•02• sketch

452 27 72
                                    

•sketch•

third person's pov

"late." sabi ni jin habang nakatingin kina taehyung at jimin na naghihilahan ng uniform. mabilis na umayos ng tayo ang dalawa at tiningnan si jin na nakaangat na ang kilay sa kanila.

"jinnie hyung~~~" sabi ni taehyung at yumakap sa pinsan. "pinaiwan nila ko sa bus kaya hinabol ko pa. di nila ko mahal, hyungie." sumbong ni taehyung kaya nakakaunawa naman syang niyakap ni jin.

"fine. fine. pumasok na kayo sa loob at dumarami na ang customers. mag-o-off na si kate." sabi ni jin saktong lumabas si kate na syang naka-duty ng umaga na yun. "kateeee!!" bati nina jovie at jacky saka mabilis na niyakap ang dalaga.

"wag nyo namang patayin sa yakap si kate." sabi ni jimin saka hinila si kate paalis sa yakap ng dalawa. "thank you for that, jiminie. masyado nyo naman yata akong namiss?" sabi ni kate habang nakatingin sa dalawa.

"three days kaming di nakapunta dito kaya namiss ka talaga namin." sabi ni jovie.

"naku, tama na yan. tae, chim, pasok na sa loob. pumasok na rin kayo jacky, jovie. ingat ka, kate." sabi ni jin saka na hinila papasok sina taehyung at jimin na kumaway lang kay kate. mabilis na nagpalit ng damit ang dalawa nung mapansin nilang marami na ngang customer ang shop.

umaga at hapon madalas dumadagsa ang mga customers lalo na't pasok at uwian yun ng mga estudyante at empleyado. nagsimula silang tumanggap at mag-serve ng mga orders habang abalang-abala naman si jin at ang assistant nya sa loob ng kitchen.

"sabi ko umorder kayo." sabi ni taehyung at ibinaba ang menu sa harap nina jovie at jacky. natawa ng mahina si jimin na pinapanood ang tatlong kaibigan. "bear, kabisado mo na ang order namin. go na, babayaran na lang namin." sabi ni jacky.

"bear~~ kanina ko pa napapansin yung isang customer." pabulong na sabi ni jacky. akmang lilingunin ni taehyung yun nung pigilan sya ni jacky. "wag mong lingunin, mahahalata ka. kanina pa tumitingin sayo yan. kahit nung umorder sya at serve-an mo ay todo-titig na sayo." bulong din ni jovie.

"creepy." bulong ni taehyung. "pero di naman sya gumagawa ng masama kaya hayaan nyo na." sabi ni taehyung saka bumalik sa counter para ibigay ang order ng dalawa nyang kaibigan. dahil nga nasabi na rin nina jacky at jovie ang tungkol sa customer na yun ay bahagya nyang sinilip ito. napangiti sya ng pilit nung makitang titig na titig nga ito sa kanya.

"hala, chim~~" medyo na-creepy-han sya kaya pasimple syang lumapit kay jimin na abala sa paglilista ng orders. "bantayan mo'ko." umangat ang isang kilay ni jimin dahil sa utos ni taehyung.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now