•21• breakfast, huh?

333 19 44
                                    

third person's pov

"noona? nasaan si koo-ssi?" tanong ni taehyung nung masalubong nya si leila. "sa pagkakaalala ko ay kausap sya ni director yoo kanina. last day na rin kasi natin dito kaya siguro pinapakita nya yung mga nakuhang shot." sabi ni leila kaya tumangu-tango si taehyung.

"nag-almusal ka na ba?" tanong ni leila.

"hindi pa, eh. kagigising ko lang, noona." sagot ni taehyung habang naglalakad sila papunta sa resto ng resort. "pero maayos na ang pakiramdam mo?" tanong muli ni leila.

"oo, noona. pero binilinan ako ni chim at jinnie hyung na uminom pa rin ng gamot para ma-sure yung pag-galing ko." sabi ni taehyung. "kumain ka na muna kung ganun. maupo ka na dun at kukuhanan kita ng makakain. sasabay na rin ako sayo dahil di pa'ko nakakapag-almusal." sabi ni leila habang tinuturo ang bakanteng mesa kay taehyung.

"bakit di ka nakapag-almusal agad, noona?" kuryosong tanong ni taehyung. "pano ba naman ay inutus-utusan ako ni assistant manager sangwo. osya, pumunta ka na dun sa mesa." sabi ni leila saka na dumiretso sa kuhanan ng pagkain.

naglakad si taehyung papunta sa bakanteng mesa at naupo dun. nilabas nya ang phone nya at nakipag-chat muna kay jimin habang hinihintay nya si leila.

"taehyung-ssi. am i right?" umangat ang tingin nya sa nagsalita. mabilis syang tumayo at nagbow sa harap ng lalaki. "yes, sangwo-ssi. may kailangan po ba kayo?" magalang nyang tanong dito. narinig nya ang mahinang pagtawa nito.

"can i seat with you?" tanong nito na bahagyang kinalaki ng mga mata nya. "o-opo. w-wala pong problema." awkward nyang sagot kaya nakangiti naman itong umupo sa tabi nya mismo kahit may upuan namang nasa harapan nya.

"may kasama ka ba?" tanong nito habang umuupo si taehyung. "ah, opo. si leila noona po." sagot nya dito. "taehyung-ssi, can you do me a favor?" tanong nito.

"ano po yun?" tanong pabalik ni taehyung.

"stop saying po at opo to me and just call me sangwo. magka-edad lang kami ni jungkook-ssi." sabi nito. "sige, sangwo. walang problema sakin yun. magkaedad lang pala kayo? akala ko ay mas matanda ka ng ilang taon." pagsabi nya ng nasa isip nya kaya tumawa ito.

"marami na ring nagsasabi nyan. nung makuha bilang trainee si jungkook ay sya ring time na na-promote ako bilang assistant manager ng entertainment. isa ako sa humahawak sa tatlong top artist, isa na dun si jungkook-ssi." kwento nito kaya ngumiti si taehyung.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora