Chapter 4

67 7 0
                                    

SHYRAIN POV

Kalagitnaan na naglalaban laban ang mga estudyante at unti unti na din sila natatalo't nauubos. Matira matibay lang ang kailanagang gawin pero wala namang patayan.

Seksyon two na ang nag lalaban laban ngayon. Sa Leveling na ito ay by class room ang mag lalaban laban para pantay pantay at wala ng magrereklamo.

Pagkatapos maglaban ang lahat ay pagtitipun-tipunin sila at isa isang mag lalaban laban na kagaya namin kanina. Matira matibay parin para makalaban ang isang Monarchal.

Hindi ko pa pala nasabi na andito lahat ng Royal Family. As in Royal Family talaga mga hari't reyna. Kaya maraming binubuhos ang lakas nila para manalo dito at mapahanga ang mga hari't reyna at isa na ako doon. Kaya lang hindi ko natalo si Collis ang lakas nya kasi.

"Lets proceed to the Section One!" Maraming naghiyawan dahil ito na ang pinakahihintay ng lahat. Isa sa pinakamalakas na Section.

"Let's call, Zendee and Alfred from Section One!" Naghiyawan ang lahat dahil maglalaban ang dalawang nag iibigan. Napailing nalang ako. Isang malaking SANAOL.

Zendee is a Flower manipulator and Alfred is a Stone manipulator. Bagay na bagay magbakbakan, kidding.

"Position" "Start"

Matitinik na rosas ang pinakawalan ni Zendee sa kanyang nobyo pero nasangga ito ni Alfred sa kanyang malaking bato na nagsisilbing proteksyon nya. Pero hindi papaawat si Zendee kaya maraming naghahabulang matitinik na rosas patungo kay Alfred ang iba ay nasangga nya pero ang iba din ay hindi. Sayang gwapo sana, hala mali!

Pinakawalan ni Alfred ang maraming bato patungo kay Zendee pero may nabuong mga flower petals sa harap nya na nagsisilbing panangga nya sa mga bato na nagliliparan patungo sakanya.

Malapit ng maubos ang oras nila pero wala paring nagpapatalo sa kanila. Konting konti nalang.....

"Both winners, Zendee and Alfred!" Naghiyawan ang mga fans nila. Sanaol may fans. Kidding.

Marami  ng dumaan na naglalaban laban pero kaming mga Monarchal ay iisa lang ang nais makitang lumaban.

Sa pag kakataong to ay natapos na ang second to the last na nag lalaban. Kaya panigurado ako, kami na sya na ang huling lalaban.

"Let's welcome, Karina and the woman I don't know the name. Please proceed here in stage."

Tumayo na si Karina na para bang sya ang pinakamakas sa lahat at may natutunan pang iwagayway ang kanyang kamay na parang bang beauty queen.

" Patay tayo jan." Bulong ni Terran sa tabi ko. Kilala kasi si Karina na walang awa kung makipaglaban kaya nasabi yun ni Terran. Kahit ako nga ay kinakabahan para sa babaeng yun dahil ngayon ay malaki ang ngisi ni Karina sakanya.

"Position" "Start"

Prente syang nakatayo sa unahan at naka cross-arms pa. Bilib din ako sakanya dahil kitang kita sa mga mata nya na wala syang kinatatakutan. Takot parin ako sa presensya
nya.

Pati buto ko nanginginig na. Sino ba kasi ang babaeng to bakit ganito nalang ang epekto nya saakin. Saakin nga lang ba?

Malaki ang ngisi ni Karina dahil sa pananaw ni Karina ay mahina sya pero grabing panginginig nya nong unang makita ang babae. Napailing nalang ako.

Unang sumugod si Karina. Karina is an Ice user kaya ganyan sya umasta sa lahat.

Ice spikes ang pinalabas nya sa kanyang kamay pero dali lang iyon nailagan ng babae. Woaahhh! Amazing! Inilagan nya lang na walang gamit na kapangyarihan. Napahanga agad ako sa simpleng pag iwas nang atake na yon.

Nainis naman si Karina sa ginawa ng babae kaya dinamihan nya ang paggawa ng ice spikes at sinamahan din ng ice bomb. Sa pagkakataong ito ay sinalubong ng babae ang atake ni Karina. Tumalon sya nang mataas para masalubong nya ang atake pero laking gulat ko na walang kahirap hirap nya iyong iniwasan. She tap the Ice bomb at bigla itong sumabog akala ko katapusan na nya pero akala ko lang pala yun dahil lumabas sya sa usok na na walang pinsala sa kanyang katawan.

Dahil sa inis ni Karina ay ginamit nya ang lahat ng kapangyarihan nya pero laking gulat ko na naman dahil biglang tumigil si Karina na para bang nahihipotismo.

"My turn." Two words pero nakakakilabot ang dating. Bigla syang ngumisi kay Karina yun bang tipong makikita mo ang ngisi nya ay mamamatay ka sa paraan na iyon.

Napahawak si Karina sa kanyang ulo at dahan dahang umatras. Ang babae naman ay maayos na nakatayo at nakatingin lang kay Karina. Yung tindig nya nakakamatay.

Nakakatakot ang presensya nya. Bigla syang napahawak sa kanyang bibig. Akala ko ano na inaantok lang pala sya.

"Ahhhhhhh!" Nagulat ako dahil sa malakas na paghiyaw si Karina. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang babae. Kung ganon torture ang kapangyarihan nya, nakakatakot nga.

Biglang umiyak si Karina at napaluhod hindi ko man alam ang nangyari sakanya at sa nakikita nya, naaawa ako sakanya kahit hindi ko sya gusto.

Yung pawis, luha at sipon nya naghalo na. Nakakadiri man tingnan pero nananaig parin ang awa ko sakanya, sobrang nakakaawa ang itsura nya.

"Ahhhh! Tamaaaa naaaa!!" Umiiyak na sigaw nya. Nagulantang ako dahil biglang ngumisi ang babae.

"Hindi pa nga ako nagsisimula eh, pano ba yan?" Mapaglarong saad nya. Pagkatapos nyang sabihin iyon ay nagwala ang kapangyarihan ni Karina dahil bigla bigla nalang itong lumalabas sa kamay nya.

Nakakatakot palang kalabanin ang babaeng ito. Mabuti nalang talaga na hindi ako ang nanalo.

Lumapit ang babae kay Karina, akala ko matatamaan ang babae sa kapangyarihan ni Karina pero hindi pala dahil mismong kapangyarihan ni Karina ay umiiwas sa babae. What the heck! Pati kapangyarihan ni Karina ay natatakot sa babae.

Pinantay ng babae ang height nilang dalawa at hinawakan ang baba ni Karina.

"Hindi mo na kaya?" Tanong ng babae kay Karina. Paulit ulit na tumango si Karina sa babae.

"Dahil mabait ako ngayon, pagbibigyan kita." Mabait pa sya sa lagay na yun? Kaya napa ngiwi ako. Pagkatapos nya yung banggitin ay tumayo na sya at nawala narin ang hipnotismo kay Karina. Hinabol ni Karina ang kanyang hininga at tumayo. Matutumba na sana sya pero na balanse nya agad iyon kaya hindi sya tuluyang bumagsak.

Tumalikod na ang babae at nagsimula nang maglakad papunta sa bleacher upang umupo pero napatigil sya, hindi lang sya kundi kami rin dahil sa tanong ni Karina sa kanya.

"S-sino k-ka b-b-ba talaga?"

TO BE CONTINUED...

Sakura_km

Immortal Warrior of the Endless WorldWhere stories live. Discover now