•12• sungho-ssi

369 26 52
                                    

sungho-ssi

third person's pov

"pakalmahin mo'ko dahil feeling ko, makakapatay ako." sabi ni taehyung sa kabilang linya. "bakit, bear? iniwanan ka na naman ni sungho sa coffeeshop?" tanong ni jimin kaya napapikit ng mariin si taehyung.

"oo, three minutes pa lang yata kaming nagsisimula, iniwanan na'ko. mapapasuko ka talaga sa katigasan ng ulo nito." sabi ni taehyung habang nakatingin sa hot chocolate na nasa harapan nya.

"bakit naman umalis ngayon? may emergency? may tumawag? o trip nya lang?" tanong ni jimin. "may nag-message sa kanya. tapos biglang tumayo, tumakbo, sumakay sa kotse, ng walang paalam. muntik ko ng ibato yung laptop sa window glass kundi ko lang naalala na wala kong pamalit." natawa si jimin sa sinabi ni taehyung.

"umuwi ka na lang. imposibleng babalikan ka pa nun. mas mabuti rin na ireport mo yung kalokohan nya na yan. bear, third time ka na nyang iniwan sa mga meeting place nyo. sobra na." malambing na sabi ni jimin.

"tatapusin ko na lang yung isang subject ko tapos uuwi na rin ako." sagot nya saka binuksan yung digital art na ineedit nya.

"okay, take care, bear. wag kakalimutang kumain lalo na at mag-aalas-dose na. mag-ingat ka sa pag-uwi. tawagan mo'ko, si jin hyung o si jeon kung may mangyari man. message mo'ko pag nakauwi ka na." mahabang paalala nito samantalang tumatangu-tango lang naman si taehyung.

"thank you, chim." binaba na nya ang tawag saka nagpatuloy sa ginagawa nya. ilang araw na silang nagkikita ni sungho pero dalawang beses nya lang yata itong naturuan at di pa sya sigurado kung nakinig sa kanya.

kung pwede lang manuntok ng tinu-tutor ay matagal na sana nyang ginawa. wala syang ibang kinaka-stress kundi si sungho. ang dami na nga nyang iniisip ay dumagdag pa ang lalaki.

bigla tuloy syang nagsisi na umo-o pa sya nun kay prof lee.

lumipas pa ang ilang oras ng di nya napapansin. napatingin sya sa phone nya nung umilaw yun.

from: chim
"siguruhin mong nakakain ka na ng lunch."

from: jinnie hyung
"anong kinain mo ng lunch?"

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon