday, and I'm fucking crying.

Ginagamit ko na ang aking braso para punasan ang aking namamagang mga mata. "Get a hold of yourself, Fift. Magiging nanay ka na. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Kailangan mong maging—"

Naputol ang aking sasabihin nang bigla akong makarinig ng tinig mula sa kung saan. Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil pamilyar sa'kin ang lalim at garalgal ng boses na iyon.

It's the voice that I know so well. It's the voice that every cell in my body can recognize. It's the voice of the man I love.

There was a glitching sound coming from the communication device hanging from my necklace. Agad ko itong nilabas at nilapit sa'king tainga. No fucking way.

"S-Salus... tiana."

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon