Chapter 2

95 8 0
                                    

SHYRAIN POV



"Nararamdaman nyo ba din yun?" Wala sa sariling turan ni Terran. Tumango kami nang marahan.

"Nakakatakot." Biglang saad ni Alizeh na parang nanginginig pa. Nandito kasi kami ngayon sa headquarter, tinatambayan namin.

"Teka lang ha? Kung masama sya eh sana hindi sya nakapasok sa academy? Diba?" Saad ko.

"Ay oo nga no? Siguro malakas lang talaga sya kaya ganoon ang aura nya." Pagsasangayon namin sa saad ni Terran.

"I want her to be part of Monarchal." Biglang sabi ni Alina. " kung malakas nga ba sya." Minsan lang makisali si Alina sa mga ganitong pangyayari kaya nakakapagtaka lang na gusto nyang isali ang babae sa Monarchal.

"She's not a heiress." Napalingon kami kay Blaze at tumango sa sinabi nyang hindi heiress ang babaeng yun.

"But, I can sense that she's strong." Napatitig lang kami sakanya at tumango.

"Yeah, definitely strong para manginig si Shy kanina." Napakunot ang ulo ko sa sinabi ni Terran.

"Ba't nadamay ako?"

"Nanginginig ka kanina." At tumawa pa talaga sya.

"Takot ka din kanina no." Pangungutya ko din sakanya. Inismidan lang ako.

"Sigurado akong mapapantayan nya tayo. Makikita natin ang kakayahan nya sa leveling . Malapit na yun hindi ba? Sa lunes?" Tumango ako sakanya.

"Okay tapos na tayo dito. Bukas na naman." Terran said. Napaismid ako dahil magkikita din naman kami sa dorm.



HEAD MASTER'S POV



Napatingin ako sa likuran nya habang sinasara ang pintuan nang office ko.

Paano nangyari yun? Nandito lahat ang mga heir at heiress nang iba't ibang tribe maliban sa isang tribe na matagal nang wala. Wala na sila. Imposible!

Paano kung? Psh. Wala na sila. Pero? Hayst. Napakalaking imposible naman nito.

Pero paano kung meron pang nabuhay sa kanila at sya yun? Napangisi ako sa aking naisip. May kakampi na ako simula ngayon. At di ko mapigilang tumawa nang malakas.

Perfect for my plan. Simula ngayon kasama na sya sa mga plano ko.

Ngayon, sigurado na akong may na buhay pa sa clan na iyon at ang babae na yun ay ang heiress at magiging pinuno.

'Cause I can sense that she's one of us.



SHYRAIN POV



Ilang araw na ang lumipas at ngayong araw na ang leveling na pinakahihintay naming lahat.

"Welcome students of Miraculous!" Simpleng apat na salita pero ang ingay na ngayon.

Power leveling na ngayon kaya maraming excited na ipakaita ang mga kapangyarihan nila pero alam kong maghahangin lang yan sila.

"Para sa mga hindi alam kung ano ngayon. This is  a Power Leveling for everyone. Including the Monarchal."

"The mechanics is.............. Unang maglalaban laban ang mga Monarchal. Monarchal versus Monarchal. Isa lang dapat ang manalo sa Monarchal. Then, the other students maglalaban laban din kayo. One by one.  Pagkatapos nang huling laban ay kung sino ang mananalo ay syang kakalaban sa nanalong Monarchal kung mapuruhan mo ang Monarchal na iyon ay tatanghalin kang isang Monarchal kahit hindi ka heir or heiress. That's the mechanics for our Power Leveling."

Sari saring mga bulungan ang maririnig ngayon dahil sa panibagong mechanics nang revealing.

Kahit ganon ay excited akong may bagong myembro. Kung.

"I bet yung babaeng nakakatakot ang lalaban saating Monarchal." Hale said.

"LET THE POWER LEVELING START'S NOW!!!"

"Hale and Blaze from Monarchal." Naghiyawan ang mga tao dahil sa tinawag na unang maglalaban.

"Position." "Start"

Unang sumugod si Blaze pinakawalan ang isang fire dragon sa kabilang banda ay pinakawalan din ni Hale ang isang napakalaking ice snake kasing laki nang fire dragon ni Blaze. Nag away sa taas ang mga alaga nila kung nagtataka kayo kung bakit nasa taas ang ice snake ni Hale, kung saan pupunta ito ay nagiging ice ang tinatapakan nya.

Hinagisan ni Hale nang Ice bomb si Blaze na madali lang nakalagay nang sheild para sa sarili nya. Pero hindi nakaligtas ang maliit na palaka na gawa sa ice ang pumatong sa balikat ni Blaze at sumabog kaya tumilapon sya. Sa isang banda naman ay lumakad si Hale papunta kay Blaze. Kinuha ni Hale ang Espada na gawa sa ice. Sa kabilang banda naman ay tumayo si Blaze at gumawa nang espadang gawa sa apoy. Tinutukan nila ang isa't isa.

Unang hinampas ni Blaze ang espada kay Hale pero sinangga lang iyon ni Hale at dinoble ang lakas kaya napaatras nang wala sa oras si Blaze. Sa isang kamay ni Blaze ay may pomormang isang espadang gawa rin sa apoy at hinampas kay Hale pero kinumpas ni Hale ang Kamay nya kay may sheild na humarang sa mukha nya kaya hindi natuloy ang pag hampas ni Blaze kay Hale.

Tumba na ang Ice snake ni Hale at nawala nalang bigla ang fire dragon ni Blaze kaya sila nalang dalawa ang nasa stage. May nakita akong maliit na gumapang sa kwelyo ni Blaze at hindi nya namalayan iyon, naka steady lang iyon doon. Patuloy padin silang naglalaban ayaw paawat walang magpapatalo. Pareho silang malakas kaya nga itinanghal sila sa Monarchal.

Inihampas ni Blaze sa kanan ang kaliwang espada nya at inihampas din nya sa kaliwa ang kanang espada, akala ko matatalo na si Hale pero nagulat ako nang umilaw ang mga mata nya, kakulay nang ice. Biglang nag freeze ang dalawang espda ni Blaze hindi rin sya makagalaw dahil nag freeze din ang mga paa nya. Ginamitan ni Blaze nang apoy pero hindi ito natunaw. Sa pagkakataong ito ginamit ni Blaze ang asul na kalayo na nagpagulat sa lahat dahil alam nang lahat kung gaano ito ka dilikadong gamitin lalo na pag hindi mo pa ito kontrolado. Pero iba ang kaso ni Blaze dahil kontrolado na nya ito.

Sa pagkakaalam ko full power na nya iyon pero hindi parin tinatablan ang ice na gawa ni Hale. Unti unti nang napaluhod si Blaze dahil sinasakal na din sya nang ice sa leeg. At nakita kong gumapang papalapit ang maliit na ahas sa leeg ni Blaze at kinagat. Unti unti nang napapikit si Blaze. Tinanggal na ang nakakapit sa leeg nya pero dahan dahan na syang natumba sa sahig at nawalan nang malay.

"The Monarchal winner, HALE." Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa pagkapanalo ni Hale. Talaga naman napakalakas nang ice. Ice lang ang nakakatalo sa dalawang kapangyarihan at iyon ang dark at lightning. Pinaggigitnaan nya ang dalawang kapangyarihan.

"Alizeh and Rai from Monarchal!" Nagpalakpakan muna ang lahat bago tumayo ang dalawa na para bang kampanteng kampante sila.

"Air and Lightning? Not bad. They used to be one, right?" Tumango lang ako sa saad ni Terran.



TO BE CONTINUED...



Sakura_km

Immortal Warrior of the Endless WorldWhere stories live. Discover now