•18• saipan

372 21 53
                                    

third person's pov

"first time?" tanong ni jungkook habang inaayos ang facemask sa mukha nya. nilingon sya ni taehyung na mahigpit na nakakapit sa hawak nitong bagahe. "s-sa?" lutang na tanong nito kaya natawa ng mahina si jungkook.

"airplane." sagot ni jungkook kaya umangat ang tingin ni taehyung sa kalilipad pa lang na eroplano. "oo, pero di ako takot. ang weak ko naman kung takot ako dyan, diba?" sabi ni taehyung saka pa tumawa ng peke kaya tumangu-tango si jungkook.

"sabi mo, eh." sabi ni jungkook saka na lumapit sa steward na pinapapasok sila sa eroplano. naramdaman nya ang mabagal na pagsunod sa kanya ni taehyung kaya mabilis nyang hinawakan ang pulsuhan nito, hinila nya ito palapit sa kanya.

"nasa baba pa tayo, di pa tayo lumilipad pero parang hihimatayin ka na dyan." bulong nya at medyo inayos pa ang facemask na suot nito. "h-hindi naman." tanging sagot nito habang naglalakad sila papasok. agad nyang napansin na iba ang katabi nya at solo ni taehyung ang upuan sa kabilang likod.

alam nyang pinili ng staff na ibigay sa kanya ang pinaka-komportableng upuan sa loob gaya ng gawain nito dati pa. tiningnan nya si taehyung na mahigpit na nakahawak sa kamay nya habang hinahanap ang upuan nila.

"ayun yung upuan, halika na--" taehyung

"jungkook-ssi, maupo ka na dito." sabi ng staff na katabi ni jungkook kaya napatingin si taehyung dun. "di tayo tabi?---wait! di tayo tabi?!" nagpapanic na tanong ni taehyung na bahagya pang kinagulat ng staff.

"taehyung-ssi--" leila

"i'm sorry, leila noona. i'll sit with taehyung-ssi." sabi ni jungkook saka tahimik na hinila si taehyung na agad namang kumalma nung masigurong katabi nya si jungkook sa loob. "beside the window or?" tanong ni jungkook.

"ikaw? saan mo ba gusto?" tanong ni taehyung. "anywhere." sagot ni jungkook kaya umupo si taehyung sa tabi ng bintana. umupo rin sa tabi nya si jungkook at bahagyang binaba ang harang sa bintana.

"you can sleep so you won't be scared." suhestyon ni jungkook pero tahimik lang si taehyung. nilingon ito ni jungkook at napansing nakayuko lang ito habang nilalaro ang hoodie nito.

hindi takot, ah?

nilabas nya ang headphone nya saka sinuot yun kay taehyung na napalingon sa kanya. siniguro nyang kalmadong kanta ang tumutugtog dun para kumalma ang nagpapanic nitong utak. ngumiti sya saka hinila ang balikat nito palapit sa kanya. 

pinuwesto nya ang ulo nito sa balikat nya, naramdaman nyang umayos pa ito ng upo bago napabuntong hininga. nilabas na lang ni jungkook ang laptop nya at nanood ng movies habang hinihintay na lumipad ang sinasakyan nila.

naramdaman nya ang paghawak ni taehyung sa braso nya at dun nya lang na-realize na nasa himpapawid na pala sila. hinawakan nya ang kamay nito at hinaplos yun. bumalik sya sa panonood habang nilalaro ang mga daliri nito. napansin nyang kumalma naman ito nung tumagal sila sa paglipad.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt