Chapter 7

51 1 0
                                    

"Grimoires are magical items that greatly enhance the user's ability to use magic. ... Most of a grimoire's pages are empty at first; as a grimoire owner grows and develops as a person, the grimoire grows and develops with them, and new magic spells are inscribed into the book to fill the blank pages." He answered.

"Ah so, kailangan pala ng owner ang grimoire?" Sabi ni Terran.

"Yes, pero kailangan ang owner nito ay makapangyarihan dahil kung hindi mamamatay ka kapag sinubukan mong gamitin ang grimoire na yun. Kaya kung mananalo kayo sa paliksahang ito at makuha nyo ang grimoire ay isa isa ko kayong pagagamitin ng spell na nanggaling mismo sa grimoire." Head master said to us.

"Eh, paano kung mamamatay kami kapag ginamit namin ang spell?" Si Terran.

"Hindi naman kayo mamamatay dahil isa kayo sa mga Royals, makapangyarihan kumbaga." He said. Pero napalingon kami sa babae dahil hindi naman sya Royalty.

"What?" Nagtataka nya kaming tiningnan.

" You're not a Royalty." Alina said.

"So, what if I am?" Nakangisi nyang sabi saamin.

Napailing nalang si head master saamin saka ngumisi.

"No need to be scared what might happen to her. She's strong and powerful."

"You only have one week to prepare." Head master said to us. "You need to practice more. I know na malakas na kayo pero kailangan nyo pa din mag practice to gained more strength."

"Bakit kailangan natin makuha ang grimoire?" Terran question.

"We all know na paparating na ang malagim na digmaan na iniiwasan natin. Meron naman tayong maliit na chansa na manalo sa digmaan pero wag tayo pakampante." "Tuso ang mga kalaban." Tiningnan nya kami sa mata isa-isa. "Alam ko namang mananalo kayo, kayo pa?" Napatawa tuloy kami maliban sa babae, Collis Alina, Hale and Blaze.

Patungo na kami ngayon sa traning ground. Iba ang training ground naming mga Monarchal, malakas ang spell ma ginawad para hindi ito madaling mawasak. Kung mawawasak man ay mabubuo ulit iyon.

"Partner partner tayo!" Sabi ni Terran.

"Ugok! Siyam tayong lahat!" Kontra ko sakanya.

"Ay oo nga no?" Napakamot tuloy sya sa ulo nya.

"Eh, pano yan?"

"I'll just watch." Napatingin kami sa nagsalita, yung babae. Napataas ang kilay ni Alina. She has an attitude.

"You'll just watch? Pano kung mahina ka? Edi first round palang talo na tayo!" Singhal ni Alina sa babae. Inawat sya ni Blaze pero winaksi nya lang. Pero ang babae ay matiim na nakatingin sakanya, no expression.

"Wag kang pabida! Nasugatan mo lang si Collis ganyan kana? Hah! Kaya mo lang naman sya nasugatan dahil inakit mo sya!" Nanlilisik ang mga mata ni Alina. Ay oo nga pala may gusto nga pala si Alina kay Collis kaya ganyan sya umasta. Napatingin tuloy si Collis sakanya.

"What if I am? Hmm?" Nakangising saad ng babae kay Alina. Oh ow, nangangamoy world war V. Sa sinabi ng babae ay sinugod nya at sinampal pero laking gulat namin na may humawak sa kamay ni Alina, at si Collis iyon.

"Bakit mo pinagtatanggol ang babaeng iyan ha? Collis? Inakit ka nanaman nya?" Malakas na sabi ni Alina kay Collis.

"Stop.." Strong and cold voice echo to this room. Collis said to Alina' s face. Gusto kong tumawa ng malakas pero wag dapat.

"Pftt." I heard Terran's laugh. Kahit noon pa man ay hindi na namin gusto si Alina, her attitude.

"Ahhhh!" Alina yelled in frustration and she walk out. Sya na nga ang nagsabi na gusto nyang ipasok sa Monarchal ang babae tapos ngayon aangal sya? Ang gulo nya din minsan. Napailing nalang ako sa naisip.

"So?" Blaze trail. "Tama na tayong lahat, pwede na ba tayong mag-umpisa?" We all nodded in unison.

"Partner ko si Shy!" Sigaw ni Terran at dali dali akong hinila. Winaksi ko ang pagkakahawak nya sa akin.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

"Arte mo naman. Gusto mo bang mamatay sa kamay nila? Ha?" He teased. "Dito ka na lang saakin, swerte mo na makikita mo ang gwapo kong mukha bago ka mawala." And he laugh. Siniko ko sya para manahimik pero tong gago na to mas lumakas pa ang tawa.

Narinig kong tumikhim si Rai. "Alizeh for me." Nakita kong namula ang mukha ni Alizeh. Hmm, I smell something ishy fishy.

"Hale for me, then." Blaze said. OMG! So ibig sabihin si Collis at ang babae ang magkapareha! Omaygash talaga. From now on sila na ang ishiship ko! Marami silang similarities katulad ng pagiging maganda at gwapo, tahimik, kakatakot, makapangyarihan, yung awra nila at marami pang iba, like OWEMJI? di ko keribels. Kulang nalang maging connected silang dalawa. Which means mate sila, as in soulmate. Akala nyo mga vampires at wolves lang ang pwede may maging soulmates dyan kayo nagkakamali. Kaming lahat ay may mga soulmates maliban lang sa mga Gods and Goddesses.

Una kaming maglalaban ni Terran dahil si Terran daw ang una umimik kanina. Si Terran talaga ang parati kong Partner sakanya din naman ako komportable makipag-duwelo.

He attack me with his earth spines na ikina-ilag ko naman. Gumawa ako ng water waves at ipinasugod sakanya. He made earth shield and made earthquakes here inside. Kaya I made water carpet, hindi naman ako nabasa dahil sa akin naman ang attribute na ito. At pwede na din akong kumanta ng A Whole New World ng Aladdin. Kidding.

I snapped my fingers ng nakaisip ako ng plano. Napatawa tuloy ako sa isip ko. I made water bomb at ipinasugod sakanya. That was just one water bomb. Titirahan nya sana ako pero naunahan ko sya sa pagtira. I made a hundreds of water bomb at idineretso sakanya. I smirked nang madulas sya. Serves him right.

Lalakad na sana sya papalapit saakin nang hindi nya makuha ang paa nya sa sahig na may tubig sanhi ng water bomb na ginawa ko. I smirked again ng samaan nya ako ng tingin. Nilagkitan ko lang naman ang tubig na naapakan nya. Napahalakhak tuloy ako.

Napatigil ako sa pagtawa nang maramdaman ko ang lupang putik palapit saking mukha, iilag na sana ako pero huli na ang lahat dahil dumeretso na sa pagmumukha ko ang lupang putik. Naptadyak tadyak tuloy ako sa maglabila kong paa dahil sa inis.

"Humanda ka saaking hinayupak ka! Magbabayad ka talaga!" Pero ang ugok na yun tinawanan lang ako. Ngayon ko lang napansin na nawala na ang malagkit na tubig sakanyang paa dahil sa inibato nyang lupang putik saking mukha. Humanda talaga sya saakin dahil sisiguraduhin kong ako ang mawawagi sa laban nato. Hmp, lintik lang ang walang ganti.

Itinaas ko ang aking kaliwang kamay upang may mamuo na tsunami sa likuran nya na hindi nya naman namalayan. Napakunot ang kanyang nuo sa hindi malaman na dahilan. Napalinga sya sa kanan pero wala syang makitang kakaiba kaya ibinaling nya sa kaliwa pero wala parin kaya ibinaling nya ulit sa kanyang likod pero ganon nalang ang panlalaki ng mata nya nang makita ang tsunami sa kanyang likuran nakita ko syang namutla. Natawa ako nang bigla syang tamakbo.

"MAMAAAAA?!" Sigaw nya habang tumatakbo. Di ko maiwasang matawa sa itsura nya. Dahil sa ginawa nya ay hinabol tuloy sya ng tsunami. I heard Alizeh, Blaze and Hale's laugh in other side so do I.

TO BE CONTINUED...

Sakura_km

Immortal Warrior of the Endless WorldWhere stories live. Discover now