•17• i...lo...lo...like you

349 28 99
                                    

third person's pov

"di ko alam mga kailangan mo kaya tulungan mo'ko." reklamo ni taehyung habang nakapamewang sa harap ni jungkook.

"the basics." sagot ni jungkook habang busy sa cellphone nito. "basic? basic ano?" tanong ulit ni taehyung

"shirts. shorts. jeans. hoodies. pajamas. overalls. underwears. toothbrush. toothpaste----ikaw na bahala sa iba. i'm so lazy to tell." reklamo ni jungkook saka muling binalik ang mata sa cellphone nito.

walang nagawa si taehyung kundi bumalik sa harap ng walk-in closet nito. pumasok sya dun saka nagpaikut-ikot para mamili ng sa tingin nyang magagamit ni jungkook sa photoshoot nito sa saipan. paroo't parito sya at binababa ang nakukuha at napipili nya sa kama ni jungkook.

"how about footwear?" bulong nya habang nakatingin sa napakaraming footwear ni jungkook. napapahinga ng malalim na lumabas ulit sya para tanungin si jungkook. di nya ito naabutan sa bedroom kaya lumabas sya para mahanap ito.

nakita nyang nakaupo ito sa living room, nakabukas ang tv pero abalang-abala naman ito sa cellphone nito. tahimik syang naglakad papunta sa likod nito at napansing nakatambay pala ito sa instagram.

agad nyang kinuha ang cellphone nya habang naglalakad pabalik sa bedroom ni jungkook. pumunta sya ng instagram at nakitang may ig story ang artista.

"kinda bored. wanna tell or ask me something?"

bored-bored ka pa dyan eh ayaw mo nga akong tulungan sa pag-papack! -_-

napansin ni jungkook ang sunud-sunod na reply sa ig story nya kaya chineck nya ang mga yun. aliw na aliw sya sa mga tinatanong at sinasabi nito sa kanya. naisipan nyang sagutin o reply-an ang iba.

Q: do you have something with alli?

A: do you want me to have something with her?

Q: photography or sketch

A: loves sketching but addicted to photography :)

Q: banana milk or strawberry?

A: drowning myself in a banana milk

Q: do you get possessive sometimes?

A: can be possessive every millisecond of the day

Q:  may chance bang mahulog ang isang idol sa fan nya?

A: why not? we can't stop ourselves from loving someone, right?

Q: jeon ayoko kay alli. palayasin mo na sya.

"oh, same, ayoko rin sa kanya. don't worry whoever you are." bulong nya habang nakatingin sa reply ng isang fan. muntik nya ng reply-an at ipost yun kundi nya lang naalala ang galit na galit na mukha ni averie.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon