•prologue•

768 32 50
                                    

-invaded-

"pauwi na'ko, chim, masyado ka namang nag-aalala sakin, eh." sabi ni taehyung habang naglalakad sa madilim na pathway papunta sa apartment nya. halos mag-aalas-onse na ng gabi sya nakauwi dahil sa trabaho.

"sorry talaga, taetae." sabi ni jimin sa kabilang linya.

"wag ka ng mag-sorry, chim. wala ka namang dapat ipag-sorry. kasalanan mo bang marumi yung shop at kailangan nating linisin ng hanggang ganitong oras? hindi naman, diba? isa pa, kaya ko yung sarili ko." sabi ni taehyung habang nakikiramdam sa paligid.

kahit sabihin nyang kaya na nya ang sarili nya ay alam nyang di pa rin sya ganun kabilis dumipensa kung sakali mang may bigla na lang aatake sa kanya.

"dapat nakitulog ka na lang dito." sabi pa ni jimin na kinailing na lang ni taehyung.

"nandito na'ko sa tapat ng apartment ko, oh. wala namang nangyari sakin kaya pwede ka ng kumalma, magpahinga at matulog." sabi ni taehyung habang kinakalkal ang shoulder bag nya para mahanap ang susi ng unit nya.

"salamat naman at nakauwi ka ng ligtas. goodnight and sweet dreams, taetae. dream about jeon jungkook!" sabi nito na kinatawa ni taehyung.

"kahit di mo sabihin ay pipilitin kong mapanaginipan sya. aba, ilang gabi na nya kong hindi dinadalaw sa panaginip ko. goodnight na." narinig nya lang ang tawa ni jimin bago nito patayin ang tawag. binulsa nya ang cellphone nya nung makapa na nya ang susi ng apartment nya.

"nakakapagod yung paglili----aray!" reklamo nya nung may bumangga sa kanya. mabilis naman syang niyakap nito para di sya bumagsak sa sahig. kunut-noo nyang tiningnan ang mukha nito at agad na nag-panic nung makitang tagung-tago ang mukha at katawan nito.

bumaba ang tingin nito sa susing nasa kamay nya. natulala na lang sya nung kunin nito yun at buksan  ang pinto. hinila sya nito papasok at mabilis na sinara yun. nakatulala lang sya sa hinihingal nitong anyo bago nag-sink in sa kanya ang nangyari.

"s-sino ka? bakit ka pumasok sa unit ko?! anong kailangan mo?! tatawag akong pulis--langya ka, trespassing to, alam mo ba yun? magnanakaw ka? murderer? shutaa---"

"can you shut up for a minute? you're so fuckin noisy." reklamo nito na kinaangat ng kilay ni taehyung.

"ang kapal ng mukha mong english-in ako? at ako? shut up?! hoy! apartment ko'to at bigla ka na lang nanghihimasok! you're invading my apartment and it's my right to kick your ass out! kala mo ikaw lang marunong mag-english, huh?!" singhal ni taehyung.

"i told you to shut--"

"no! lumayas ka! labas!! magwawala talaga ko--" naputol ang sasabihin ni taehyung nung hilahin nito ang kamay nya at yakapin ang bewang nya. binaba nito ang itim nitong facemask bago siilin ng halik ang labi nya. nakarinig sila ng ingay sa labas ng apartment.

sinubukang kumawala ni taehyung pero hinigpitan nito ang yakap sa kanya. nung mawala ang ingay ay tinulak sya nito palayo at pinunasan ang labi nito.

'tangina? sya pa yung maarte eh sya na nga tong nanghahalik ng walang paalam? pigilan nyo 'ko at baka sipain ko sa panga to.'

"i told you to keep quiet. they almost hear us---" -jungkook

"oh my god! pulis ba yun?! sinasabi ko na nga ba at may humahabol sayo--" -taehyung

naputol na naman ang sasabihin ni taehyung nung ibaba nito ang hoodie nito at sumalubong sa kanya ang mukhang sa pictures, magazines, newspaper, videos, tv at news nya lang nakikita. ang pagmumukha ni jeon jungkook.

nanghihinang binaba nya ang kamay nyang nakaturo dito at napaatras ng konti. napatakip sya sa bibig nya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaki.

"of course they'll run after me because i'm an idol and they're my fans." jungkook whispered while staring at taehyung's face.

'i'm also your fan, jeon! oh god! did he just kissed me to shut me up---and wait, the almighty jeon jungkook is in my apartment, right in front of me--in front of me?!?!?! oh god--i'm dreaming, haha--i--'

nagulat si jungkook nung bumagsak si taehyung sa harapan nya. nanlalaki ang mga matang sinalo nya ito nung ma-realize na nawalan ito ng malay.

'mukha ba'kong multo sa paningin nya para himatayin sya sa takot at gulat?' -jeon jungkook.

-end of prologue-

pls, leave your thoughts because i'm not so confident about this ╥﹏╥

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora