Chapter 5

52 2 0
                                    

SHYRAIN POV

"I am your Deadliest Nightmare." Humakbang sya nang dalawang beses bago huminto ulit.

"False or Hope?" Tanong nya kay Karina na nakatingin parin sakanya hanggang ngayon.

"Hope!" Madaling sambit ni Karina pero nagulat nalang kaming lahat dahil bigla nalang bumagsak si Karina. At ngumisi naman ang babae.

"I told you, I am your Deadliest Nightmare.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pinatawag lahat ng nanalo papunta sa stage. Naglakad naman ang ibang mga kalahok. May mga kalma lang, meron ding kinakabahan, na iintense, nanginginig sa takot. Iba't ibang pakiramdam ang namumutawi sakanila ngayon, pero masasabi ko na mas marami ang natatakot dahil baka magaya sila kay Karina kanina.

Pagkarating nila ay iminungkahi sakanila kung ano ang gagawain. Katulad lang din saaming tatlo kanina ako, Hale at Collis.

"Position" "Start"

Lahat sila naglalaban maliban sa isa. Tinitignan lang nya ang mga kalaban nyang naglalaban. Tuwid syang nakatayo at naka cross-arm. Tinitingnan nya ang bawat kilos ng mga kalaban.

Isang lalaki ang tumira sakanya ng earth blade pero naiwasan nya iyon sa pamamagitan nang pagikot. Nakakabilib lang. Kung hindi lang sana sya nakakatakot ay kinaibigan ko na sana sya. Kaya lang nakakatakot sya kaya wag nalang, ayaw ko pang mamatay ng hindi nakaka-boyfriend. Tsaka birhen pa ang lips ko at yung vagina ko duhh. Kaya di pa talaga pwede.

Mukang nagkakasundo ang mga kalahok ngayon ah. Pinagtutulungan nila ang babae ngayon. Kahit nanginginig ang iba ay ipinagpatuloy parin nila ang pagsugod sa kanya.

Napatawa ako nang malakas dahil sa tindi ng takot nung lalaki ay nadapa sya nang hindi pa nakakaabot sa babae, ni wala panga syang nagawa.

Siniko ako ni Terran dahil marami rami ding tumingin saakin. Eh sa nakakatawa talaga sya eh.

Nagulantang ako dahil biglang sumabog sa kinaroroonan nila kaya dali dali akong tumingin sa gawi nila.

Nakita kong natumba ang ilan at ang iba naman ay nakatayo padin pero hinihingal na. Nang mawala ang usok ay nakita ko ang babae na naka cross-arm parin. Nakakmangha sya yet nakakatakot. Kulang nalang sambahin ko na sya ng todo.

Inihakbang nya ang kaliwa nyang paa at ganin din sa kaliwa, napaatras ang iba dahil sa takot at tindi ng mga sugat nila samahan narin na pagod na sila't humihingal.

Itinaas nya ang kaliwa nyang kamay at sabay kumpas kaya naghihingalo na ang iba dahil sa kawalan nang hininga.

"The winner, from section one! The girl I don't know the name!!!" Marami raming pumalakpak sakanya. Marami din ang namamangha sa kapangyarihan nya. Kahit hindi na sya makipaglaban ay kayang nyang patayin ang lahat. Pero hindi nya naman pinatay yun dahil bago pa mawalan nang hininga ang mga kalaban nya ay inannounce na panalo na sya sa laban.

Kaya ang pinakahihintay na nang lahat ay ang maglaban sila ni Collis. Parang gusto nila malaman kung sino ba talaga ang mas makapangyarihan sa kanilang dalawa.

I am so damn excited to witness sa laban nilang dalawa. Actually, kaming lahat.

"Position" "Start"

Nagkatinginan lang silang dalawa na para bang naguusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Bakit hindi pa sila nag lalaban? Natatakot ba silang matalo ang isa't isa? Imposible naman kung ganon. Sigurado akong mahihirapan silang dalawa. Alam namin ang totoong kapangyarihan ni Collis sobrang dilikado.

Then we witnessed earlier the power of that woman, she's undeniably strong. Nakakamangha.

Humakbang ang kaliwang paa ni Collis at ganun din ang babae.

Tumakbo ang babae papunta kay Collis tumalon nang malakas at tumbling papunta sa likuran at sisikuhin si Collis pero nahawakan ni Collis ang kamay ng babae pero hinila ni Collis ang kamay ng babae palapit sakanya at lumapit ng kaunti sa babae at may parang ibinulong. Tinulak nang babae si Collis kaya napalayo sya nang kaunti, sa pagkakataong ito ay sinipa ni Collis sa paanan ang babae pero tumalon ang babae kaya hindi sya natamaan nahawakan ni Collis ang kamay nang babae kaya inikot nya ito pero umikot din ang babae at tumalon na ulit sa likuran ni Collis at tinulak nang malakas. Pero parang hindi naman nasaktan si Collis sa pagkakatulak sakanya kaya tumakbo si Collis papunta sa babae sinuntok nya sa mukha ang babae pero nasangga nya iyon sa isa nyang kamay at ang isa nya naman kamay ay isinuntok sa tiyan ni Collis pero agad din napigilan ni Collis. Inapakan nang babae ang isang paa ni Collis kaya napa aray sya nang kaunti pero sinipa nya ang babae natamaan ang babae sa pagsipa ni Collis.

Hinawakan nang babae ang kanyang tagiliran at saka ngumisi at ngumisi din si Collis, grabi ang creepy nila. Hindi panga sila gumamit ng kapangyarihan ay ang astig na nila, gumamit pa kaya? Susmaryusep kinikilabutan ako.

Nagsimula ulit sila sa kanilang laban. Umikot ang babae kay Collis pero nahagip nito ang bewang ng babae at saka itinaas at inikot pero nasipa ng babae ang mukha ni Collis pero balewala lang iyon. Sa pagkakataong ito ay hinawakan nang babae ang dalawang balikat ni Collis at tumambling sa likuran at sinipa ang dalawang paa ni Collis. Ang astig nun!

Humakbang ang babae papalapit kay Collis at hinawakan ang mukha nito. Nakakagulat man dahil hindi nagprotesta si Collis na hinawakan nang babae ang kanyang mukha, isang himala.

Ngumiti ang babae, ewan ba kung matatakot ba ako sa mga ngiting yun o matulala dahil sa ganda. Nagulantang kami dahil nakapiskil sa mga mata ni Collis na masaya sya na hinawakan nang babae ang kanyang mukha. Ngumiti sya na hindi kita ang ngipin. Pero daling nawala ang ngiti ng babae dahil sa paunti unting paglapit nang mukha ni Collis sakanya. Pati din kami nagulat sa ginawa nyang paglapit sa mukha ng babae. Napaatras ng isang hakbang ang babae pero hinawakan ni Collis ang kanyang bewang upang hindi makatakas. Ngumisi si Collis nang malaki dahil sa itsura nang babae na hindi maipinta, sa pagkakataong ito ay hindi na nagpaligoy ligoy pa si Collis ay agad nyang hinalikan sa labi ang babae na nagpagulantang sa aming lahat. Tinulak sya nang babae at ginamitan nang kapangyarihan.

"Lapastangan!" Gigil na sigaw ng babae kay Collis. Pero ang lalaki ay tumawa ng malakas kaya nagulat na naman kami sa natunghayan. Ang magpapangiti lang pala kay Collis ay ang magandang binibini sa kanyang harapan, saaming harapan.

Napasipol si Terran saaking gilid at napatawa si Blaze sa kanyang natungyahan sa kanyang harapan.

Napailing nalang ako sa nakita, pero sa kalob looban ko ay tuwang tuwa ako dahil sa nakalipas na ilang taon ay ngayon ko lang ulit nasilayan ang ngiti sa labi ni Collis, hindi lang isang ngiti kundi tawa din.

Kung ganoon, espesyal ang babae para sakanya upang ngumiti, tumawa at halikan sya.

TO BE CONTINUED...

Sakura_km

Immortal Warrior of the Endless WorldWhere stories live. Discover now