•11• caught

363 23 48
                                    

•caught•

third person's pov

"di ka pa uuwi?" taehyung

"bakit? gusto mo na'kong pauwiin?" jungkook

"di ka ba napagod sa buong araw na'to?" tanong ni taehyung habang binababa ang shoulder bag nya sa sofa. hinubad ni jungkook ang mask nya at binaba ang camera sa center table.

"i'm tired but this is the only place where i can take a rest." sagot ni jungkook. "okay. magpapalit lang ako." paalam ni taehyung at pumasok sa kwarto nya. humiga si jungkook sa sofa at binuksan ang tv. pigil na pigil syang makatulog dala na rin ng sobrang pagod.

nung saktong makalabas ng kwarto si taehyung ay may biglang kumatok sa unit nya. nagkakamot ng ulong lumapit sya dun. akmang bubuksan nya na ang pinto nung ma-realize nya kung sino ang kasama nya sa apartment nya ngayon.

"bakit ang tagal nyang buksan?" mas namutla pa sya nung marinig ang boses ni seokjin sa labas. "baka wala pa?" boses naman ni jimin yun

"kumatok kayo ulit." boses ni jacky. "bakit kaya di sya pumasok sa coffee shop at di man lang nagpaalam?" boses naman ni jovie ang sumunod.

fuck! damn! shit! yaahh! anong ginagawa nila dito?! bakit sila nandito?! O____O

mabilis na tumakbo si taehyung papuntang sala at nilapitan si jungkook na halos paidlip na. "bun! bun! nandito yung mga kaibigan ko! magtago ka, bilis!" bulong nya na kina-alarma nito. napaupo ito sa sofa at lumingon sa paligid.

"dito!" bulong ni taehyung at hinila si jungkook papuntang kwarto nya. binuksan nya ang closet at hinawi ang mga damit nya. tinulak nya si jungkook dun na hindi na nakuhang magsalita. mabilis na sinara ni taehyung ang closet at kabadong sumandal dun.

bumalik sya sa sala at kinuha ang camera, face mask at sapatos nito. tinago nya yun lahat sa ilalim ng kama. ginulo nya ang buhok nya pati ang damit nya. kunwari ay tamad na tamad nyang binuksan ang pinto at inangatan ng kilay ang apat

"ah, nakatulog pala." sabi ni jacky. "bakit di ka pumasok kanina sa shop, bear? nag-alala kaming lahat." sabi ni jin saka pumasok sa loob. niyakap nya ang braso ni taehyung habang naglalakad sila papuntang sala.

"kaya pala di mo marinig katok at sigaw namin. bukod sa tulog ka na eh nakatodo pa yung tv." sabi ni jovie saka umupo sa sofa. dumiretso sa kusina si jin at naghanap ng pwedeng lutuin. yumakap si jacky kay taehyung habang nakaupo sila sa sofa.

"bakit nga ba di ka nagpaalam, bear?" sabi ni jacky. "nakatulog ako, eh. ang haba ng pinag-aralan ko para sa tutorial class ko kay sungho." sabi ni taehyung kaya tumango si jacky.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt