•01• opposite lives

652 28 38
                                    

-opposite lives-

third person's pov

"kim taehyung!!!!!!!!" di alam ni taehyung kung tatakpan nya ba ang mukha nya dahil sa kahihiyan o ang tenga nya dahil sa kaingayan ng kaibigan nya. pilit na pilit ang ngiting lumapit sya dito at hinampas ang braso nito.

"aray! para saan naman yon? ganun mo ba'ko ka-miss? kailangan may kasamang hampas yung bati?" angil ni jimin habang hinihimas ang braso nito. "napaka-ingay mo kasi! bakit kailangan mo pang isigaw yung pangalan ko? alam ko yung pangalan ko kaya di mo na 'ko kailangang iinform!" gigil na sabi ni taehyung.

"kalma ka lang. ano ba't ganyan kainit ang ulo mo?" tanong ni jimin kaya asar na umupo si taehyung sa bench. binaba nya ang bag nya saktong tumabi sa kanya si jimin. "nag-away kami ng asawa ko." sabi ni taehyung kaya nakakaunawa namang hinaplos ni jimin ang likod nito.

"anong pinag-awayan nyo?" tanong ni jimin.

"sa labas ko sya pinatulog. napakalakas ng loob nyang makipagharutan sa babaeng yon? hah! akala nya ba takot akong mawala sya? kahit wag na syang bumalik!" singhal na naman ni taehyung kaya pilit syang pinakalma ni jimin.

"dapat kinausap mo. malay mo sapilitan na harutan yon." sabi ni jimin kaya umangat ang isang kilay ni taehyung. "may sapilitan bang harutan?" tanong ni taehyung kaya tumango si jimin.

"mahirap talaga ang may asawang idol tas jeon jungkook pa yung pangalan. laging nakikipag-collab yan at kadalasan ay sa babae pa." sabi na naman ni jimin kaya kunwari ay nagpunas ng luha si taehyung at may pekeng singhot pa.

nagulat pa sya nung itulak sya ng malakas ni jimin kaya muntik syang makipaghalikan sa sahig. nanlalaki ang mga matang tiningnan nya ang kaibigan na nakasimangot sa kanya.

"langya naman, kim. seryoso muna tayo dito. ano ngang problema mo? bakit ang init ng ulo mo?" tanong ni jimin habang umaayos ng upo si taehyung.

"park chim, seryoso ako. si jeon jungkook ang problema ko. balak nya ba talaga kong patayin sa selos? inggit?" reklamo na naman ni taehyung.

"ano bang magagawa mo, eh, fan ka lang? at mananatiling dun ka na lang." kibit-balikat na sabi ni jimin. "lubos akong nagpapasalamat sa pagpapagaan mo ng aking kalooban, kaibigan." pekeng-peke ang ngiting sabi ni taehyung.

"aba'y walang anuman." sagot ni jimin at dun ay nahampas na naman sya ni taehyung.

"bakit ba pumapayag yung management nya na makipag-collab sya sa babae?! tas yung babae eh halatang pokp---"

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now