•29• 'his' decision

293 23 23
                                    

third person's pov

"tae.." napahinga na lang ng malalim si taehyung saka tiningnan si leila na halata ang lungkot sa mga mata. kapapasok nya lang ng kumpanya dahil biglaan ang pagpapatawag sa kanya dito.

day-off nya ngayon at hindi rin alam ni jungkook o ng mga hyungs ang pagpunta nya dun. tanging si leila at jimin lang ang nakakaalam ng pagbisita nya sa kumpanya. "noona, bakit nila ko pinatawag?" sinubukan nyang ngumiti kahit mahahalata namang pilit yun.

"t-they're expecting you at the meeting room, tae. jae-ssi, tae-oh ssi, manager averie and the other heads are there. i think it's about the incident that night." sabi nito habang naglalakad palapit sa kanya.

nung niyakap sya nito ay parang dun nya lang naramdaman ang sobrang panghihina.


matapos ang gabing yun ay kumalat sa buong entertainment ang nangyaring kaguluhan. maski sa top management ay umabot yun sa pamamagitan na rin ni mr. tae-oh na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

hindli lingid sa kaalaman ni mr. tae-oh na may katigasan ang ulo ni jungkook pero di nya inakalang aabot sa puntong halos makapatay ito para lang sa p.a. nito.

alam ni taehyung na hindi maganda ang insidenteng yun sa paningin ng top management, alam nyang nakikita sya ng mga ito bilang threat sa successful na career ni jungkook.

kasama sa rules ng kumpanya ang hindi pagkakaroon ng kasintahan ng mga top artists idagdag pa dun na bawal din ang romantic relationship between the employees, staffs and artists.

sa nangyari nung gabi na yun, kahit na wala man silang relasyon ni jungkook, alam nyang malaking isyu pa rin yun lalo na't top artist ang damay sa insidente.

batid nyang tiyak na may sasabihin o gagawin ang top management at mukhang dumating na ang araw na yun.

"i can't say it's fine because i know that it's not. tae, whatever their decision is please consult to jungkook-ssi, okay? we all know how much he adores you. talk to him after this meeting." sabi ni leila pero di magawang tumango ni taehyung. nanatili lang syang nakatayo dun habang nakatingin kay leila.

"jungkook's not here. he's preparing for the release of his new album. the management told us that we should not tell him anything about this meeting." dagdag pa ni leila kaya napahinga na lang ng malalim si taehyung. kailangan nyang humarap ng mag-isa sa mga heads, wala syang kasama.

"i-i'll go ahead, noona. thank you for informing me." paalam nya saka na ito nilampasan. sumakay sya sa elevator patungo sa floor kung saan naka-pwesto ang meeting room.

nung makatayo sya sa harap ng pinto ay napahinga na naman sya ng malalim. inangat nya ang kamay nya para kumatok ng tatlong beses.

damang-dama nya ang panlalamig ng mga kamay nya. gusto man nyang umatras at tawagan si jungkook ay napatigil sya nung marinig ang mahinang come in sa loob.

wala syang nagawa kundi buksan yun at tuluyang pumasok. kabadong nagyuko sya ng ulo para sa paggalang sa mga matataas na tao na nagpapatakbo sa entertainment na yun.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now