•42• why not give up?

Start from the beginning
                                    

"di ko alam kung bakit nakikinig pa'ko sayo." sabi ni taehyung kaya tumawa ng mahina si averie. "bakit nga ba? siguro dahil alam mong tama ako. na co-artist na lang ang tingin nya sayo at di na lalampas pa dun. nasaktan sya ng sobra sa pagkawala mo at yung sakit na yun ay naging galit sa paglipas ng panahon. kaya tatanungin ulit kita, bakit ba bumalik ka pa?" tanong muli ni averie saka nilingon si taehyung.

"siguro dahil umaasa kong may tsansa pa." taehyung.

"na halata namang wala na." averie

"na iniisip kong baka mahal nya pa'ko at nakuha nya kong hintayin." taehyung

"pero kita naman nating hindi."  averie

"at baka makinig sya sa rason ng pag-alis ko dati." taehyung

"pero galit na sya at sarado ang isipan sayo. so, ano pang dahilan mo?" tanong muli ni averie kaya natawang mahina si taehyung.

"ayos lang naman saking masaktan kung sya yung dahilan, averie. isa lang naman yung rason ko kung bakit ako nandito, na mahal ko sya. na mahal na mahal ko sya kaya ayos lang lahat yan. kaya kong tiisin." sabi ni taehyung kaya natawa ng mahina si averie.

"ang tanga mo." bulong nito. "alam ko." sagot ni taehyung

"pano kung sobra na talaga?" tanong ni averie.

"di ko alam kung hanggang saan ang limit ko pero handang-handa akong sumugal." sabi pa ni taehyung.

"ikaw? bakit ayaw mo pa'kong tigilan? halata namang panalo ka na. na galit sya sakin at ayaw na nya ko sa buhay nya, kaya bakit pinipilit mo pa rin akong alisin sa buhay nya?" tanong ni taehyung.

"dahil nagsasayang ka lang ng oras. ayaw na sayo nung tao pero ginugulo mo pa. di mo ba alam na pwede nyong ikasira yan? mahuhukay na naman ang nakaraan at maari mong masira yung pinili mong iligtas dati. inakala kong mas matalino ka na pero hindi pala. puso pa rin ang pinapairal mo, gamitin mo yang utak mo saka ka tumingin sa paligid mo. baka sakaling matauhan ka." sabi ni averie saka na tuluyang iniwanan sa hallway na yun si taehyung.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now